Days are like is like whirlind. Hindi ko namamalayan na nagugustuhan ko na ang probinsiya ng Apayao. From its sea, trees, to its people. May iilan pa rin akong nakakasalamuha na hindi maganda ang pakikitungo sa akin, tulad na lang ni Karla pero hindi na big deal sa akin ‘yon. Ang gusto ko lang ay mamuhay ng payapa at tahimik.
“Wala kang boyfriend?” tanong ni Ate Lorna.
Umiling ako bilang sagot habang tinataboy ang mga langaw na dumidikit sa mga isda. Sa totoo lang, hindi naman ako masyadong nahihirapan sa trabaho ko. Kahit laki ako sa yaman ay hindi ko sinarado ang isip ko na ma-experience ang mga ganitong bagay.
“Ganoon ba? Sa ganda mong ‘yan?”
Ngumisi na lamang ako sa kaniya. Hindi ko na matandaan kung kailan ang huli kong naging boyfriend. Nakalimutan ko na paano maging girlfriend sa sobrang tagal.
“Ireto ko sa ‘yo ‘yong pamangkin ko, okay lang?” tanong pa nito.
I think this isn’t the time to open up my heart again to enter into a relationship. Marami pa akong iniisip na ibang bagay, tulad na lang ng pag-iipon ko para makapag-aral.
Pero naisip ko rin, hindi naman masama na mag-enjoy din ako. “Ah, sige po.”
Ngumiti siya sa akin at mukhang excited na ibalita sa pamangkin niya.
Itinuon ko ang mata ko sa mga isda pero lumagpas iyon sa lalaking may hinihilang balde-balde ng isda. As usual, nagkatinginan kami pero hindi kami nagpansinan.
Nakaraang linggo ay nalasing ako pero alam ko na siya ang tumulong sa akin para makapasok ako sa apartment ko. Nanaginip pa nga ako na kinumutan at inalisan niya ako ng tsinelas. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit nandoon pa siya sa mga oras na ‘yon. Gusto kong itanong pero mukhang iniiwasan na ako nito.
Matapos ang trabaho ko ay dumiretso ako kina Tiya Leya para magbayad ng upa. Nagulat ako dahil naabutan ko roon si Mon na nagkakape sa sala. Umangat ang tingin niya sa akin pero nag-iwas din ng tingin.
Did I say or do something wrong while I was drunk? Lasing ako pero alam ko ang ginagawa ko.
“Magandang hapon po, Tiya Leya. Magbabayad po ako ng upa ngayong buwan,” wika ko. Pinipigilan ko ang sarili ko na tignan si Mon na tahimik na nagkakape.
“Ganoon ba? Sandali lang, ah, may tatawagan lang ako. Maupo ka muna diyan. Kape gusto mo?”
I shook my head. “Hindi na po, okay lang.”
Muli kong nilingon ang kinaroon ni Mon. Nahuli ko siyang mataman na nakatingin sa akin. Umiwas lang siya nang lumingon ako. Mabagal ang ginawa kong paglalakad papunta sa dulo ng sofa. Sa kabilang dulo ay siya ang nakaupo.
Sa sobrang awkward ay para akong makakarinig ng kuliglig.
Should I talk to him? Hindi pa ako nakakapagpasalamat sa ginawang tulong niya sa akin noong nalasing ako.
“M-Mon?” I called him.
Tumingin siya sa akin, mukhang nagulat na tinawag ko siya. “Hmm?”
Gusto kong murahin ang sarili ko dahil sa kilig na naramdaman dahil sa simpleng ganoon lang niya.
“Hindi pa ako nakakapagpasalamat sa ginawa mong pagtulong sa akin? I just want to say thank you. I know it is too late for that but still thank you.”
Dahan-dahan siyang tumango bago muling itinuon ang pansin sa iniinom na kape. Akala ko hindi na siya magsasalita.
“Paano kung hindi ako napadaan doon? You wouldn’t be able to enter your apartment?”
Nakagat ko ang ilalim na labi para pigilan ang ngiti sa tanong niya.
“Nasa compound naman na ako kaya—”
“Kahit na, Lovely. Hindi pa rin ligtas. Next time don’t drink too much.”
Nag-init ang mukha ko. Naiinis na naman ako sa sarili ko dahil sa nararamdaman ko. Sabi ko crush ko lang siya pero bakit ganito ang nararamdaman ko? He is showing me concern but I think my heart will explode at any moment.
“Okay. By the way, buti nandoon ka?”
Umiwas siya ng tingin. Tumikhim siya at sumimsim sa kape niya. “Pauwi pa lang din ako, naghatid ng kaibigan pauwi.”
Biglang nabura ang tuwa na nararamdaman ko.
“Kaibigan o girlfriend?” pinilit ko na kahit papaano ay maging jolly ang boses.
Kumunot ang noo niya. “Girlfriend? I don’t have a girlfriend.”
I purse my lips with the revelations. Hindi niya girlfriend ang kasama niya noon sa liga? Pero mukha silang magkasintahan, kahit nga ang mga nandoon na babae ay inakalang sila na.
“Totoo? Kalat na may girlfriend ka na at iyon daw ‘yong kasama mo noon sa liga.”
Hindi ko alam kung saan ang patungo ang usapan na ito pero masaya ako na muli na kaming nag-uusap. Tamang desisyon na ngayon ko naisipan na magbayad ng upa.
“Ah, si Trisia? She is my friend—kababata ko. Huwag mo na lang pansinin ang mga naririnig mo, unless ako mismo ang nagsabi na girlfriend ko siya.”
Tumango na lang ako dahil wala rin akong alam na sasabihin. Magkababata pala sila, akala ko ay girlfriend. Kaya siguro inakala ng mga tao na magkasintahan sila dahil laging magkasama.
“Ikaw? May boyfriend ka na rito? Iyong basketball player?”
I broke into laughter. “Si Lance? Hindi ‘no! Kaibigan lang kami. Sila rin ‘yong nag-aya sa akin na mag-inom noong umuwi akong lasing.”
Tinitigan niya ako habang nagsasalita kaya na-conscious ako bigla. Umiwas ako ng tingin.
“You trust too easily. Ilang linggo ka pa lang nandito pero nakikipag-inuman ka na sa kakakilala mo pa lang,” seryosong sabi niya.
My eyebrow furrowed. “What do you mean? Hindi na dapat ako uminom kasama sila?”
Well, technically tama naman siya pero sa maiksing panahon na nakasama ko sina Lance ay alam ko na mabuti sila. Isang patunay na roon ay ang pag-aasikaso nila kay Karla.
“Wala akong sinabi na ganyan, ang akin lang ay hindi ka dapat sumasama agad sa mga taong bagong kilala mo pa lang. The world is not always a rainbow, Lovely.”
Natutuwa ako na ganito na siya makipag-usap sa akin, hindi na siya man of a few words. We are actually having a real conversation right now!
“Ganoon din ‘yon, dapat hindi na ako nakipag-inuman. Ayaw mo ba sa umiinom?” I asked.
I saw him gulp hard. Tila ayaw nitong sagutin ang tanong ko dahil uminom na naman siya ng kape.
“Mon, ayaw mo?”
Bumuntong-hininga siya bago sumagot. “I have nothing against those who drink. Ang ayaw ko lang ay ‘yong sobrang nalalasing kapag umiinom. Kung maaari ay maging moderate drinker lang.”
I understand him. Siguro ay occassional drinker lang siya, iyong tuwing may handaan lang. Wala rin sa itsura niya na umiinom ito o naninigarilyo man lang.
“Sa mga babae? Ayaw mo ba na umiinom?” matapang kong tanong.
“Girls are allowed to drink. Kung ang lalaki ay pwedeng uminom, ganoon din sa babae. Pero kung ang tanong mo ay kung papipiliin ako, ayaw ko ng umiinom dahil masama sa kalusugan.”
Health conscious pala siya.
“Okay. Hindi na ako iinom.”
His eyes widened. Ngumiti ako dahil sa tuwang nakikita sa reaksiyon niya. May ganitong side pala siya, ang cute.
“I-I did not say that—”
“Alam ko, Mon. Tutal wala ka namang girlfriend, wala rin akong girlfriend bakit hindi natin subukan? Sa ngayon, happy crush pa lang kita kaya huwag kang mag-alala.”
Confident ako habang sinasabi iyon pero deed inside ay para na akong hihimatayin sa kaba. Ngayon na lang ulit kami nag-usap pero ganito na agad ang bungad ko sa kaniya? Saan ba ako pinaglihi at ganito ako katapang.
“I am sorry—” pinutol ko ang sasabihin niya dahil mukhang alam ko na ‘yon. Ayaw niya sa akin.
“Hep! Hindi pa naman kita gustong-gusto, crush pa lang naman. I just want to let you know that I am interested in you that is why I will stop drinking.”
Bago pa siya makasagot ay tinawag na ako ni Tiya Leya dahil tapos na ito sa katawagan niya.
“Mamaya ay huwag ka muna matulog ng maaga, padadalhan kita ng ulam. Magluluto kasi ako ng pinakbet.”
“Okay po,”
“Rick, hatid mo muna si Lovely sa apartment niya bago mo kunin ang order ko na tela.”
Hindi pa rin ako sanay na Rick ang tawag sa kaniya ng mga kakilala niya. Ako lang ang tumatawag ng Mon sa kaniya kaya kinikilig ako. Parang endearment lang.
Mabilis niyang inubos ang kape na iniinom bago ako sabayan sa paglabas ng bahay.
“Pwede magtanong?” simula ko ulit ng usapan.
“Technically, you are already asking a question pero ano ‘yon?”
“Iniwasan mo talaga ko matapos ang gabing ‘yon.” Kahit anong tago ko ay umalpas ang pagtatampo sa boses ko.
He was taken aback before his eyebrow furrowed. “Hindi, bakit kita iiwasan?”
“Ewan ko, pakiramdam ko lang iniiwasan mo ako. Kung ganoon mali pala ako ng akala?”
“Yes,”
I tried to hide my smile, but I failed. Napangiti ako kasi ang gwapo niya.
“Okay. Tatandaan ko na pansinin ka lagi tuwing makikita kita kaya huwag kang magugulat kapag bigla ay nasa tabi mo na ako.”
Umiling siya habang may multo ng ngiti sa labi. What the! He smiled! I made him smile! Lalong lumaki ang ngiti ko sa labi.
Pagkahatid niya sa akin ay umalis na rin siya dahil sa utos ni Tiya Leya. Naligo at nagpalit ako ng damit. Wala akong magawa kaya nagbasa na lang ako.
Kailangan kong bumili ng cellphone kahit iyong mumurahin na lang. Kasi paano ko malalandi si Mon tuwing gabi kung wala akong cellphone? Sa panahon pa naman ngayon ay kailangan bago matulog ay dapat nakausap niyo na muna ang dalawa.
Nagmamadali akong bumangon sa pagkakahiga nang makarinig ng katok. I did not even bother to look at myself in the mirror because of my excitement.
“Hi,” I said with a sweet smile on my lips.
Hindi agad siya nakapag-react. Bumaba ulit ang mata niya, mula sa mukha ko ay napunta sa katawan. Nakasando at panjama na ako, wala ulit akong suot na bra.
He cleared his throat before talking. “Pinapabigay ni Tiya Leya,”
Iniabot niya sa akin ang mangkok na nakaplastic. Kinuha ko iyon, sinadya ko na magdikit ang kamay naming dalawa. I felt the voltage of electricity through my veins.
“Pakisabi salamat, I will surely enjoy this.”
Hindi na siya halos makatingin sa akin. Napansin ko rin ang pamumula ng leeg niya pati tenga.
“Oo, sasabihin ko. I-lock mo na ang pinto mo.”
Tumango ako.
Nang tumalikod na siya ay saka ko lang isinara ang pinto. Mahina akong tumili at pasayaw-sayaw muna bago naupo para kumain na.
4 AM ay gising na ako para magpunta sa palengke. Ngayong araw din ako bibili ng cellphone.
“Nandiyan ka na pala, Lovely. Pinapunta ko ang pamangkin ko ngayon, wala siyang klase kaya ngayon ko na pinapunta.”
Tinignan ko ang lalaking tumayo mula sa pagkakaupo sa isang mono bloc. Nakangiti na ito sa akin kaya ngumiti ako pabalik. Mukha itong mas matanda sa akin ng ilang taon, medyo payat at mahaba ang buhok.
“Engineering itong pamangkin ko na ‘to,” papuri ni Ate Lorna.
Kung sa bagay, todo puri ka talaga sa isang tao kapag gusto mo itong magustuhan.
“Johny,” pakilala niya sa sarili at inilahad ang kamay sa akin.
Tinanggap ko ang kamay niya. “Lovely,”
“Maiwan ko na muna kayo pero asikasuhin niyo mga bumibili, ah? May titignan lang ako.”
Muntik na akong umirap dahil sa dahilan niya. Ang sabihin niya ay gusto niya lang ako maiwan kasama ang pamangkin niya.
“Maupo na muna tayo at kilalanin ang isa’t isa.”
I nodded but I actually didn’t want to talk to him. To be honest, he is not my type. Malayong-malayo siya sa tipo.
“Ang ganda mo pala talaga,” bigla nitong papuri sa akin nang makaupo kami.
Tipid akong ngumiti. “Salamat,”
Hindi ko naman siya masabihan na gwapo siya dahil hindi naman siya gwapo, disente at malinis lang siya tignan. Hindi tulad ni Mon, kahit anong suotin ay gwapo. Kahit siguro lagyan ng putik ang mukha niya ay gwapo pa rin.
“Nabanggit ni Tita Lorna na wala ka raw boyfriend?”
“Wala nga,”
Natawa siya ng bahagya. “Pwede matanong kung bakit? Mapili ka ba sa lalaki?”
“Hindi, wala pa akong tipo… noon.”
His smile grew bigger. “Ngayon, mayroon na?” there is a confidence dripping in his voice
Ang akala niya ba ay siya ang nagugustuhan ko? Kumibot ang labi ko dahil sa pagpipigil ng tawa. This guy is funny for him to think that I am pertaining to him.
Tumayo ako nang, ay lumapit na bibili. “Ano po ‘yon?”
“Magkano kilo nito?”
“150 lang po,”
Binili naman ng bumibili ang bangus. Habang nilalagay ko iyon sa plastic ay tumabi sa akin si Johny.
“Ako ba ‘yong nagugustuhan mo?” nakangising tanong niya.
Nang maibigay ko ang binili ng bumibili ay natawa ako. Ang kapal din ng mukha ng isang ‘to. Siya magugustuhan ko? Wala nga siyang laban sa mga naging boyfriend ko, lalo na kay Mon.
Bago ko pa matanggi ang hula niya ay nagulat na ako nang hawakan niya ang buhok ko. Sa sobrang gulat ko ay hindi ako nakagalaw agad.
“May kaliskis ng bangus, napunta sa buhok mo. Inalis ko lang,”
Naagaw ng tingin ko ang lalaking seryosong nakatingin sa akin sa hindi kalayuan. Ngumiti ako sa kaniya pero madilim at seryoso ang tingin niya na parang ready ito makipag-away kapag may kumalabit man lang sa kaniya.
Lumipit ang tingin niya sa katabi ko na panay pa rin ang tingin sa buhok ko kung may kaliskis pa ba.
“Ayan, wala na.”
Hindi ko na siya natawag dahil tumalikod na siya dala ang balde ng isda na hawak niya. Nakita ko pa ang pagtagis ng bagang niya bago tuluyan na umalis.
Ano na namang ginawa ko?