Binuksan ang malaking tarangkahan ng mansiyon at pumasok ang sasakyan na lulan nina Reyna at Kidlat. Sinabihan ni Reyna si Ramos na ihinto sa guard's house na malapit lang sa may tarangkahan. Hindi na nagtanong pa si Ramos at sinunod na lang si Reyna. Pagkahinto ng kotse, binuksan agad ni Reyna ang pinto ng kotse bago pa magawa 'yon ng bwisit na agent at unahan na naman si Ramos. Talagang umiinit ang dugo niya sa tuwing nakikita o lumalapit 'yong agent na 'yon. Pumasok agad sa loob ng guard's house si Reyna. Susunod na rin sana si Ramos nang pigilan siya ni Kidlat. "Dito ka lang," maangas na sabi ni Kidlat kay Ramos. Aalma pa sana si Ramos pero naisip niya na kung ano man ang binabalak na gawin nito kay Reyna sa loob ng guard's house, siguradong bali-bali ang buto nito. Mabuti na rin '

