Chapter 11 Ang Reyna

1584 Words
Nakatitig sa apoy na nagliliyab si Lyra habang nakaupo sa kahoy sa loob ng isang kuweba. Tanging damit panloob ang suot niya dahil 'yong basa niyang damit ay nakalatag din sa kahoy at pinapatuyo niya sa siga na siya rin ang may gawa. Katabi ng damit niya ay ang pitaka niyang may lamang pera na naipon niya mula sa sobrang pera na binibigay ng asawa niya. Mapaklang ngumiti si Lyra. "Asawa". Totoo nga bang asawa niya? Hindi, peke ang lahat. Namuhay siya ng halos anim na taon sa isang kasinungalingan. Nabuhay na naman ang nag-uumapoy na galit ni Lyra na animo'y nagpapakulo sa kaniyang dugo at sinisiliban ang kalamnan niya. Nakaramdam na naman siya ng masidhing pagnanasang saktan silang lahat na pinaglaruan ang damdamin niya at niloko siya, lalong-lalo na 'yong agent na 'yon. At talagang nandamay pa sila ng mga batang walang kamuwang-muwang. At ngayong natapos na ang palabas, idedespatsa na ba nila matapos mapakinabangan. Nag-uumapaw na naman sa galit ang puso niya kaya kinuha niya 'yong combat knife at pinagsasaksak ang lupa. Pero imbes na maibsan, mas lalo pa siyang nagpupuyos sa galit. Kaya tinapon niya 'yong patalim at tumayo habang naghuhumiyaw.ing poot para sa isang tao. At 'yon pa ang kaisa-isang lalaking minahal niya nang buong puso. Napa-upo ulot siya sa kahoy matapos mawalan ng lakas at napaos ang boses. Hinihingal siya pero kahit paano gumaan ang pakiramdam niya. Lumipas ang mahabang sandali na nakatitig lang siya sa nagliliyab na apoy nang walang anumang tumatakbo sa isip niya. Dahan-dahang bumalik sa normal ang paghinga niya. Humupa na rin muli ang galit niya kay luminaw ang kaniyang pag-iisip. Kahit kailan hindi pumasok sa isip niya na magpapanggap na pulis ang isang agent. 'Yon din ang dahilan kung bakit hindi niya pinaghinalaan ito. Tiwala rin siyang walang alam ang tulad nitong pulis probinsya sa Pahimakas dahil nasa dulong bahagi na sila sa Pilipinas, at kung mayroon man, sigurado siyang hindi rin siya nito mamumukhaang anak ng Don. 'Yon ay kung totoong pulis ito, pero hindi pala. At bakit nga ba hindi niya napansing walang pagkakahawig sa hitsura silang lahat. Mula kay Marco, sa mga magulang kuno nito, at mas lalo sa dalawang bata? Bakit ba hindi man lang siya nagtaka na agad siyang natanggap ng mga kunyaring biyenan at ni minsan hindi siya pinagsabihan o sinita ng mga ito? Bakit agad siyang naniwala na magugustuhan ng isang pulis ang tulad niyang ulila at walang pinag-aralan? Bakit hindi niya napagtanto na nabubuhay siya sa halos perpektong mundo? Tama nga ang sabi ng Don sa kaniya. Ginagawang bobo ng pag-ibig ang kahit pinakamatalino o pinakatusong tao. Pinapapurol ng pag-ibig ang isip niya kaya nagawa nilang paglaruan siya at utuin. Kahit na anong gawin niyang pagsisi sa sarili o pagwawala at sumpain silang lahat, hindi na maibabalik o mababago pa ang nangyari. Ang kailangang pagtuunan niya ng pansin ay ang susunod niyang hakbang. Gusto niyang ipaghigante ang sarili laban sa mga agent na 'yon, lalo na 'yong si Agent Ricaforte. Pero ang tanong, kaya ba niya? "Hindi", sigaw ng puso at isip niya. Ang saktan ang lalaking pinakamamahal niya ay para na ring pinasakitan niya ang sarili. Dahil kahit gaanong kinamumuhian niya ang agent na 'yon, mahal niya pa rin 'yon. At matatagalan ng ilang taon bago niya tuluyang mapatay ang pagmamahal na 'yon sa puso niya. Ano pa ang silbi ng paghihiganiti kung ang kapalit no'n ay self torture. Di bale na lang. Mas maigi kung magpakalayo-layo at magtago na lang ulit siya. Kalimutan na lang niya ang lahat ng nangyari at magsimulang muli. Pero ano'ng silbi no'n kung matatagpuan lang siya ulit ng Don. Ang Don na animo'y anino niya, na kahit saan siya magpunta, masusundan pa rin siya nito. Sa pagtakas niya, pinapasikip lamang niya ang mundo niya. Ano na ngayon ang gagawin niya? Ang harapin ang puno't dulo ng pagiging impiyerno ng buhay niya. Ang Don. Buong akala niya nakalaya na siya mula sa Don, pero nagkamali siya. Kahit wala na siya sa poder nito, hinahabol pa rin siya ng mga taong gusto siyang pabagsakin. Kung hindi siya anak ng Don, walang mga agent na hahabol sa kaniya. Kung tutuusin, ginagawa lamang ng mga agent ang trabaho nila. Gusto nilang mahuli ang Don sa pamamagitan ng anak nitong babae. Hindi niya siguro mararanasan ang mapaglaruan at masaktan ng ganito kung hindi siya si Reyna Valmorida. At hindi sana ganitong kagulo, kadilim ang buhay niya. Tama nga ‘yong agent. Hindi siya pinalaki ng Don bilang anak nito kundi bilang armas na siyang papatay sa lahat ng kalaban nito. Habang nabubuhay siya, hahanapin at hahanapin pa rin siya ng Don dahil siya ang pinakamalakas nitong armas. At habang namamayagpag ang Pahimakas, patuloy siyang kakailanganin ng Don. Nakapagdesisyon na siya. Pababagsakin niya ang Pahimakas, wawasakin niya ito hanggang sa gumuho ito at tuluyan nang maging abo. At kung kailangan niya ring pabagsakin ang Don, gagawin niya. Kung 'yon lang ang tanging paraan upang tuluyan na siyang makalaya mula sa kadena ng kahapon. Nagpalipas siya ng gabi sa kuwebang ‘yon. Pagputok ng araw, umalis na siya ro’n at sinumulan ang paglalakbay niya pabalik sa Cabala City kung saan siya pinanganak, lumaki, at nagkaisip. Ang siyudad na pinaghaharian ng Pahimakas, kung saan ang mga salita ng Don ay ang batas. Tumagal ng halos sampung araw ang paglalakbay niya. At ngayon nga, nasa harap na siya ng dambuhalang tarangkahan ng mansiyon ng Valmorida. Nag-door bell siya ng ilang beses at saka tiningala ang CCTV para makita ng kung sinuman na tagabantay ang mukha niya. Bumukas ang maliit na siwang at hindi mismo ang buong tarangkahan. Sinilip siya ng isang lalaking armado at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Nakapantalon naman siya ng itim at putting T-shirt. “Ikaw ba ‘yong padalang babae ni Ma’am Monique? Bakit ikaw lang? Hindi ba’t tatlong babae ang hininhingi ni Senyorito Carlos?” sabi ng lalaking armado. Bago pa siya makasagot, nagsalita ‘yong isa pang lalaki na armado rin. “Papasukin mo na ‘yan. Alam mo naman ‘yon, ‘pag inabot ng libog, madaling uminit ang ulo at baka tayo pa ang mapagbuntunan.” Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at agad nang pumasok. ‘Yong unang lalaking nakausap niya ang sumama sa kaniya sa loob. Wala pa ring pinagbago ang mansiyon. May mahaba at malawak na front yard na napapaligiran ng mga puno sa gilid at sa gitna nito ay ang mahabang sementong daan patungo sa mansiyon. At ‘yon ang tinutunton ng e-bike na sinasakyan niya kasama no’ng lalaki na nagmamaneho. Huminto ang e-bike at bumaba na silang dalawa. Diretso sila sa living room papuntang grand hall at umakyat sa mahabang hagdanan. Kung sa labas nagkalat ang mg a tauhan ng Pahimakas, dito sa loob kakaunti lang. Karamihan na nakakasalubong nila ay mga katulong. Kahit hindi sabihin ng lalaking kasama niya, alam niya kung saan sila papunta. Sa kuwarto ng half-brother niyang si Carlos. Pero nagtaka siya nang nilagpasan nila ang alam niyang kuwarto ni Carlos, kung hindi diretso sila sa pinakadulong kuwarto. At ‘yon ang kaniyang kuwarto. Binuksan ng lalaki ang pinto at pinapasok siya at saka umalis na ito. Medyo may kadiliman sa kuwarto dahil tanging lampshada ang nakabukas na ilaw at sarado rin ang bintana at nakababa ang kurtina. Dinig niya ang lagaslas ng tubig mula sa banyo at sigurado siyang si Carlos ang nandoon. Walang anumang kasangkapan ang nandoon, maliban sa mesa, lampshade, at isang upuan na nasa gilid ng bintana. Pero ang una niyang napansin ay ang dalawang pole na nasa gitna ng kuwarto. Sa ibabaw ng mesa nakalagay ang lubid, latigo, sintoron, panyo, at iba’t ibang uri ng s*x toy. Walang kama kaya malamang tinatali ni Carlos ang mga babae nito. Gusto niyang masuka dahil dito pa talaga sa kuwarto niya napili nitong gawin ang kahalayan. Kinuha niya ‘yong upuan at nilagay ‘yon sa gitna ng dalawang pole. Doon siya umupo at hinintay ang magaling niyang half brother. Tumigil ang lagaslas ng tubig at may bulto ng lalaki na lumabas mula sa banyo. Nakatapis ito ng puting tuwalya sa baywang nito. “Alam mo na’ng gagawin mo,” sabi ni Carlos at dumiretso sa mesa. Pinipili niya kung anong mabuting gamitin sa p*tang babae na ‘to. Dahil medyo may kadiliman, hindi nabanaag ni Carlos ang mukha ng babaeng nakaupo. Basta alam na naman ni Monique ang tipo niyang babae. Pero nabuwisit siya nang makitang may saplot pa itong damit at nakadekwatro pa ito. “Hubad,” inis niyang utos. “At kung ayaw ko?” sagot naman niya. Tila binuhusan ng nagyeyelong tubig ang buong katawan ni Carlos. Kilala niya ang boses na ‘yon kahit sampung taon na niyang hindi naririnig. Ang boses na natatanging may hatid ng kilabot sa kaniya. Nakaramdam siya ng kakaibang panlalamig habang nagsisitaasan ang balahibo niya. Ngunit gustong makapanigurado ni Carlos. Nagmamadaling kumilos siya upang buksan ang ilaw na nabunggo pa siya sa mesa at natapon sa sahig ang laman no’n. Napangisi ang babae nang makita ang reaksiyon ni Carlos. Hanggang ngayon, hindi pa rin talaga ito nagbabago. Pagkabukas ng ilaw, naroon ang babaeng nakaupo sa animo’y trono nito habang nakadekwatro ito at ang magkabilang pole sa gilid nito ay tila tagasilbing kawal nito. “Reyna,” hindi makapaniwalang sambit ni Carlos. Tanging pagngisi ang tugon ni Reyna. Tama, nagbalik na nga ang Reyna... upang tibagin ang bawat pader, patumbahin ang mga haligi, wasakin hanggang gumuho at walang anumang matirang bakas ng kastilyong binuo at itinayo ni Don Martin Valmorida.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD