Kabanata 7

2338 Words
Para akong tinakasan ng dugo sa katawan dahil sa narinig mula sa kaniya. Alam ko naman na hindi niya ako gusto… pero ang manggaling sa mismong bibig niya? Iba pala. But what would I expect from him? Na sabihin niya ako ng ‘I love you’ after we shared a steamy kiss? Mas magugulat pa ako kung iyon ang sasabihin niya. Binalot ako ng kahihiyan sa buong katawan. Hindi ako makapagsalita, ni hindi ko rin siya matignan ng diretso sa kaniya. Yumuko ako para hindi magtama ang mata naming dalawa. “Aalis na ako, may gagawin pa pala ako.” Umalis ako sa kandungan niya. Dali-dali kong kinuha ang bag ko at nagmamadaling lumabas ng bahay nila. “Lovely,” tawag niya pero hindi ako lumingon. Sa pagmamadali na makalabas ng gate nila ay sumabit ang legs ko sa maliit na alambre na nakalawit. I flinched but I did not mind. Masyado ng okupado ang utak ko para huminto pa at tignan ang naging sugat sa legs ko. Kaya naman nagulat ako nang may humawak sa braso ko at patigilin ako sa paglalakad. Nagtama muli ang tingin naming dalawa. Pagkalito ang nababasa ko sa mata niya. Hindi ko siya maintindihan kung bakit niya pa ako pinatigil, gayong hindi naman niya ako gusto. “Nasugat ka. May kalawang ‘yong alambre, baka ma-infe—” Binawi ko ang kamay ko sa kaniya. “Kaya ko na, gagamutin ko na lang sa bahay.” He is too good to be true. Girls like me are easy to play with. Simpleng pagpapakita lang ng kabutihan ay nahuhulog na. I blame it on my family. They showed me nothing but irritation. Kaya sa tuwing may mabuti sa akin ay agad akong nahuhulog. Wala na siyang nagawa pa nang umalis na ako sa harap niya. Nang makarating ako sa apartment ko ay agad kong hinugasan ang sugat ko. Wala akong maramdaman na kahit ano. What he said did not hurt me that much, siguro ay sanay na ako. Nagulat lang ako kanina. Alam ko na sumobra ako. I have a crush on him, not the other way around. I was so into that kiss that I started grinding on him. Malamang ay magugulat talaga ito. After all, halata naman na konsebatibo siyang lalaki. Spend my time rethinking what happened earlier. Minsan ay napapakislot ako dahil sa kahihiyan, pero madalas ay namumula ako dahil sa init ng halik na pinagsaluhan namin. His kiss and lips are different from all the guys I have kissed before. Nakakaadik ang sa kaniya, iyong tipo na uulit-ulitin mo na magpahalik. Kinabukasan at sa mga sumunod na araw ay iniwasan ko siya. Panigurado kasi na nabigla siya sa ginawa kong paghalik sa kaniya. Bibigyan ko na muna siya ng pahinga mula sa akin. I don’t want everything to be awkward between us, kahit na parang awkward na nga. I focus on my work. Nakabili na rin ako ng murang android phone. Ang una sa contact ko ay sina Lance, Miko, at Gino. Si Karla ay in-add ko sa f*******: account na ginawa ko pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako ina-accept. “Mamaya, Lovely, magpunta ka sa bahay. Birthday ng bunso kong anak, may kaunting handaan.” Matapos kong maiabot sa bumibili ang binili niyang isda ay hinarap ko si Ate Lorna. “Sige po, Ate.” Bago umuwi ay bumili muna ako sa tiangge ng pwedeng iregalo sa anak ni Ate Lorna. Laruan na lang ang binili ko. Pagkatapos bumili ay umuwi muna ako sa apartment para makapagpalit sa malinis na damit. I am wearing a fitted black shirt and a high-waisted maong shorts. Sandals na lang din ang sinuot ko dahil sa may bandang bukid ang bahay nina Ate Lorna. At simpleng handaan lang naman iyon. Nag-tricycle ako papunta roon. Nasa malayo pa lang ako ay naririnig ko na ang malakas na tugtog ng videoke. Marami rin ang bata na naroon, nagtatakbuhan, naglalaro, umiiyak at kung anu-ano pa ang ginagawa na ikinagagalit ng magulang nila. Agad hinanap ng mata ko si Ate Lorna. Mabuti na lamang ay lumabas ito para salubungin ako. Karga niya ang tatlong taong gulang nitong anak na lalaki. “Mabuti at nakapunta ka. Halika sa loob, doon ka na lang kumain dahil medyo magulo rito sa labas.” Kinuha ko sa kaniya ang anak niya. Habang papasok sa loob ng bahay ay kinakausap ko ito. Ibinigay ko rin ang regalo ko na malugod niyang tinanggap. He is so small and cute. Napapangiti ako sa tuwing ngingiti siya sa walang kwenta kong sinasabi sa kaniya. Dahil sa gutom ay kumain na rin ako agad. Paminsan-minsan ay may kumakausap sa akin na kamag-anak nina Ate Lorna. They keep on saying nice things to me. Ang ilan sa mga tanong nila ay kung saan ako galing at kung sino ang magulang ko. Ang isinasagot ko na lang ay wala na akong magulang at dati akong nagtatrabaho sa Manila. Nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang may dalawang tao na pumasok sa kusina kasama ni Ate Lorna. “Trisia, Caedmon, huwag kayong mahiya. Kumain lang kayo. Nandito ‘yong katulong ko sa palengke, si Lovely. Siguro naman ay kilala niyo na siya? Sabayan niyo na kumain. Dito na lamang kayo dahil maingay at magulo sa labas.” Nabitin sa ere ang isusubo ko na sanang spaghetti dahil sa dalawang bagong dating. Ngumiti sa akin si Trisia, hindi ko magawang ngumiti pabalik dahil sa gulat. Ang mga mata ni Mon ay seryosong nakatingin sa akin pero may kakaiba sa tingin niya. Umiwas ako ng tingin at nagpatuloy na lang sa pagkain. s**t! Hindi ko naisip na magkikita kami rito. Hindi ko rin naman kasi alam na close pala sila kina Ate Lorna. “Masarap magluto si Tita Lorna, lalo na iyong barbeque chicken niya. Try mo, Rick.” Tinatawag niyang Rick si Mon, ibig sabihin ay close na close nga silang dalawa. Whatever, ako lang naman ang tumatawag na Mon sa kaniya. Mas special ang sa akin. Teka, why am I comparing? Tahimik akong kumain at paminsan-minsan silang tinitignan. Panay ang asikaso ni Trisia kay Mon na akala mo ay wala itong mga sariling kamay. Kung makaasta ito ay parang nanay ng lalaki. Pasimple akong umirap ay inubos na lang ang kinakain. Nawala ‘yong gutom ko. Kanina bago sila dumating ay balak ko pa naman na kumuha ulit ng spaghetti kapag naubos ko, ngayon ay wala na akong gana. “Lovely, may ginawa raw si Tita na macaroni salad. Gusto mo?” mahinhin nitong tanong sa akin. Dapat masaya ako dahil sa wakas ay mayroong babae na hindi ako sinusungitan pero naiirita lamang ako lalo na dahil sa mahinhin nitong pagkilos at pagsasalita. Tila hindi siya makabasag pinggan, ibang-iba sa akin. Hindi na ako magtataka kung may lihim na paghanga nga sa kaniya si Mon. “Ah, nasaan ba? Ako na lang ang kukuha.” “Nasa ref lang,” nakangiti nitong tinuro ang maliit na ref. Tumayo ako at nagtungo papunta roon. Nang buksan ko ay maraming maliit na putting baso nga ang naroon. Kumuha ako ng tatlo, isa sa akin at para sa kanilang dalawa. “Thank you,” she said sweetly. Tipid ko na lamang siyang nginitian bago umalis sa kusina. Nakaka-suffocate roon at nakaka-out of place. They looked like a sweet couple, and I was nothing. Hinanap ko na lang ulit ang anak ni Ate Lorna at siya ang pinagtuunan ng pansin. Nang makatulog ito ay tumambay ako sa sala nila, inabala ko ang sarili ko sa cellphone. Maya-maya ay uuwi na rin ako. Masyado pa kasing busy si Ate Lorna kaya hindi ako makapagpaalam. I received a message from Lance. Tinatanong nito kung nasaan ako. Sinabi ko nasa birthday ako ng anak ng amo ko. Lance: Wow, panghingi mo ako ng shanghai at pancit, ah. Napangiti ako nang mabasa ang mensahe niya. Umiling na lamang ako bago nagtipa ng reply sa kaniya. Me: Sira, nakakahiya. Lance: Joke lang Lance: Anong oras ka uuwi? Gusto mo sunduin kita? Me: Hindi na, kaya ko na. May sakayan naman g tricycle rito. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang paglabas sa kusina ng dalawa. Hinila ni Trisia si Mon para maupo sa kabilang sofa. Dahil pang-isahan lang iyon ay doon naupo si Mon, kasama ko si Trisia sa mahabang sofa. Mabuti na lamang ay naupo ako sa gilid. Lance: Aayain din sana kita sa peryahan. Sakay tayo sa mga rides, libre ko Na-excite ako. Hindi pa ako nakakapunta sa peryahan. Sa Enchanted Kingdom pa lang ako nakakapunta, hindi ko pa ma-enjoy dahil wala akong kasama sa mga rides. Me: Okay pero hindi mo na ako kailangan na sunduin dito. Magkita na lang tayo “Matagal na kitang nakikita na kasama ni Tita Lorna sa palengke pero nahihiya ako na kausapin ka. Ang ganda mo lalo sa malapitan.” Hindi ko inaasahan na kakausapin niya ako lalo na dahil busy ako sa phone ko. Mula sa kinauupuan ko ay amoy na amoy ko ang mabango niyang pabango. She is the definition of a sweet fruit, purity, a beautiful flower, and a goddess. Sa buong buhay ko ay hindi pa ako kailanman na-conscious, not until I met her. Her voice, face, the way she dresses—everything about her will make every boy like her. Tingin ko rin ay mabait siya. “Ganoon ba? Ikaw rin, madalas kita makita… magkasama ni Caedmon.” This is the first time I called him by his real name. I feel like right now is not the time to tease him or call him by the name I created for him. Ayaw ko nga kasi na maging awkward. She chuckled softly and stole a glance from Mon. Tahimik na nakatingin sa akin si Mon… o sa kaniya. Basta walang kahit anong ngiti sa mukha niya. Para siyang bored pero ang mga mata niya ay naghihintay ng kung ano. “Ah, wala naman kasi akong kaibigan maliban sa kaniya kaya palagi kaming magkasama. Wala pa akong kaibigan na babae, okay lang ba kung ikaw na lang?” Ang awkward naman ng tanong niya! Tipid ang ginawa kong tanong bago tumango. “Yey! Narinig mo ‘yon Rick? May iba na akong kaibigan bukod sa ‘yo, bahala ka na sa buhay mo.” Tumawa na naman siya. The whole time she kept on asking me random things. Para naman hindi ako magmukhang hindi interesado ay ibinabalik ko sa kaniya ang tanong. Paminsan-minsan ay isinasali niya sa usapan si Mon pero madalas ay nakikinig lang ito. Hindi ko nga alam paano ko nakaya ang tingin niya sa akin. Nang makakuha ako ng pagkakataon ay nagpaalam na ako sa kanila, pati kay Ate Lorna. Tulog na ang may birthday kaya hindi na ako nakapagpaalam. Nasa labas na ako ng gate nang maramdaman ko ang presensiya ng kung sino sa likod ko. “Sabay na tayo umuwi,” wika nito sa malalim na boses. Tinignan ko ang paligid kung nasaan si Trisia, pero ni anino ay wala sa tabi niya. “Si Trisia?” I asked naturally. “Dito na raw siya matutulog, bukas na ang uwi niya sa kaniya. Ihahatid na kita.” I laughed to ease the panic slowly taking over my system. Ilang araw din kaming hindi nagkausap at nagpansinan, tapos biglang ganito? Para akong mahihimatay lalo na at naalala ko na naman ang nangyari bago kami magkahiwalay. “Hindi na, Caedmon. May pupuntahan din kasi ako.” Nagsalubong ang dalawa nitong kilay. “When did you decide to call me Caedmon?” “What? Maganda naman ang Caedmon.” “Bakit?” seryosong tanong niya. “Anong bakit? Bawal ba?” Nilabanan ko ang tingin niya pero nang mapagtanto na wala siyang balak na umiwas ay ako na ang pumutol ng titig namin. I sighed. “Mauna na ako, hindi mo na ako kailangan na ihatid o isabay pa.” Tinalikuran ko siya pero ramdam ko ang pagsunod niya sa akin kaya lumingon na naman ako sa kaniya. “I told you, kaya ko ng mag-isa.” “Relax, sa sakayan ng tricycle rin ang punta ko.” Pinamulahan ako ng mukha. Tama siya. Hindi na ako suamagot. Naglakad na lamang ako ng tahimik kahit na gusto kong magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan. Kung minamalas pa ako ay iisang tricycle na lang ang nandoon. Wala tuloy kaming choice kung hindi magsama sa loob ng tricycle. Ako rin ang unang bababa dahil sa peryahan ako, siya ay sa kanila. “Sinong kasama mo?” tanong nito. Masyadong nagmukhang maliit ang loob ng tricycle dahil sa laki niya. Nakayuko na siya, maging ang likod niya ay nakabaluktot na. Nasisikipan din ako dahil sa lapad niya. Hindi na lang ako nagreklamo. “Bakit mo tinatanong?” Bumuntong-hininga siya, parang pagod na sa pagiging sarkastiko ko. “Para alam ko kung sino ang tatanungin kung may mangyaring masama sa ‘yo.” Kumunot ang noo ko. “Bakit naman may mangyayaring masama sa akin? Okay fine, si Lance ang kasama ko.” “Lance? Date niyo?” Kung normal na araw ito para sa amin ay natawa na ako, pero inilalayo ko na ang loob ko sa kaniya dahil kapag lumalim ay ako lang din ang masasaktan. Kailangan kong iligtas ang sarili ko habang maaga pa. “Siguro,” sagot ko. Friendly date siguro. Hindi siya nagsalita. Magkasalubong ang kilay niya hanggang sa makaratin ako sa peryahan. Sakto ay malapit lang din si Lance sa pinaghintuan ng tricycle kaya agad siyang lumapit sa akin pagkababa ko. “Akala ko hindi ka na makakapunta, hindi mo na ako ni-replayan.” “Ah, may ginagawa lang.” Inakbayan niya ako kaya natawa ako dahil ramdam ko rin ang excitement niya. Bago kami umalis ay nilingon ko si Mon na hindi ko na mawari ang itsura. Salubong ang kilay pero sa kawalan nakatingin. Nagbayad na lang ako sa driver. “Una na ako, Caedmon,” paalam ko rito. Ang loko, hindi man lang ako binalingan ng tingin. Inaya niya na agad ang driver na umalis na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD