Dalawang linggo na mula nang nanirahan si Kidlat sa mansiyon ng Valmorida, ang kastilyo ng Pahimakas. At sa loob ng paninirahan niya rito, hindi lumipas ang isang araw na wala siyang may nakakaaway. Hindi tulad no'ng unang gabi niya rito na patryador ang pagtira sa kaniya, ngayon, harap-harapan na talaga. Siyempre, walang inatrasan na laban si Kidlat. Pinagbubog-bog niya ang sinumang maghahamon sa kaniya. Nagakakapasa rin naman siya kasi madalas dalawa o tatlo silang sabay-sabay na umaatake sa kaniya. Buti na lang wala nang gamit na mga armas sila kaya hindi naman nababahala si Kidlat. Kagaya ng ginawa ni Kidlat dati, bawat umaga inaabangan niya ang Reyna na lumabas mula sa kastilyo nito. Sa may b****a ng pintuan, nakatayo siya nang matuwid at buong pinagmamalaki ang mga pasa niya sa mu

