Kabanata 1

3242 Words
" Oh ano?! Yuyuko ka ba o ikaw ang unang aakyat? " paghampas ni Carol saakin ang pinaka bayolenteng taong nakilala ko na akala mo may ranko sa mundo para ipilit ang mga bagay na gusto niya at ipagawa saakin " KAASAR KUNG BAKIT KASI PINATAAS PA NILA! " naasar nitong tingin sa may pader pagkwan nilingon niya ako " O ano tititigan mo lang ba ako?! " sigaw nito saakin habang nasa harap kami nang pader sa likod ng school pagkatapus naming maiwan ang ID namin dahilan para hindi kami makapasok sa main gate at gusto ko lang sabihin na ilang beses na kaming nahuli rito at dahil hindi lang naman kami ang gumagawa nito kaya ito pinataas nila ang pader kaya natigil ang mga istudyante na dumaan rito maliban sa babaeng ito. " Yuyuko " mahina ko ritong sabi tsk! wala akong ibang choice kapag nauna kasi akong umakyat panigurado magpapasalo siya saakin kaya mabuti nang matapakan ako nito at gawing hagdan kaysa masalo ko siya, napaka bigat niya nong huli nga halos mabali niya ang mga braso ko pagkatapus nitong madaganan " Ang bagal!!! " paghawak nito sa ulo ko at sinubsob sa lupa kaya masama akong lumayo rito. " Alam mong nandito ako para magpagamot tas sisirain mo lang ulit ang ulo ko?! " masama kong tingin rito pero hindi naman ito kumibo pa pagkatapos matauhan. " President may mga tao na naman rito!!! " sigaw ng isang SSG member at bago pa ako makalingon rito naramdaman ko na lang ang biglang paghawak ni Carol sa kamay ko at mabilis na tumakbo dahilan para mapatakbo na rin ako. " KAPAG NAHULI NILA TAYO BUONG CAMPUS ANG TATAKBOHIN NATIN NG SAMPONG BESES!!! " pagtakbo pa nito habang hilahila ako at natawa na lang ako ng matitigan ko ang mga kamay niyang nakahawak sa kamay ko dahile habang ang kamay na ito ay nakahawak saakin paniguradong isang sakuna ang sasapitin ko. Siya si Carol ang babaeng pinaka pasaway sa campus, napaka ingay at walang galang na babae at sobrang tapang! sa subrang tapang matatakot ka dahil wala siyang takot mamatay o masaktan minsan nga naiisip ko kung tao pa ba siya. At sa kasamaang palad siya yong bagay na gustohin ko man o hindi pero palagi siyang nasa paligid ko para sirain ang maganda kong araw at wala akong nagagawa kundi makisama na rin sa kaniya dahil ang totoo nakakatuwa din siyang kasama. " Pareho rin naman itong ginagawa natin ah! Tumatakbo rin tayo kaya magpahuli na lang tayo at least pagkatapus nating tumakbo sa campus makakapasok na tayo e itong pagtakbo natin iwan ko kung saan tayo pupunta " pagsuway ko sa gusto niya palagi talagang magka-iba ang desisyon namin. " Hindi ako papayag na mahuli at ganon din ang gusto ko sayo! " pagtakbo pa niya. " e ayaw ko nga sa gusto mo " naaasar kong sabi rito at magsasalita pa sana ito nang bigla itong mapahinto sa paghinto ng sasakyan sa harapan namin. " Bakit kayo tumatakbo? " tanong nang babaeng bumaba sa sasakyan pagkwan napansin nito ang leeg naming walang suot na ID kaya naitindihan na niya sa ilang beses ba naming pagtakbo ng dahil dito kahit sino ang makasalubong namin alam na nila ito " Kung ganon saakin ka na sumabay Paulo, naiwan ko din ang ID ko kaya sabay tayong makiusap para makapasok " Pagngiti nito saakin kitang kita ko naman ang pagkunot noo ni carol at mahigpit nitong hinawakan ang kamay ko. " Hindi siya sasama sayo! " hawak pa nito sa kamay ko at napalingon na lang ako sa isa ko pang kamay nang hawakan ito ni Anika ang babaeng sakay ng sasakyan " Wag kang mag-alala makikiusap tayo at siguradong maiitindihan nila tayo " ngiti nito saakin kaya mas sumama ang tingin nitong si Carol. " Babaliin ko ang kamay mo kapag sumama ka sa kaniya!!! " bulong nito saakin. " Halika na Paulo, akong bahala sayo " bulong rin ni Anika at yong totoo madalas na itong mangyari kaya palagi akong nalalagay sa binggit nang kamatayan sa kamay nitong si Carol, palagi kasing tama ang desisyon ni Anika at siya? Palaging ginagawang tama ang desisyon niya kahit obvious na mali. AT NANG dahil sa isang aksidente bakit ito nangyayari saakin at nakilala sila. Nang dahil sa aksidente dinala ako ni Papang dito sa probinsya namin para ipagamot at iwan saglit ang totoo kong mundo. At dahilan para magtagpo ang mga landas namin. MAGBALIK TANAW TAYO SA AKING TOTOONG BUHAY NA PILIT KONG GUSTONG KALIMOTAN! " HUWAG MO AKONG GULOHIN GRACE NANDITO LANG AKO PARA KUNIN ANG MGA GAMIT KO! " dinig kong pagsara ni Daddy sa pintuan ng kwarto nila at mayamaya bumukas din at siguro si mommy ang gumawa non pagkatapus nitong magsalita. " MABUTI PA NGA DAHIL NABUBUWESIT AKO KAPAG NAKIKITA KITA!!! " sigaw din ni mommy katatapus lang kasi ng funeral ni Lola kaya malaya na nilang magagawa ang mga bagay na gusto nila. They're product of arrange marriage kaya lang nagfailed yon, dahil ni minsan hindi ko nakita ang pagmamahalan nila, ni minsan hindi ko naramdaman, hangang sa nagkaisip ako at tanggapin ang katotohanang hinding hindi ako magkakaroon ng pamilyang puweding katulad ng mga isinusulat ko at mga magulang na puweding magsama habang buhay nang minamahal nila ang isa't isa. At ngayon wala na si Lola, ang taong naglagay ng sumpa sa pagsasama nila kaya puwedi na silang maghiwalay at iwan ako. " AKALA MO BA IKAW LANG?!! " sigaw pa ni daddy at ayaw ko ng marinig pa yon at sa mga oras na ito gusto ko ng maglaho na lang habang nagkukulong sa walang ilaw na kwarto ko. " BAKIT BA PARANG KASALANAN KO PA AT PINAKASALAN MO AKO?! " sigaw na naman ni mommy. " Pinakalasan?! Alam mong pareho tayong hindi gusto yan!!! " sigawan pa nila at alam niyo yong masakit? ilang araw na nilang pinag-uusapan ang paghihiwalay na ito na kapwa gustong kumalas sa kasalang hindi nila ginusto at ni minsan hindi ko narinig ang pangalan ko sa gusto nilang bagong buhay. " Sir ang dilim po " napalingon naman ako sa biglang pumasok sa kwarto ko at kasabay nito ang pagpapailaw ni Papang sa ilaw, ang masugid na tagapag-alaga ko, ang taong laging nagbabantay saakin at pinagkakatiwalaan ni Lola na alagaan ako dahil kahit kailan hindi naman nagkaroon ng paki saakin ang mga magulang ko kaya bata pa ako siya na ang nag-aalaga saakin. " Kumain po muna kayo " paglalapag nito sa pagkain pero tiningnan ko lang ito pagkwan nagtungo siya saakin sa may sulok habang nakasiksik rito at naka-upo habang nanlulumo sa pinaggagawa ng mga magulang ko at sa nangyari kay Lola. " Magiging okay din ang lahat kaya huwag ka nang magmukmok diyan at saka nandito pa naman ako at nandito lang ako palagi " pag-upo nito at humarap saakin " Hindi matutuwa si madam kung patuloy kang malulungkot " pagpapagaan nito sa loob ko. " Pang hindi niyo ako iiwan diba? " tanong ko lang rito at tumango naman ito saakin bilang sagot kaya mabilis akong yumakap rito at mas humigpit ang yakap ko rito pagkatapos kong maramdaman ang mahihina niyang tapik sa likod ko. " Magiging maayos din ang lahat " sabi pa nito kaya tumingin ako rito at tumango saka nagpunta sa pagkaing dala niya at pagkatapus ko lumabas na din siya kaya agad akong nagtungo sa notebook ko, ang sinusulatan ko ng ilang ginagawa kong nobela at sa totoo, wala pang nakakabasa nito maliban kay Papang. Mahilig ako magsulat pero para lang sa sarili ko dahil gusto kong maranasan kahit papaano kung ano yong gusto kong meron ako, pagmamahal, at mga taong gusto kong nagmamahalan din, dahil gusto kong maranasan maging masaya. Someone POV " Kahit anong mangyari nandito lang ako at hindi kita iiwan tulad ng kinakatakotan mo and they kiss forever " pagsusulat nito at nahiga sa kama niya pagkatapus maisip ang pagmamahalan ng mga isinusulat niya at tuloyan siya nitong dinala sa pagtulog pero naalimpongatan ito pagkatapos niyang makarinig ng ilang pagkabasag ng vase na kumalampag sa sahig. " LUMAYASSSSS KANA KASI!!!! " sigaw na naman ng mommy niya. " MAGHINTAY KA! " sigaw rin ng daddy niya at napabangon ito nang marinig niya ang isang sampal kaya mabilis nitong binuksan ang pinto. " Pa-Paulo anak gising ka pa? " nag-aalala ritong tanong ng mommy niya pero tumingin lang siya sa mga ito nang hindi nalalaman kung sino ba yong nanampal sa dalawang ito pagkwan naglakad siya ng hindi alam kung saan para putolin ang ilang segundong naganap sa kanilang pagtititigan. " Tama yang anak mo saan siya titira? " pakiramdam niya may kumirot sa dibdib niya sa tanong ng daddy niya " At bakit saakin mo tinatanong anak mo rin naman siya ah! " sa pagkakataong ito natahimik ang mag-asawa ng bumalik ito sa loob ng kwarto at mayamaya lumabas din itong nagmamadali maglakad. " Paulo anak saan ka pupunta? " nag-aalala nilang tanong rito at sinundan. " sa lugar na wala kayo!!! " sigaw nito at pabagsak nitong isinara ang pinto pagkatapus niyang makalabas at napatakbo sila palabas ng marinig nila ang pagharorot ng sasakyan kaya napalabas na rin ang Papang niya na naalimpongatan pagkatapus nitong marinig ang pangalan ng alaga niya. " sino yon? " nag-aalala nitong tanong. " Kunin mo ang susi nang sasakyan! Daliaan mo!!! " sigaw ng mommy nito sa daddy ni Paulo na nagmadali ding nagtungo sa kwarto nila. " Si Paulo ba yong lumabas? E gabi na ah?! Saan siya pupunta?! " sunod sunod na tanong nitong Papang niya. " Sa lugar daw na wala kami, nag-aalala ako " naiinip nitong paghihintay sa asawa niyang kumuha ng susi ng sasakyan tulog na kasi ang mga driver kaya mas matatagalan kung gigisingin pa nila ito. " Ngayon pa kayo nag-alala? Hindi na kayo naawa sa anak niyo! Dahil sa pagkamatay ni madam mas dumoble ang iniisip niya at lalong nanahimik at kayo hindi niyo man lang nakausap para pagaanin ang nararamdaman niya sa nangyari e puro kayo away!!! " sermon nang Papang nito. " Tayo na! " pagdating ng asawa niya kaya iniwan na nila ito na para bang walang narinig. At sa bilis ng pagsunod nila rito nahabol nila ito at ganon na lang ang takot nila ng biglang pabilisin ni Paulo ang sasakyan para makalayo sa kanila pagkatapos niyang masulyapan ang mga ito. " Natatakot akong baka may mangyari sa kaniya " nag-aalalang sabi ng mommy nito pero hindi ito makibo ng asawa niya habang sinusundan ang mabilis na pagpapatakbo ni Paulo na ngayon kabang kaba na rin siya sa puweding mangyari sa anak nila. " GUSTO KONG MAKALIMOTAN ANG LAHAT! GUSTO KO NANG BAGONG BUHAY! GUSTO KO NG KATAHIMIKAN! GUSTO KONG MAGING MASAYA! GUSTO KONG NGUMITI! GUSTO KO NG PAGMAMAHAL!!! " mga sigaw nito habang ramdam mo rito yong sakit at pananabik na makamit ang lahat nang iyon at isang nabuong idea ang pumasok sa isip niya ng makita nito ang isang maliit na bangin " BAKA KAPAG NABUHAY AKONG MULI MANGYAYARI ANG MGA GUSTO KONG MANGYARI!!!! " pagliko nito sa sasakyan niya patungo sa may bangin kaya ganon na lang ang takot ng mag-asawa at huli na ang lahat dahil tuloyan na siyang nahulog rito at dumeretso ang sasakyan nito sa puno kaya ganon na lang ang pagtutunog nito pagkatapus ng inabot nitong pinsala at mabilis namang nagtungo rito ang mga magulang niya pagkatapos makita ang nangyari sa sasakyan ng Anak nila. " Pa-pa..u. lo???!! " nang lalaking mata ritong tingin nang mommy niya pagkatapus nitong tumilapon sa labas ng sasakyan at dahil sa punong nabangga nito dahilan para hindi siya tuloyang nahulog sa may lupa " anak? " pakiramdam niya nawalan siya ng lakas sa sinapit ng anak niya at naalala nito ang mga oras nong ipanganak niya ito habang hindi maalis sa mga labi niya ang ngiti habang naririnig ang mga iyak nito pero ngayon, duguan at walang malay na anak ang nakikita niya at nagsisisi pagkatapus maisip na marahil sila ang dahilan nang ito. " Tulongan mo ako!!! " sigaw rito ng asawa niya at mabilis nitong kinuha ang anak nilang nasa ibabaw ng sasakyan pagkatapus lumampasay ng asawa niya sa lupa nang mawalan ito ng lakas sa mga nasasaksihan niyang nangyari sa anak nila at marealized ang mga pagkakamali nila. " Paulo? anak? Paulo? " tawag rito ng daddy niya pagkatapus niyang ihiga at mga ilang minuto may dumating na ambulance kaya nadala ito sa hospital at ilang bago ito nagising muli at ayon sa doctor nagkaroon ito ng brain damage dahilan para mawala ang ilang memorya niya. Mahalagang paalala ang babasahin niyo ay walang ano mang ginawang pagsusuri ang author sa google at walang ano mang teorya kaya lahat ng mababasa niyo ay kagagawan lamang ng imahinasyon ko. " Kung ako sainyo ma'am dadalhin ko muna ang anak niyo sa isang lugar na puwedi siyang magpahinga dahil ayon po sa ilan kong test, ang anak niyo ay kumakaharap ng malaking problema, he's depressed ma'am kaya natrigger po ang utak niya na mawala ang ilang memorya niya, Tama po ang narinig niyo ma'am not only the accident ang dahilan bakit siya nagkaroon ng amnesia kundi dahil ang katauhan niya ang gumawa non at kung ayaw niyo pong tuloyang mawala sa alaala niya ang lahat, kayo o ang mga bagay na natira sa isipan niya then, hayaan niyo siyang makapag aliw at ipahinga ang isipan niya dahil maaaring kapag nakita niya muli ang mga bagay na dahilan bakit gusto niyang kalimutan ang lahat maaaring maging long-term amnesia ang lahat at mabura kayong lahat! " napaupo naman ang mommy nito sa sinabi nang doctor " or most worst tuloyang masiraan ng utak ang anak niyo dahil sa mga iniisip niya at hindi niya ito nakakayanan " Ganon na lang ang naramdaman nilang Takot. " What are the things we should do? " tanong ng daddy niya. " ang pinakamaganda ko pong payo ay hayaan niyong maalala niya ang lahat at wag nang ipilit na ipaalala sa kaniya ang lahat, sa ngayon kasi ang inaalala ko ay baka mas lumala lang ang kalagayan niya kung maaalala niya ang ano mang dahilan bakit mas ginusto niyang kalimotan na lang ang lahat dahil sa ngayon ma'am maaaring maayos siya tingnan dahil wala siyang maalala ngunit ang kerot sa puso niya ay nandiyan pa rin at maaaring kapag ang pusong nasaktan at isipang naghahanap nang sulosyon sa kaniyang nararamdaman ay magkabanggaan ay humantong sa isang traumatic disorder at maging dahilan para tuloyan niyang kalimotan ang tungkol sa lahat, sainyo o sa buong pagkatao niya " Paliwanag pa nito. " Salamat Doc " yan lang ang lumabas sa bibig ng daddy ni Paulo na ngayon nagsisisi sa mga pagkukulang na nagawa nila rito pagkwan pumasok ang isang nurse para sabihing may ilan pang psyenteng naghihintay sa doctor. "Well excuse me, kailangan ako nang iba ko pang pasyente kapag may kailangan pa kayo at nagising ang pasyente then, pakipuntahan na lang ako " sabi nito bago tuloyang lumabas hindi naman maalis ng mag-asawa ang tingin nila sa anak nila habang natutulog na ngayon tanging ang mga masasayang alaala lamang ang naaalala niya. " Natatakot akong may mangyari sa kaniya " naiiyak na sabi ni Grace at naupo sa may sofa habang nakatingin sa anak niya. " Kasalanan ko ang lahat ng ito eh " bulong rin ng daddy niya at naupo sa kabilang sofa pagkwan pumagitna sa kanila ng upo ang Papang nito. " Kung may dapat na sisihin dito, kayo yon " seryoso nitong sabi kapwa namang walang tumanggi sa sinabi niya " At sa tingin ko naiisip niyo na kung bakit ko sinasabing kayo " napayuko naman ang mag-asawa sa pagsisising nararamdaman nila ngayon " Buong buhay niya Hindi niyo siya pinakitaan ng totoong pagmamahal bagkus puro pag-aaway ang ginawa niyo! At alam niyo ba kung anong paulit ulit niyang tanong saakin? " napatingin naman rito ang mag-asawa habang may namumuong luha sa mata ni Grace at ang daddy nito nakatitig lang ito at kita sa mata nito ang pagsisisi " Nag-iisang anak niyo si Paulo, wala siyang makakausap para ilabas ang nararamdaman niya o kapatid na puwedi niyang isiping kasama niya kapag nalulungkot siya at puwedi niyang makasama kapag tinuloy niyo ang gusto niyong maghiwalay, Paulit ulit niyang tinatanong saakin kung iiwan ko ba siya habang nangungusap ang mata niyang huwag kong gawin yon, naaawa ako sa anak niyo sa nararamdaman niya dahil sa ginagawa niyo, nakakakaawa ang anak niyo! Nakakaawa ang batang dinadamay niyo dahil sa mga bagay na ayaw niyong mangyari gayong ginawa niyo rin " pagtukoy nito sa kasal nila at hindi na napigilan ni Grace ang mga luha niya sa sinabi nito at ang daddy niya napahawak na lang sa may sofa para itago rito ang kamao niyang nagpupumigil manakit dahil sa nararamdaman niyang guilt. " Gusto kong gumaling ang anak ko at itama ang lahat! " tumango naman rito ang asawa niya bilang pagsang-ayon. " Sa mga sinabi ng doctor may nabuong idea sa isipan ko para gumaling si Sir at hindi niya tayo makalimotan ng tuloyan " " Ano yon??? " tanong agad rito ni Grace. " Ilalayo ko muna siya sa mga bagay na puweding magpapaalala sa kaniya sa lahat ng sakit na nararamdaman niya at lalong lalo na sainyo " napatigalgal naman rito ang mag-asawa " Alam kong naiitindihan niyo ang ibig kong sabihin " nag-iwas naman rito ng tingin si grace bilang hindi pagsang-ayon " Isipin niyong kayo ang nagtulak sa kaniyang gawin ang magpakamatay kaya hindi malabong kayo rin ang maging dahilan ulit para tuloyang makalimotan ni Paulo ang lahat ng tungkol sa kaniya " nakita naman nito ang pag-iyak ng mga magulang niya " At saka pagkakataon na rin niyo ito para ayosin ang tungkol sa inyo ng tahimik para kapag bumalik na ang alaala ng anak niyo madali na lang niya matatanggap kung makikita niyang pareho kayong masaya sa buhay at sa mga desisyon niyo " pagtukoy niya sa binabalak nilang paghihiwalay kaya nagkatinginan ang dalawa pagkwan tumingin rito ang daddy ni Paulo. " anong iniisip niyong plano? " tanong nito. " Maninirahan muna kaming dalawa malayo sainyo " sabi nito mga ilang segundo namang nanahimik ang mag-asawa pero mayamaya sumang-ayon na din sila sa plano nito. " Puwedi kayo sa probinsya namin, Tama nandoon pa rin yong maliit naming bahay pangbakasyonan at saka sariwa ang hangin kaya paniguradong gagaling siya doon " pagsang-ayon na din ni Grace " Huwag kayong mag-alala tatawagan ko ang katiwala doon para ayosin ang lahat sa pagtira niyo doon ng anak ko " pagtabi rito ni Grace. " Paki-usap Pang ingatan niyo po siya para saakin " yakap niya pa rito pagkwan tumingin siya rito at nilingon nito bahagya ang asawa niya " Aayosin po namin ang lahat at gagawin ang Tama " napangiti naman siya sa sinabi ni Grace pagkatapus sumang-ayon nang asawa niya. " Makakaasa kayo " napangiti naman ang mag-asawa. " Ngunit kailangan niya pa ring mamuhay ng normal ayon sa gusto niya " tumango naman sila sa sinabi ng daddy ni Paulo at gaya ng sinabi niya kahit na nagpapagaling siya pinasok nila ito sa school sa bago nilang titirahan para kahit papaano hangga't wala pa ang mapapait niyang alaala ay mapapalitan ito ng masasaya dahilan para mas piliin nitong kalimotan lahat nang sakit kapag bumalik ang alaala niya at piliin ang buhay niya at maging masaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD