Nakahiga na si Kidlat habang nakatitig sa kisame. Hindi siya dalawin ng antok kahit hatinggabi na at madilim na ang buong kuwarto dahil nakapatay na ang ilaw. Tahimik na rin ang buong paligid. Sa kabila ng kapayapaang umiiral sa gabi, ang isip naman ni Kidlat ay gulong-gulo. Paano va naman paulit-ulit na tumatakbo sa isip niyabang nangyari sa kanila ni Reyna kanina. Hindi 'yon ang naisip niyang mangyayari sa muling pagtatagpo nila matapos ang anim na buwan na nagkahiwalay sila. Pero wala na siyang magagawa pa, buo na ang loob niyang isasakatuparan ang misyon anuman ang mangyari. Handa siyang ibuwis ang buhay niya para sa pinakamalaki at pinakamahirap na kakaharapin niyang misyon. Sa oras na tumapak ang paa niya sa mansiyon ng Valmorida, hindi sa pagpasok niya pa lang sa bayan ng San Isi

