Kabanata 4

2441 Words
INIHATID nila ano ako matapos kumain ng lugaw. Inaya pa nila ako sa perya pero pagod na ako at inaantok na. Maaga ako bukas para maghanap ng trabaho. Nagtanong ako sa kanila at sinabi na marami sa palengke ang naghahanap ng assistant sa pagtitinda. And Karla? She was so mad at me. Alam ko gusto na niya akong sampalin pero nandito ang dalawa kaya hindi niya magawa. To be honest, I could not understand her. Wala akong ginagawang masama pero ang init ng dugo niya sa akin. Naligo at natulog na ako pag-uwi. Hindi na ako dumaan kina Tiya Leya dahil sa hiya. Hindi ko rin nakita si Mon. Kinabukasan ay nag-apply na nga ako at natanggap. Maliit lang ang sahod pero okay na. Iipunin ko iyon para makapag-aral. May dala naman akong pera na kayang bumuhay sa akin ng ilang buwan. Wala rin akong masyadong ginagawa sa palengke, nagtatawag ng bumibili, kumukuha ng bibilhin nila at magtitimbang. “Kain na muna tayo, Lovely.” “Sige po, Ate.” Naglakad ako papunta sa common restroom dito sa palengke para makapaghugas ng pinggan. Tulad kahapon, marami ang nakatingin sa akin. Kahit gaano kasimple ang ginawa ko sa sarili ko ay nakakaagaw pa rin ako ng pansin. After washing my hands, I went back. I stopped mid-step when I saw Mon. Nagliwanag ang paligid habang pinapanood ko siya na naglalakad papunta sa direksiyon ko, buhat ang dalawang timba. Simpleng black sando at jogging pants ang suot niya. May suot din siyang apron na nasa bewang niya. Why does he look like a model in whatever clothes he wears? His eyes found mine. My heart was raging inside my chest as if wanting to be out. Umawang ng bahagya ang labi niya pero isinarado rin at nagseryoso. Lumiko siya, para siguro ihatid ang timba ng tubig sa isang pwesto. Hinayaan ko na muna siya at naglakad na pabalik sa pwesto ni Ate Lorna. Hanggang 5:30 lang kami. Habang nagliligpit ay pasilip-silip ako sa pinuntahan ni Mon pero hindi ko na siya nakita pa. Umuwi ako sa bahay na hindi man lang siya nakakausap. Lumipas ang ilang araw ganoon ang routine namin. Minsan nakikita ko siya sa palengke pero dahil sa trabaho ay hindi kami nakakapag-usap. Kahapon nga ay dumaan ako kina Tiya Leya para tignan kung nandoon siya pero wala. Nahihiya naman ako na kung pati sa kanila ay pumunta ako. “Akala ko hindi ka na makakapunta!” maligayang salubong sa akin ni Mark. “Pinag-reserve kita ng upuan dito sa harap para kitang kita mo kung gaano ako kagaling maglaro.” Maaga akong pinauwi ni Ate Lorna dahil wala rin masyadong bumibili. Sa tingin ko ay excited sila sa palaro ulit ngayon. “Salamat. Galingan mo, ah? Good luck!” I showed him both of my fists to encourage him. Siya pa lang ang nandito. Wala pa si Lance at Gino. Si Karla ay wala pa rin. Siguro ay sabay sila ni Lance. Hindi rin nagtagal ay dumating na ang tatlo. Tahimik na ibinaba ni Gino ang bag niya sa may bandang gilid at nagsimula na mag-warm up. Si Lance naman ay lumapit sa akin. “Nakita kita kahapon sa palengke,” nakangising sabi niya. I smiled. “Sana nilapitan mo ako?” Inaayos niya ang sintas ng sapatos niya. “Busy ka, eh. Nakakahiya naman kung iistorbohin kita sa trabaho mo.” Naupo na si Karla sa tabi ko. Tahimik lang siya pero ramdam ko pa rin ang disgusto niya sa akin. Inabala ko na lang ang pagtingin ko sa mga players. They are wearing blue jerseys with their respective numbers. Ang kalaban naman ay puti. Before the game started, two people caught my attention. They are both laughing as they find a vacant seat. “Mag-jowa na ba ang dalawa? Lagi ko na silang nakikita na magkasama.” “Aba, ewan ko… pero bagay sila. Maganda at gwapo!” I fought the urge to turn my head and talk to those girls to stop spitting nonsense. Sinundan ng tingin ko si Mon at ang kasama nitong babae na hindi pamilyar sa akin. Isa lang masasabi ko, bagay nga sila. The girl is morena, unlike me who has fair skin. Her hair is long and wavy. Even her height is beautiful! Ang simple niya lang din dahil sa blue T-shirt and basketball pants. Lumipat ang mata ko kay Mon. Nakangiti ito habang nakikinig sa kwento ng kasama niya. I stared at them for too long until they found a vacant seat. Nasa kabilang side ng court sila kaya magkatapat kami. Para silang nasa isang healthy relationship dahil sa magaan na aura nilang dalawa. No wonder people assume that they are together. At paano kung sila nga? It's been days since our last talk. Hindi ko rin alam noon kung may girlfriend siya. “Lovely! Kuhanan mo kami ng video!” sigaw ni Mark na nasa gitna ng court. May iilang pares ng mata ang tumingin sa akin, isa na roon si Mon. His smile faded while staring at me. Umiwas ako ng tingin. Kung girlfriend niya nga ang kasama niya ay kailangan kong dumistansiya sa kaniya. I might have a crush on him but I know my limitations. I won't start a fight just because of a man. Nag-okay sign ako kay Mark. Kumaway si Lance kaya kinawayan ko rin siya. Seryoso akong nanunuod habang naglalaro sila. Hindi mo ba alam, nawala bigla ang excitement ko. I tried so hard not to look in their direction. Probably, they are talking sweetly. Lance, Mark, and Gino won. Inayos ko ang sarili ko bago tumayo sa kinauupuan. Karla rolled her eyes at me when our eyes met. Kinuha niya ang gamit ng tatlong lalaki. Habang naghihintay sa tatlo at napadako ang tingin ko sa pwesto nina Mon at noong babae na kasama niya. Wala na sila roon pero nakita ko sila na naglalakad na palabas ng court. Suddenly, there is a bitterness in my mouth. Saan na sila pupunta? Alam ko nakita niya ako pero hindi niya ako nilapitan. Well, hindi ko rin naman siya nilapitan pero kahit man lang sana simpleng ngiti o tango lang. Sabagay, strangers lang namin kami. Nagpansinan at nag-usap lang kami noon dahil kailangan. Ako lang itong may gustong lumandi sa kaniya. I sighed. “Magaling ba?” nakangising tanong ni Lance habang kinukuha ang gamit mula kay Karla. I give him two thumbs up. Sunod na lumapit si Mark at Gino. “Kapagod, punyeta. Papi, tubig nga,” utos niya kay Gino na sinunod naman ang utos niya. “Nag-aaya sina Ricardo, inuman daw sa kanila.” “Pwede ka ba, Lovely? Ikaw, Kar?” Karla laughed sweetly, I almost rolled my eyes at her. “Oo naman, nandoon naman kayo.” Tumingin sila sa aking lahat bukod kay Gino na busy na sa phone. “Pwede naman… pero sandali lang.” “Ayun! Sumabay na kayo sa akin sa tricycle. Kayong dalawa, sumabay kayo roon kina Ricardo.” Iyon nga ang nangyari. Halata na ang busangot ni Karla dahil yata sa pagsama ko. Halos sumiksik na ito sa gilid ng tricycle para lang hindi kami magdikit. Hindi ko na lang siya pinansin dahil nawalan ako ng gana. I keep on denying that this is not because I saw Mon with a girl, and they look like a sweet couple. Huminto ang tricycle sa lumang bahay pero may kalakihan. Hinintay na muna namin ang dalawa bago pumasok sa bakod. May mga daladala na silang alak, juice at yelo. “Dito kayo,” wika ni Lance. May nilagay siyang dalawang mono bloc sa malaking pabilog na lamesa. “Umiinom ka ba, Lovely?” Bago pa ako makasagot ay nagsalita na si Karla. “Ako, hindi ako iinom. For sure, malalasing kayo at walang mag-aalaga kung malalasing din ako. Alam niyo 'yan,” saka siya humagikgik. I could not hide the expression on my face. Why is she acting so cringe all of a sudden? Wala namang nagtatanong kung iinom ba siya o hindi. Ako ang tinatanong. Sa tingin ko ay tumawa na lang din si Lance para hindi mapahiya ang kaibigan bago bumaling muli sa akin, naghihintay ng sagot ko. “Umiinom ako,” Dahil sa naging sagot ko ay humalukipkip si Karla sa tabi ko. Para itong nandiri nang marinig na umiinom ako. Hinayaan ko na lang din. “Ganoon? Kung sabagay, hindi rin ako iinom ng marami para maihatid ko kayo kung may malalasing.” Nagpaalam na rin siya na tutulong sa loob para ayusin ang pulutan at alak. Ako, si Karla, at iilang kakampi nila na nasa kabilang lamesa lang ang nasa bakuran. “Kay babaeng tao iinom ka?” Tumaas ang kilay ko sa narinig. Ayaw na ayaw ko sa lahat ay ang pabanggit ng phrase na 'kay babaeng tao…' Naiirita ako kapag naririnig ko iyon. “Why? They can drink, can't I?” “Malamang mga lalaki sila, likas na sa kanila ang uminom. Eh, ikaw? Hindi ka na nahiya at mukhang makikipagsabayan ka pa sa kanila.” I laughed without humor. “Tapos? Share mo lang? Ginawa ang alak para sa lalaki?” Suminangot siya lalo. “Makitid ang utak mo kaya hindi mo maintindihan.” Tuluyan na akong natawa dahil sa pagiging unreasonable niya. Sinabi niya na hindi siya iinom kaya bakit ang pag-inom ko naman ang pinoproblema niya? Lahat na lang ng pwedeng punain ay pinupuna niya. “Karla, stop being a pick me girl dahil hindi mo kinaganda. Iinom ako dahil pwede akong uminom. Maninigarilyo ako kung kailan ko gusto. Makikipag-s*x protectedly ako kung nag-iinit ako. Para sa 'yo masagwa pakinggan kapag sa babae pero sa lalaki hindi? Ngayon, tignan mo kung sino ang makitid ang utak sa ating dalawa. Come on, we're living in the 21st century, utak mo nasa panahon pa rin ng kopongkopong.” Kung ganito kami buong oras ay hindi ko ma-e-enjoy ang alak. Ngayon ko pa naman gustong-gusto na uminom. Gusto ko pag-uwi ko ag diretso tulog na ako para hindi na ako mag-overthink. “At akala mo kinaganda mo?” inis na tanong niya. Mabilis ang kamay ko na kumuha ng mani na inilapag ng isang lalaki. “Maganda ako kahit anong gawin ko, Karla. Sana ikaw din, 'no?” Sa sobrang inis niya ay iniwan niya ako sa pwesto ko. Nagpunta siya sa loob ng bahay. Nilantakan ko ang mani kaya tawang-tawa si Lance at Mark dahil wala raw ako rito para mag-mukbang. We started drinking at 10 PM. Tahimik lang ako na nakikinig sa gilid. Si Karla ay nasa kabilang tabi ni Lance, ayaw na tumabi sa akin. Minsan sinasali ako sa usapan at tinatanong, sinasagot ko naman. Someone even tried hitting on me but I refused them. Gusto ko sa gwapo. Natulala ako dahil pumasok na naman sa isip ko si Mon. Okay, I get it, he may have been in a relationship now. Ngayon ko napagtanto na ang pangit pala ang ginawa ko. But, he should have told me. Kung may girlfriend siya, bakit kailangan niya pa ako ihatid-ihatid. I mentally slap myself. Of course, gagawin niya iyon kasi utos ng Tiya niya. It was past midnight when I decided to go home. Some insisted on taking me home but I refused. Hindi pa naman ako lasing na lasing dahil kaunti lang ang binibigay nila sa akin. “Sandali, hatid ko lang si Lovely,” si Lance. “Sabi niya kaya naman niya umuwi mag-isa,” si Karla. “Oo nga, Lance. Kaya ko naman.” “No, I insist. Wala ka na rin masasakyan na tricycle. Mas mabilis kang makakauwi kung ihahatid kita. Promise, hindi ako lasing.” Tumango na lamang ako. Tahimik kaming naglakad papunta sa motor na hiniram niya sa kaibigan. Inaantok na ako. “Kapit ka, ah. Sabihin mo na lang sa akin kung saan liliko.” Cold air embraced me when he started the engine and drove. Hindi ako nakayakap sa kaniya, nakahawak ako sa damit. Nang makarating ay bumaba na agad ako at nagpasalamat. Hindi ko na siya pinatagal pa dahil alam kong naghihintay sila roon, lalo na si Karla. I sighed when I felt my eyelids closing because of drowsiness. I tried inserting the key into the keyhole but I couldn't fit it. Naiinis na ako. Sinubukan ko pa ng isang beses pero ayaw ma-shoot ng susi sa butas. Inis akong naupo at sumandal sa pintuan ko. Alam ko na magmumukha ako balahura pero inaantok na ako tapos naiinis pa. I buried my face in my palm. Bigla ay naramdaman ko na naiiyak ako. Lagi na lang ganito tuwing nalalasing. Alcohol should help me forget for a while, not the other way around. Kumusta na kaya sa bahay? My heart aches while reminiscing the reason why I left. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap—never kong matatanggap. A soft sob escapes my lips. Anong mangyayari kapag bumalik ako? They may hate me but I know that they are now wondering where I am. Sina Lolo at Lola ay mag-aalala kapag bumisita sila pero wala ako. “Gabi na, bakit nandiyan ka?” It took me seconds before I looked at the person. Tumingala ako sa kaniya habang siya ay seryosong nakatingin sa akin. His eyes widened in a fraction when he noticed my tears. “H-Hindi ko mabuksan pinto ko,” sumbong ko sa kaniya, na parang iyon ang rason kung bakit ako umiiyak. I don't have the energy to ask him why he is still here at 12:30 AM. “W-Where's your key?” Pinakita ko ang susi sa palad ko. “Ayaw ma-shoot!” Bumuntong-hininga siya. “Akin na, bubuksan ko.” Wala na akong nagawa nang kunin niya sa akin ang susi sa kamay ko. I am leaning against the door—kaya nang mabuksan ay natumba ako. I shut my eyes for a possible impact but he held my head, protecting it from hitting the floor. “s**t,” rinig kong bulong niya. “Lasing ka.” Hindi iyon tanong kung hindi statement. “Konti lang,” sagot ko. Dahan-dahan akong tumayo para maglakad papunta sa higaan ko. “Go home ka na, Mon. I don't want to have issues with you,” I said, remembering that a lot of people know them. Ano na lang iisipin nila kapag nalaman na nandito siya sa apartment ko? “Okay… ako na maglo-lock ng pinto mo.” “Hmm,” Mabilis akong nakatulog dahil sa alak at antok. Hindi ko na namalayan na sumara ang pinto at nag-lock iyon. Agad nga akong nagkaroon ng panaginip na may naglagay ng kumot ko at nag-alis ng suot kong tsinelas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD