Kabanata 3

2884 Words
NAPAKISLOT ako nang mas hawakan niya ang ankle ko. He was looking at my legs with seriousness. Parang kapag may nakita siyang sugat doon ay magwawala siya. “Hugasan na natin agad dahil baka ma-infection ang gasgas mo,” seryoso niya sabi. “Tara na.” “T-Teka, hindi pa ako nakakabili ng kailangan ko. Wala bang malapit na hugasan dito?” Inilibot ko ang tingin pero puro tao lang ang nakikita ko. “Malapit lang dito ang bahay namin, pwedeng doon natin hugasan at linisin ang paa mo.” Tinignan ko si Lance. “Talaga? Sige, tara.” Hinila ko patayo si Mon pero wala namang epekto iyon dahil mabigat at malaki siya. Kusa siyang tumayo at hinawakan ang siko ko para alalayan. “Gusto mo buhatin kita?” biglang tanong ni Lance dahil paikaika akong naglalakad. Natatawang umiling ako. Buti sana kung si Mon ang nag-aya, baka pumayag pa ako. “Malayo 'to sa bituka, kayang-kaya ko ito,” mayabang kong sagot sa kaniya. Narinig ko ang pag-ismid ni Mon sa tabi ko kaya tinignan ko siya. Hindi maganda ang timpla ng mukha niya dahil diretso lang ang tingin at magkasalubong ang kilay. Sa isang kamay ay hawak ang siko ko, sa isang kamay naman niya ay ang malaking plastik. “Ayan ba 'yong order ni Tiya Leya?” subok ko. “Oo,” “Ano 'yan?” “Tela,” I purse my lips. Did I do something wrong? Bakit parang badtrip naman ito sa akin. Ako na nga ang nasugatan. “Dito na ang sa amin,” si Lance. Binuksan niya ang maliit na gate bago kami pinapasok. “May gripo diyan sa gilid, diyan ka na lang maghugas.” “Lovely,” magiliw kong pakilala sa kaniya dahil hindi pa rin niya pala alam ang pangalan ko. “Mon, tulungan mo ako. Hindi ko mahugasan ng maayos.” I showed him my puppy eyes. Guni-guni ko lang yata pero nakita ko na patago itong umirap dahil sa pakiusap ko. Ibinaba niya ang plastic na hawak at nagbabadya ng pumunta sa akin pero naunahan siya ni Lance. Ano ba yan?! Yumuko siya sa harap ko. Napanguso ako dahil hindi naman dapat siya ang nakayuko ngayon sa harapan ko. I sighed and looked at Mon. Hawak na niya ulit ang malaking plastic habang madilim na nakatingin sa ginagawang paghuhugas ni Lance sa legs at paa ko. “Uuwi na ba tayo niyan?” tanong ko ulit sa kaniya. “Ako uuwi na. Ikaw? Baka may baka may balak ka pa na gawin… o samahan.” Ang sungit! “Wala na! Bukas na lang ulit. Sabay na lang tayo na umuwi.” Nang matapos malinisan ng paa ko ay nagpasalamat ako kay Lance. Hindi naman malala ang sugat ko, tulad nga ng sinabi ni Mon ay gasgas lang. “Babalik ka bukas sa tiangge?” “Oo, nandoon ka ulit bukas?” Tumango siya. “Oo. Pwede ulit kitang samahan kung gusto mo.” Umalis si Mon sa pwesto niya at naglakad patungo sa labas. Nanlaki ang mata ko. Balak niya pa akong iwan! “Sure! Sure! Magkita na lang ulit tayo sa nagtitinda ng ipit. Bye!” Nagmamadali akong naglakad papunta kay Mon. Mabuti na lang nawala rin agad ang sakit ng legs ko. “Anong gustong mong meryenda? Ililibre kita.” Umiling siya at mas binilisan ang lakad. “Huwag na. Kailangan ko ng umuwi, may pasok pa ako.” Muli akong humabol sa kaniya sa paglalakad. “Pasok saan?” “School,” “Really?!” Hindi ko alam kung bakit ako na-excite. Gusto kong makita ang school nila. “Pwede ba sumama? Maki-sit in ganoon?” “Hindi pwede. Unless you're a student there.” Napawi ang tuwa ko. Sayang naman. Gusto ko ring tignan para kung may naipon na ako ay diyan ako mag-aaral. Sa ngayon ay mag-iipon na muna ako. “Magkulong ka na lang sa apartment mo,” si Caedmon. Tinignan niya lang ako sandali bago tumikhim. “Matagal mo na ba na kilala 'yong lalaki kanina?” “Hindi. Kanina ko lang din siya nakilala.” “And you let him touch you?” hindi makapaniwalang tanong nito sa akin. Hindi ko inaasahan ang tanong niya na iyon. He sounds and looks irritated. “Bakit? Ikaw rin kakakilala ko lang pero sa 'yo ko gustong unang magpatulong na linisan ang legs ko.” Imbis na sumagot sa akin ay mas binilisan niya ang lakad niya. Hindi na ulit kami nag-usap hanggang sa makarating kina Tiya Leya. Wala na si Mayet at ang asawa nito. “Kumusta ang pagpunta sa tiangge?” “Eto, nasugatan.” She rushed to my side. “Saan?” “Bigla raw humarang sa daan kaya nabunggo ng kariton, Tiya.” Uminom siya ng tubig. Gusto ko siyang samaan ng tingin dahil nagmukha akong tanga sa sumbong niya. Hindi ko rin naman kasi alam na kariton na paparating, natuwa lang ako sa hairclip dahil maganda. “Ganoon ba? Ang tiangge kasi at palengke ay magkadikit lang kaya nadadaanan ang tianggihan kapag maglilipat ng mga karne o isda. Sa susunod ay mag-ingat ka, ang ganda pa naman ng kutis mo.” Nakangiting tumango ako. Something warm embraced my heart. “Pakihatid mo na muna sa apartment niya, Rick.” “Tita, hindi na po. May pasok pa pala siya school sa ilang kanto lang naman ang layo.” Ibinaba ni Mon ang hawak na baso sa lababo at sinimulan hugasan. “Pwede naman na ihatid na muna kita bago ako pumasok.” Sino pa ba ako para tumanggi? I was smiling ear to ear when we went out of the house. Muli niyang binuksan ang payong at iniabot sa akin. This time, I stuck to his side to share the umbrella with him. Hindi rin biro ang tirik ng araw. Mahangin naman pero maaraw pa rin. He is so stiff beside me. Iniiwasan niya na magdikit ang balat namin. I frowned but I understand him. I am being too friendly towards him, I think he was used to girls being timid around boys. “Anong course mo?” subok kong tanong. “3rd year, BS Entrepreneurship,” sagot niya. “Ikaw?” Wow! I think this is the first time he asked about me! “Psychology pero huminto ako. Mag-aaral ulit ako kapag nakaipon,” paliwanag ko kahit na hindi naman na kailangan. Wala lang, gusto ko lang na maintindihan niya ako. He nodded without judgment. At this point, I want him to ask me why I am here. On why I stopped going to school. Bagong magkakilala pa lang kami kaya hindi ko na muna aasahan iyon. “So… you plan on having a business?” sinilip ko ang mukha niya. He is squinting his eyes because it is too bright outside. “Yeah. Bukod diyan, gusto ko rin na magturo.” Nagtama ang mata namin, siya ang unang umiwas ng tingin na akala mo ay may makukuha siyang virus sa pagtingin sa akin. I imagine him being a hot professor. His future co-teachers will surely be happy to work with him. Kung ako ang magiging student niya ay hindi na ako a-absent. For sure, ako pa ang mauuna sa klase. I smirked because of that thought. Huminto na kami sa tapat ng apartment ko. Gusto ko siyang ayain sa loob pero wala naman akong maii-offer bukod sa sarili, at may klase pa siya. Sa susunod na lang kapag may gamit at pagkain na ako rito. “Salamat sa paghatid. Ingat ka sa pagpasok.” “Okay. Lock the door when you are inside. Hindi mo alam ang probinsiya, pareho lang sa Manila na maraming masasamang tao.” Tumango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya. Something clicked inside my heart. Siguro dahil sina Lolo at Lola lang ang nagpapakita ng totoong concern sa akin kaya ganito ako kauhaw sa pag-aalala ng ibang tao. I sighed when he left. Nahiga na lang muli ako at natulog. Hindi pa naman ako gutom kaya mamaya na lamang ako kakain. Paggising ko ay hapon na, wala na ang mainit na sinag ng araw. I changed into more comfortable clothes—a big white T-shirt and maong shorts. Plano ko na tignan ang nabanggit ni Tiya Leya na night market daw malapit sa tianggihan. Doon na lang din ako kakain. I only brought my wallet with me. Hindi ko na muling binuksan ang phone ko dahil sa takot na mahanap ako rito. Last night, I had a nightmare—umulit ang pinanood kong video, pero imbis na lalaki sa video ang binaril, ako ang binaril. I walk freely while feeling their heavy stares at me. Parang ngayon lang sila nakakita ng tao dahil lahat ng mga nasa labas ng bahay nila ay naaagaw ko ang atensiyon. Ilang minutong lakad lamang ay nakarating ako sa night market. Hindi ito ganoong kalaki katulad sa Manila pero okay na rin. Maraming stall ng pagkain na nakahilera. Lumapit ako sa nauna kong nakita na nagtitinda ng street foods. Gutom na gutom na ako. I was busy eating when a man stood next to me. Hindi ko siya pinansin dahil sa gutom ko. I heard him chuckle. I saw in my peripheral view that he also got his food. “Hindi ko alam na pupunta ka rito.” A familiar voice said. “Lance?!” gulantang kong tanong. “Oh, my gosh! Buti nandito ka?” Kahit papaano ay ayaw ko naman na maglibot dito mag-isa, gusto ko ng may kasama. It should be Mon but I understand that he has more important things to do, like studying. Lumaki ang ngiti niya, pinapakita ang perpektong mga ngipin. “Ah, nagkaayan lang ng mga kaibigan. Nakita kita kaya lumapit ako.” “Buti lumapit ka. You see, I am so lonely.” Sinubo ko ang huling piraso ng kwek-kwek. “Nasaan mga kaibigan mo?” “Nauna na sa covered court, may liga kasi ngayon.” Excitement booms inside me. Hindi ko alam kung kailan ang huling beses na nakapunta ako sa liga. Ayaw na ayaw ako pumunta ni Mommy sa mga liga ng barangay dahil cheap daw. Kung gusto ko raw na manuod ng basketball ay bumili ako ng ticket at manuod sa mga big universities. “Ganoon ba? Masaya siguro.” Dumaan siya sa likod ko para itapon sa basurahan ang plastic cup at stick na ginamit niya. “Gusto mo sumama? Malapit lang dito—” “Sige!” I excitedly exclaimed. Natawa siya. “Okay. Tara na?” We walk side-by-side. Nagkukwento siya ng kung ano-ano kaya nalilibang ako. Nasabi niya rin ang kurso niya—3rd year BS Architecture. Wala siyang klase ngayon kaya nakakagala siya. Bukas ay maaga raw ang pasok nito. Kahit paano ay gumaan ang loob ko sa kaniya. “Nasaan pala ang kasama mo kanina? Kuya mo?” I laughed so loud. “Kuya? Hindi ko kuya 'yon. Sabihin na lang natin na kaibigan. Wala siya, e, may pumasok.” “Fair enough, he does not act like a brother.” Napailing na lamang ako habang natatawa pa rin. Si Mon ay Kuya ko? Loud cheers and friction created by shoes rings in my ears. Lalo akong na-excite dahil sa dami ng tao. Inalalayan niya ako pumasok sa loob. I tried looking for a seat but they are all taken. “Nandoon sila, may upuan silang tinabi.” Naglakad kami sa gilid. Nakarinig ako ng sipol at tawanan. Lumingon ako at nakita na nasa akin nakatingin ang grupo ng mga lalaki. “Don't mind them, they are a bunch of assholes.” Tumango ako rito. As much as I want to glare at those guys, I can't. Baka mamaya ay pag-initan pa ako. “Uy, Lance!” “Nalingat lang kami may nabingwit ka na?” I smiled shyly at his friends. May dalawang lalaki at isang babae. The girl eyed me head to foot before she raised her eyebrows at me. Ito na naman tayo sa mga ganitong babae. “Gago! Lovely, si Mark…” tinuro niya ang semi-kalbo na lalaki. “Hi, Lovely!” wika niya at nilahad ang kamay sa akin. “Hello, Mark! Nice to meet you!” “Ito naman si Gino…” tinignan ko ang lalaki na sinasabi niya. Tipid na tumango lang ito sa akin. Tipid na nginitian ko lang din siya. Mukhang hindi palakaibigan ang isang 'to. “This is Karla…” pakilala ni Lance sa nag-iisang babae na naroon. “Hello, Karla! I hope we get along.” Inilahad ko ang kamay ko pero hindi niya pinansin. She busied herself watching the court. “Magsisimula na, maupo na kayo,” malamig nitong sabi. Tinignan ko si Lance pero parang wala naman sa kaniya. Naupo siya sa bakantang upuan sa tabi ni Karla. Sa may tabi na lang ni Mark may bakanteng pwesto kaya roon na ako naupo. Sa kabila ko ay may grupo ng babae na panay ang tingin kay Lance. “First time?” tanong ni Mark. Umiling ako. “Nakanood na ako dati, kasama ang mga kaibigan ko.” “Taga-Maynila ka na, ano? Kakaiba kasi aura mo, kumpara sa mga nakatira na talaga rito,” dagdag niya pa. I chuckled. “Oo,” Nagsimula na ang laro. The game is a little bit informal than what I usually watch. May mga nagkakasakitan at tuwing makikita ko iyon ay mapapangiwi ako. Nanalo ang grupo na sinusuportahan nina Mark. Malaki ang ngiti ni Mark dahil nakipagpustahan daw ito kay Gino. “Hoy, Lance, magbayad ka rin! Kayong dalawa ni Karla.” Napagtanto ko na si Mark lang ang nanalo sa pustahan nila. I grinned when they paid him half-heartedly. “Gutom na ako. Kain tayo lugaw, Lovely?” tanong ni Lance. Tumingin sa akin si Mark habang nagbibilang ng pera. “Kumakain ka ba ng lugaw? Ano nga sa English yon?” bumaling siya kay Gino na tahimik pa rin. “Rice porridge,” walang ganang sagot niya. “Uwi na ako, gagawa pa ako ng plates.” “Sinabi ko naman sa 'yo na tapusin mo na kahapon,” si Karla. My eyes went to her. She is smiling sweetly at the boys but when our eyes met, her smile faded. As far as I remember, wala pa akong ginagawa na ikakagalit niya. Nagpaalam na nga si Gino sa akin. Naunang naglakad si Karla at Lance pero panay ang lingon nito sa akin para tanungin kung okay lang ako. “Lagi ba na may liga rito?” tanong ko na lang kay Mark habang naglalakad kami papunta sa lugawan na sinasabi nila. Pinalandas niya ang kamay sa ulo bago sumagot. “Oo, mahilig kasi si kapitan sa mga ganitong laro. Kung hindi mo naitatanong ay sa susunod na linggo ay kami nina Lance ang maglalaro. Nuod ka, ah?” Namilog ang mata ko. “Hala, totoo ba? Ang galing!” I exclaimed. Humalakhak siya kaya napalingon ang dalawa. Nagtataka ang tingin ni Lance sa amin habang si Karla ay nakasimangot, lalo na nang iwan siya ni Lance para tumabi sa akin. “Ano 'yon?” kuryoso niyang tanong. “Makatawa naman 'to.” “Wala! Doon ka na nga!” Tinulak niya si Lance pabalik kay Karla. “Ano 'yon, Lovely?” sa akin siya tumingin. “Huwag kang nagpapauto sa lalaking 'to.” ”Hoy, foul!” singhal ni Mark sa kaniya. “Ah, sabi niya ay next week kayo ang maglalaro? Manunuod ako.” “Sige lang. Akala ko kung ano na pinagsasabi sa 'yo nitong kalbo na 'to.” I laughed out loud when Mark ran to Lance. Mabilis na tumakbo si Lance pero nahuli pa rin siya ni Mark. Inipit ni Mark si Lance sa braso nito. Pinagtitinginan na sila pero wala silang pakialam. Sumasakit na ang tyan ko sa katatawa nang lumapit si Karla. Hindi nabura ang ngiti ko kahit na kakaiba ang tingin akin. “Bago ka rito? At taga-Maynila ka?” “Oo, bakit?” sagot ko. “Kay bago-bago naglalandi ka na agad? Sino ba talaga ang gusto mo? Si Lance, Mark o Gino?” Umawang ang labi ko pero malakas na natawa sa paratang niya. She reminds me of Emily, probinsiyana version. Ano ba ang pinuputok ng butsi ng mga babae na 'to? Lagi na lang lalaki ang problema nila. “Karla…. hindi ko alam. Who would you suggest to me?” I mocked her. Sinubukan ko naman na maging maganda ang pakikitungo sa kaniya pero siya itong may problema sa akin. Kanina lang kami nagkita pero nakapagtanim na agad ito ng galit sa akin. “Sa tingin mo ikinaganda mo 'yan?” iritado niyang tanong. Lalo siyang lumapit sa akin. “Kung ako sa 'yo, maghanap ka na lang ng iba. Huwag mong sirain ang pagkakaibigan nilang tatlo. Mahiya ka naman kung sa isang malandi sila masisira.” I smirked and raised my eyebrows at her. Humakbang ako ng isang hakbang palapit sa kaniya kaya napausog siya palayo. “Just say you are insecure, Karla, I can give you tips on how to be nice and beautiful.” Her mouth hung open. Galit na ang mga mata niya sa akin. Bumukas ang labi niya para sumagot pero naunahan na siya ni Lance. “Tara na, Lovely, Karla. Gutom na ako.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD