Kabanata 2

3103 Words
NATULOG lang ang ginawa ko hanggang sa mag-umaga. Hindi ako nakakain ng dinner kaya gutom na gutom ako paggising ko. Sana lang ay hindi ako kinatok kagabi ni Tiya Leya o ang gwapo nitong pamangkin para hatiran ng ulam dahil tunay na nakakahiya kung hindi ko iyon natanggap. Kailangan kong maghanap ng trabaho ngayon araw. Naligo ako at nagpalit sa medyo casual na damit. Alam kong walang office work na pwedeng mapag-apply-an dito, ang inaasahan ko lang ay sa palengke, karinderya, at tianggihan. Kahit pagiging katulong ay baka patusin ko na. Bahagya akong nanghihinayang dahil hindi ko matatapos ang pag-aaral ko sa dating school. Ngunit pangako ko sa sarili ko na matatapos ako, mahuhuli lang. The world for people who did not finish college is wild. I am not saying that people who are unable to finish college are in a bad state right now, I know a lot of them are more successful and in a more stable life. I am trying to point out that it could be easy to have a college degree. Nagsuot ako ng yellow strap flowy dress. Mabuti na lang ay nadala ko ito para kahit papaano ay maging tao ako. Halos pambahay kasi ang nadala ko sa pagmamadali. Hindi bale. Kapag nakahanap ako ng trabaho ay sumahod ay bibili ako ng damit ng magagandang damit. I was interrupted by a knock. Not minding who it was, I opened the door. It was the guy yesterday! Ang gandang bungad naman sa umaga! He is not wearing the same clothes as yesterday. Today, he is wearing a white long-sleeve camisa de chino and black pants. Hindi katulad kahapon, mas lalo siyang naging gwapo sa paningin ko. Ang sinag ng araw ay tumatama sa kabilang bahagi ng mukha niya—it emphasizes the bone structures of his face, especially his jaw. What a nice view! “Good morning… anong pangalan mo?” Kagabi ay nanghinayang ako na hindi ko natanong ang pangalan niya. Ito na ang pagkakataon na tanungin siya! “Nagpunta ako kagabi rito para ihatid ang ulam na niluto ni Tiya pero tulog ka na yata. You did not even lock your door and close your windows. Alam mo ba na kahit probinsiya ito ay marami pa ring masasamang tao?” He seriously said. I am shocked, not because of the threat but because he is fluent when he speaks in English. Okay, stop now. I should not be stereotyping. “Ah, tama ka nakatulog na nga ako kagabi. Pasensiya na,” Nakipagtitigan ako sa kaniya. His stares were heavy and clouded by something, but I could not point out… that something was making my knees weak. “Nandito ako para sabihin na kina Tiya ka na raw kumain ng almusal, nagluto siya ng marami at gusto ka na raw isabay. Mauna na ako.” Tumalikod siya sa akin kaya agad na sumunod sa kaniya. “Teka! Ikaw? Hindi ka sasabay sa Tiya mo?” Ni hindi man lang niya ako binalingan ng tingin! Hindi ba siya nagagandahan sa itsura ko ngayon? I am wearing one of my best dresses. I look like an angel, to be honest. Minsan na nga lang ako magsuot ng ganito pero hindi pa pala ako mapupuri! “Tapos na ako kaninang umaga sa bahay.” “So, hindi ka nakatira kasama ang Tiya mo?” “Hindi.” Ano ba itong lalaki na ito? Isang tanong, isang sagot. It should be a turn-off, but I like him even more! Hindi siya tulad ng mga lalaki na nakakasalamuha ko. Hindi naglalawa ang mata niya sa akin. I should be offended by now, but he seems like a challenge to me. Hindi kalayuan ang nilakad namin. Nasa kabilang kanto lang kasi ang bahay ni Tiya Leya, isang kanto mula sa compound na pinapaupahan niya. He stopped and lazily bore his eyes at me. “Pumasok ka na, nasa loob na si Tiya.” “Malayo ba rito ang bahay mo?” tanong ko. Kumunot ang noo niya, mukhang hindi inaasahan na itatanong ko iyon. Lumaki lang lalo ang ngiti ko sa kaniya. He is very amusing. He is only furrowing his eyebrows, but I am a fan of it already. Bumuntong-hininga siya. “Ilang kanto rin, bakit?” I showed him my sweet smile. “Wala… Ay! Pangalan mo?” “Edmon,” Nabura ang ngiti ko sa labi. What the f**k?! I don’t want to sound judgmental, but his name does not match his face! Parang gusto kong kausapin ang magulang niya at mag-rant tungkol sa pangalan na ibinigay nila sa anak nila. Kapangalan niya ‘yong isang barangay tanod sa amin. “N-Nice meeting you… E-Edmon.” Inilahad ko ang kamay ko sa kaniya. “Lovely,” Tinabingi nito ang ulo niya habang nakatingin sa kamay ko na nakalahad sa kamay niya. Akala ko ay hindi niya tatanggapin pero kalaunan at hinawakan niya. I flushed when I felt his calloused hands. Mainit at malaki ang kamay niya kumpara sa maputi at namunula kong kamay. Mabilis lang ang pakikipagkamay niya, binitawan niya rin. “Una na ako, Lovely.” Tumango ako sa kaniya habang hindi ko mapigilan ang ngiti ko dahil sa pagtawag niya sa pangalan ko! Pinanood ko siya hanggang sa naging kasingliit na siya ng langgam sa paningin ko. Hindi maalis ang ngiti ko sa mukha. Bakit parang ang ganda ng pangalan ko kapag siya ang nagsasabi? Pumasok na lang ako sa loob ng bahay ni Tiya Leya para makakain na. Ngayong wala na si Mon ay ramdam na ramdam ko an ang gutom ko. “Lovely, halika ka rito at sumabay ka na sa amin!” Hinila niya ako papunta sa hapag-kainan. Bahagya pa akong nagulat nang makita na may ibang tao pa pala na naroon. Isang babae at lalaki. “Ito si Mayet, nag-iisang anak ko. Ito si Manuel, asawa niya. Si Lovely pala, ang bagong umuupa sa atin.” Ngumiti ako sa dalawa pero si Manuel lang ang nagbalik ng ngiti sa akin. Mayet was not smiling but she was not giving me a sign of being disrespectful. “Maupo ka na, para makakain na tayo,” Manuel said. Tipid akong ngumiti at tumango sa kaniya. Kay Tiya Leya ako naupo kaya kaming dalawa ni Manuel ang magkaharap. Si Tiya Leya at Mayet naman ang magkaharap. Ngayon ako nakaramdam ng hiya na makikikain ako. “Huwag kang mahiya, hija. Kami-kami lang din naman ang nandito. Kapag wala ang dalawa itong ay si Rick lang ang kasama ko.” Hindi ko kilala ang Rick na sinasabi niya kaya hindi ko na lamang pinansin. Sumandok ako ng sinangag na kanin. Kukuha na rin ako ng ulam pero nagtama ang kamay namin ni Manuel. “Ay, sorry! Sige, mauna ka na.” “Hindi, ikaw na po, Kuya.” Diniinan ko ang salitang Kuya dahil medyo naiinis na rin ako sa kaniya. Akala ko ay maiiwan na sa Manila ang mga lalaking lagi kong nakakasalamuha, mayroon pa rin pala rito sa probinsiya. Mas malala pa ito kasi lantaran na nagpapakita ng motibo kahit na katabi lang nito ang asawa niya. What a thick face! Namilog ang mata ko nang sumandok siya pero sa pinggan ko inilagay. Mabilis kong tinignan ang asawa niya sa tabi niya, seryoso lang itong kumakain pero alam ko na nakita niya ang ginawa ng asawa niya. “S-Salamat,” saad ko. Ayaw ko naman na magmukhang bastos sa harapan nila. I mentally told myself that this would be the last time. Nakakakilabot niya akong nginitian. Somehow, his smile reminds me of Sir Joshua. They are both creepy and disgusting. “Walang anuman, Lovely.” And the way he said my name? It sounds irritating. Hindi katulad kung paano banggitin ni Mon ang pangalan ko. Tahimik kaming kumain pero paminsan-minsan ay magkukwento si Tiya Leya. Magtatanong din siya sa akin na sinasagot ko naman. Buong oras din na kumakain kami ay nasa akin lang ang tingin ni Kuya Manuel. Ang asawa naman nito ay parang may sariling mundo sa tabi niya. Matapos naming kumain ay nagpresinta ako na maghugas pero nauna na sa lababo si Mayet. She is so silent. I am intrigued by her. Is there something wrong with her? “Mauna na po ako. Pupunta pa po kasi ako sa tiangge para magtingin-tingin.” “Ganoon ba? O sige pero huwag kang magpapagabi, hindi rin ligtas sa probinsiyang ito kapag sobrang gabi na.” I appreciate her concern to me. Naaalala ko sa kaniya si Lola. “Gusto mo samahan na kita? May tricycle ako, pwede kitang ihatid,” si Kuya Manuel. Umiling ako bilang pagtanggi. “Kaya ko na,” “Hindi, pwede naman kita ihatid. Bago ka rito kaya—” He stops talking mid-sentence when a tall man walks inside the house. Napatayo ako sa pagkakaupo ko sa upuan. Hindi ko alam bakit sobrang saya ko na makita siya ulit kahit na nagkita pa lang kami kanina. Wala pa ngang dalawang oras ang nakakalipas. Nagtama ang tingin namin pero naputol ng tumingin siya sa katabi ko. Nakatayo na rin pala sa tabi ko si Kuya Manuel. Akala niya siguro ay pumayag na ako na ihatid niya ako. “Oh, Rick, akala ko ay sasamahan mo si Angge sa palengke?” tanong ni Tiya Leya. “Inihatid ko lang si Nanay sa pwesto niya…” His eyes met mine again. “Ngayon ko na kukunin ang pinakukuha niyo kina Aling Remedios.” “Mainam nga! Sandali at kukunin ko lang ang resibo.” I was in awe while looking at him. Kahit anong gawin niya ay kakaiba talaga ang dulot sa akin. “Ano, Lovely? Huwag ka ng mahiya.” Pero may mga asungot talaga sa pagkamit ng kaligayahan mo. Nilingon ko sa tabi si Kuya Manuel. “Hindi na talaga, Kuya. Gusto ko rin na magliwaliw. May mga bibilhin din ako sa tiangge.” I can sense that he is getting irritated because of my continuous disagreement. “Delikado sa daan,” dagdag niya pa na akala mo naman ay mapapayag niya ako dahil doon. “Hindi ako magpapagabi.” Inalis ko na ang tingin ko sa kaniya dahil tumataas ang presyon ko. Ang kulit! Bakit hindi na lang niya samahan ang asawa niya sa kusina? “Sumabay ka na sa akin, doon din ang punta ko.” Mabilis sa alas kwatro akong naglakad papunta sa tabi niya. “Talaga? Hindi naman ako makakaistorbo?” Kumunot na naman ang noo niya na parang ang bobo ng itinanong ko. “Kasasabi ko, doon din ang punta ko.” I bit my lower lip to hide my smile. Sinusungitan na niya ako pero natutuwa pa ako? Nababaliw na yata ako. “Okay, okay.” Masama na ang timpla ni Kuya Manuel habang nanunuod ng tv. Nang iabot ni Tiya Leya ang resibo ay umalis na rin kami ni Mon. Kung lilingunin niya lang ako ay baka isipin niya na nababaliw na ako dahil sa laki ng ngiti ko. “Malayo ba rito ang tiangge?” tanong ko. Tirik at mainit na ang araw pero buti na lang ay nakapag-sunscreen ako. “Malayo. Sigurado ka ba na ngayon mo gustong pumunta sa tianggihan ng ganitong oras?” Nakita ko ang bahagyang pamamasa ng noo niya dahil sa pawis. “Titingin kasi ako ng pwedeng trabaho. Kahit taga-bantay lang ng store. May alam ka ba?” Huminto kami sa isang bahay. Luma at maliit ang bahay na iyon. Sa labas ay makikita na ang iba’t ibang alaga tulad ng manok at bibe. Nakikita ko mula rito ang bubong nila na may nakalagay na mga net at pamingwit. “Sandali lang, may kukunin lang ako.” He jogged to get inside their house. Hindi rin siya nagtagal at nang makalapit siya sa akin ay may payong na siyang dala. Ayaw kong mag-assume pero kumuha ba siya ng payong para hindi ako mainitan? “Bahay niyo?” I asked. Tipid itong tumango sa akin. Inabot niya sa akin ang payong kaya binuksan ko. Medyo maliit iyon pero pwede na, hindi naman umuulan. “Halika ka rito, hindi ka napapayungan.” “Hindi na. Sanay na ako sa init ng araw.” Napakamot ako sa gilid ng noo ko dahil hindi ko siya maintindihan. I thought I would experience where the man will hold the umbrella while their shoulders are bumping with one another. “Pero…” Hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko. Napatitig ako sa likod niya dahil nauuna siyang maglakad. Kung titignan ay parang hindi kami magkasama. Hindi na nga sumama sa payong, hindi rin sasabay sa paglalakad. Tama siya, malayo nga ang tianggihan. Kahit naman alam ko na malayo ay hindi pa rin ako sasakay sa tricycle ni Kuya Manuel. Mabuti na lang talaga at dumating si Mon! Teka, tinawag siyang Rick kanina. “May second name ka?” “Yeah. Varick,” simpleng sagot niya. “Talaga? Akala ko Edmon lang ang pangalan mo.” “Caedmon Varick, but my friends call me Edmon kaya iyon ang sinabi ko. Rick ang tawag sa akin ng pamilya ko.” Maraming tao ang nasa tianggihan ng makarating kami. A pair of eyes went in our direction. Pakiramdam ko ay isa akong alien na bumaba sa Earth dahil kakaiba ang tingin nila sa akin. “Kung ganoon, anong mas gustong mong itawag sa ‘yo?” Napakislot ako nang kunin niya sa kamay ko ang payong. Sinarado niya iyon at tinupi. “Kahit ano, okay lang.” Napangisi ako sa naisip na itawag sa kaniya pero hindi ko na lamang isinantinig dahil overuse na ang pick-up line na ‘yon. “Okay, Mon.” Natigilan siya pero sandali lang. Gamit ang malaki at may ugat nitong kamay ay hinawakan niya ang payong na bagong tupi. I started having an imagination about lewd things while looking at his veiny hand holding an umbrella. I mentally slap myself because of that. “Mon?” kuryoso nitong tanong. “Oo, Mon. Ayaw mo ba?” “Mon… is fine with me.” Tuwang-tuwa naman ako! Hindi kaya ay crush na rin niya ako? Sus, baka nagpapakipot lang siya sa akin. “Dito ka na. May pupuntahan pa ako.” “Sige, salamat.” Gusto kong sumunod sa kaniya pero ayaw ko naman na magmukhang obsess. Hindi bale, marami pa namang araw na pwede ko siyang makita. Alam ko na rin ang bahay nila kaya kung hindi siya magpunta kina Tiya Leya ay didiretso ako sa kanila. “Ganda! Pili ka na.” Lumapit ako sa pwesto ng tumawag sa akin. Puro mga balabal at iba’t ibang disenyo ng kumot ang binebenta niya. Dinaluhan niya ako nang lumapit ako. Ako naman ay hinawakan at sinuri ang tela. Kagabi ay nilalamig ako. Nakalimutan yata ni Tiya Leya na pahiramin ako ng kumot. Bibili na lang ako ngayon. “Manipis,” bulong ko. “Magkano po ‘to?” “500 ‘yan, pero ito 400 na lang.” May pinakita pa siya sa aking ibang klase ng kumot. “Sige, ku—” “Akala ko 200 lang ‘to, Ate Minerva? Tumaas na?” A low and baritone voice asked. I turn around to see the guy behind that voice. Bumaba ang tingin niya sa akin dahil sa ginawa kong paglingon. A smile forms on his lips. Ngumiti ako pabalik bago ibinalik ang tingin sa nagustuhan kong kumot pero ang sabi ay 200 lang daw? Napakamot sa gilid ng ulo si Ate. Pati rin pala rito ay may ganito! “A-Ah, 200 ba? Nakalimutan ko, Lance. Ganda, 200 pala ‘yan, nakalimutan ko.” Kumunot ang noo ko. May nagtitinda ba na nakakalimutan ang presyo ng paninda niya? Saka ang laki ng difference ng dalawang presyo! “Hindi ko na kukunin,” malamig kong sabi. Binitawan ko ang kumot na hinawakan ko at naglakad na paalis. Tsk! Dahil ba halatang hindi ako taga-rito kaya lolokohin ako? Sasabihin ko ito kay Mon mamaya. “May alam pa akong nagtitinda ng mga kumot, baka magustuhan mo?” Muntik na akong mapasigaw dahil sa gulat. Nasa tabi ko na siya agad. Tulad ni Mon ay probinsiyanong-probinsiyano ang itsura niya. “Excuse me?” masungit kong tanong rito. Mahilig ako sa gwapo pero hindi sa lahat ng gwapo, mapili rin ako. Ngayon ay si Mon lang ang gwapo sa paningin ko. “Sabi ko may alam akong pwesto kung saan ka makakabili ng magandang kumot.” He looks harmless. He reminds me of Jericho. I suddenly miss my friends! “Sige na nga… pero dapat mas mura kaysa sa naunang scammer, ah!” He chuckled before nodding his head. Ang gwapo pero mas gwapo si Mon. Napangiti na lang ako dahil naalala ko na naman siya. Itatanong ko nga rito sa lalaking ito ang pwesto rito ni Aling Remedios para mapuntahan ko si Mon. Gusto ko na magsabay kami ng uwi. Habang naglalakad ay tumitingin ako sa iba’t ibang klase ng tinitinda. Huminto ako sa nagtitinda ng mga ipit, wala kasi akong nadala na ipit. “Ito, bagay sa ‘yo.” Tinignan ko ang nasa kamay niya. It is a clip with a butterfly. Maganda nga kaya kinuha ko sa kamay niya at inilagay sa gilid ng buhok ko. Naghanap ako ng salamin kung mayroon pero wala. May nakita akong salamin sa kabilang nagtitinda kaya nagmamadali akong pumunta roon para makita ang sarili. Hindi ko napansin ang paparating na kariton na may lamang mga isda. “Ah!” I screamed when it hit my legs. Natumba ako sa basang sahig. Dinaluhan agad ako ng lalaking kasama ko patayo. My face was etched with pain. Tinignan ko ang legs ko, madumi na iyon pero may kaunting gasgas. “Kuya Bunso, dahan-dahan po kayo,” seryosong sabi ni… hindi ko pa rin pala naitanong ang pangalan. “Pasensiya, Lance, nagulat din ako, biglang tumakbo, e.” Ah, oo, Lance nga pala. Napakapit ako sa braso ni Lance dahil sa kirot ng legs ko. Kailangan ko agad na mahugasan ito. “Anong nangyari?” A cold and baritone voice asked. I immediately look for him. Nasa likod namin siya, may malaking plastik na hawak sa isang kamay. Seryoso na naman ang tingin niya pero sa akin papunta sa legs ko na may putik nagtagal ang tingin niya. “Hindi sinasadyang nabunggo ni Kuya Bunso,” Naglakad siya papunta sa akin. Ibininaba niya ang hawak na plastik sa isang upuan. I gasped when he bent down and got a hold of my ankle to see my legs. I flushed because of the lusty things I was thinking while he was bending down. I need a cold shower later!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD