Kabanata 4
Past
Tahimik kaming dalawa habang nasa biyahe kami pauwi. Napatingin ako sa gawi niya ng huminto ang sasakyan dahil sa red light. Within 5 years, he became more mature, not just physically but also mentally.
"Kumain ka na ba?" Kaswal niyang tanong saakin. Umiling lang ako bilang sagot at hindi na nagsalita.
I heard him breath heavily before starting the engine again.
"Kakain muna tayo," sabi niya saakin pero hindi ko na kinontra. Gustuhin ko mang umuwi na lamang at magpahinga ay pinaunlakan ko nalang ang nais niya.
Kanina ay naitanong saakin ni Tristan kung paano ko nakakayanang makitira sa tahanan ng fiancee ng ex ko. Paano ako nagiging kalmante lamang at kumikilos na parang wala lamang nangyari sa nakaraan.
"Are you doing this for Daniela? Para hindi siya masaktan?" I laugh at his question.
"Come on, Tristan! Matagal na kaming wala and there's no point para ma bitter ako or what. I am...happy with my life now and so he is," mataman kong sabi sakanya. Napailing-iling lamang siya sabay sabi ng 'Wow'.
"Hindi man lang ba siya nagalit nang makita ka niya? You broke him years ago," natigilan ako sa sinabi niya at pilit na inalala ang mga nangyari. Nang magkita kaming dalawa ay hindi naman siya nagpahiwatig ng kung ano mang galit para saakin.
"You know what? He already moved on, Tristan. It's been five years," sabi ko sakanya. I took an apple on the table at kinagatan ito, "if we bound ourselves too much in our past, it can lead us to destruction Tristan," marahan kong sabi sakanya at pagkatapos niyan ay wala na siyang sinabi ba o itinanong saakin.
It is okay to remember the past but if you'll bring the past together with your present, it will break you apart.
"We're here," napukaw ang atensyon ko nang nagsalita si Henrik bigla. Napakurap-kurap ako at nakita kong nasa tapat kami ng isang restaurant.
"This is Daniela's favourite restaurant, I am sure magugustuhan mo rin dito," sabi saakin ni Henrik. Nauna siyang bumaba pagkatapos pero hindi ko na hinintay pa na pagbuksan niya ako ng pintuan, bumaba ako mag-isa.
"Henrik? Ikaw nga hijo!" Narinig kong sabi ng isang lalakeng may edad na. Binalingan siya ni Henrik ng tingin at kaagad siyang lumapit dito para magmano.
"Aba! Ang laki-laki mo na! Balita ko ikakasal ka na ah?" Nagagalak na tanong ng ginoo bago bumaling saakin at ngumiti, "kay ganda naman ng mapapangawasa mo hijo!" Nagulat ako sa sinabi niya kaya di ako naka-alma kaagad. My face heated up sa isiping napagkamalan akong mapapangasawa niya.
"Hindi po siya. Ibang babae po,Daniela ang pangalan," paliwanag ni Henrik kaya tumingin muli saakin ang ginoo tila ba humihingi ng paumanhin sa inasal.
"Pasensya ka na hija. Bagay kasi kayo kaya akala ko tuloy-- pasensya na talaga," pagpapaumanhin ng ginoo saakin. Hindi na ako nagsalita, ngumiti lamang ako dahil naiilang ako sa seryosong mga mata ni Henrik. Para bang hindi niya gusto na napagkamalan ako.
Matapos silang mag-usap ay pumasok na kami sa restaurant, sa itaas kami pumwesto na dalawa at nagkanya-kanya kami ng order na dalawa, nagtake-out nadin ako para kay Mikael kung sakali.
Hindi paman kami tapos kumain ay nahinto ako bigla dahil sa tawag.
"Khalil," tawag ko sa pangalan niya nang masagot ko ang tawag. May narinig akong iyak sa kabilang linya kaya kinabahan akong bigla.
"What happened?!" Nag-aalala kong tanong at medyo napalakas ata ang boses ko dahil napatingin bigla si Henrik sa gawi ko pero kalaunan ay itinuloy niya lang ang pagkain niya.
"He miss you Jenan. Kanina pa siya umiiyak at hinahanap ka," sabi ni khalil. My heart was touch when I heard small sobs and a little voice, it's from my son, I am sure of that.
"M-mama! Ca home, plesh... Miss you!" Parang pinipiga ang puso ko ng marinig ang hinaing ng anak ko. Khalil is doing his best to stop him from crying pero hindi niya mapatahan.
"Baby, listen to me. I'll be back anytime soon, may inaasikaso lang ako," I heard his sobs again. "You're a big boy, right Eurence?" Narinig kong tanong sakanya ni Khalil na sinagot niya naman ng oo. Khalil is trying to make him feel better.
"Mama? Are you safe there?" Napangiti ako bigla sa naging tanong ng anak ko. He's very sweet and understanding.
"Yes, kasama ko kasi si Mikmik. I am always be safe, don't worry." Tawag niya kasi kay Mikael ay Mikmik and with I'm with him ay nagiging ayos na ang anak ko, he knows well that Mikael will protect me no matter what. Ewan ko ba kung anong ginawa ni Mikael para magtiwala sakanya ang anak ko ng ganoon.
Naputol ang tawag pero tumawag ulit sila, this time, video call na.
I wave at them at ganoon din sila saakin but Khalil stared at me. Ngumiti siya kalaunan and he mouthed the word 'I miss you'.
"I miss you too," sabi ko at bahagya pa akong natawa ng nagpacute siya saakin.
"Kiss!" My son cheered. Napailing nalang ako dahil doon.
"Kiss daw," Khalil said then he pouted his lips na kitang-kita ko sa screen.
"Nakakahiya," I told him after I roamed my eyes to the whole place. Maraming tao na makakakita sa gagawin ko!
"Come on, honey! Don't be kill joy!" Khalil said and then he pouted his lips once more.
Ginawa ko na lamang ang gusto nila, inilapit ko ang labi ko sa screen at hinalikan ang labi niyang nakapout.
"Ako naman ang ki-kiss, mommy," Khalil said like he's starting to have some fun. Pumikit ako ng mariin and then I pouted my lips.
"I love you," rinig kong sabi niya matapos halikan ang screen niya kaya napangiti ako.
Natapos ang tawag ng may ngiti parin ako sa labi.
"You done?" Henrik ask while he caress his long hair. Nang tumango ako ay tumayo na kaagad siya at naunang maglakad paalis pero napahinto siya nang may babaeng bumati sakanya but after that ay naglakad na ulit siya.
We spent our night in a silent way, this is way better, I think.
Sinalubong kami ni Daniela nang makarating kami. Daniela is wearing her midnight attire. Her cleavages were showing and even covered with clothes, her curves are still in the right place. What a sexy woman.
"Ang lalim ng iniisip mo, may problema ka ba?" Biglaang tanong saakin ni Mikael habang abala siya sa tinitipa niya sa laptop niya.
Nasa may harden kasi kaming dalawa ngayon, sinamahan ko lang naman siya kasi hindi ako makatulog.
"Wala naman, napapaisip lang," sagot ko at tumingala sa kalangitan. Hindi na siya nagsalita pa kaya inabala ko na lamang ang sarili ko sa pagmamasid sa kalangitan.
May mga palaisipang sumasagi sa aking isipan pero pilit ko itong winawaglit, wala naman kasi itong katuturan kung ipagpapatuloy ko pa. Malabo narin kung nagkataon.
"Matulog ka na, matagal-tagal pa itong ginagawa ko," Mikael told me kaya tumayo na lamang ako at pumasok sa bahay at inakyat ang ikalawang palapag.
Humiga ako kaagad sa kama nang makapasok ako sa kuwarto. Ipinikit ko ang mga mata ko at kasabay nito ay ang mga alaala ng nakaraan. I miss my dad.
Morning came and like the usual, nagkasabay na namin kaming apat na kumain. The couples were having a moment nang madatnan ko habang si Mikael naman ginawang abala ang sarili mula sa pagkain niya.
"Say, Ah," si Daniela habang sinusubuan si Henrik na parang bata.
I shrugged my shoulder then I started to pick some food, a bacon, sunny side up at tatlong sandok ng kanin.
"That's too much of carbo," Daniela commented when she saw the rice on my plate. Mikael then chuckles.
"Hindi naman siya tumataba kahit pa magsobra. Nasobrahan na nga iyan ni Khalil eh." Halos mabulunan ako sa sinabi ni Mikael kaya napainum ako ng tubig. Binalingan ko siya ng tingin at inirapan.
"Kaya pala hindi tumataba kasi nasobrahan." Namula sa kahihiyan ang pisngi ko dahil sa sinabi ni Henrik. Parang wala lang sakanya ng sinabi iyon, like it's just a normal thing.
"Eh bakit ako? I am still gaining fats kahit paman makailan tayo," Daniela said. Napaubo pa si Henrik doon and she just laugh and then she sweetly embrace her boyfriend.
Matapos iyon ay wala ng nagsalita dahil baka kung saan na naman mapunta ang usapan.
Sa umagang ito ay wala akong gagawin, I am just waiting for my go signal na pumunta sa lugar kung saan ko makikita ang partner ko. It's been days pero wala pang tawag mula sa presidente ng Russia, maybe he's busy or what.
Alas dyes ng umaga ng magkayayaan kami ni Mikael na maligo sa pool, pero hindi namin talaga ligo ang ginawa naming dalawa. We're a having a hand to hand combat habang nakababad sa tubig.
We cannot move that easy dahil nasa tubig kami, bumibigat ang bawat galaw na ginagawa.
Napatawa at napailing na lamang ako nang mapaatras ako dahil sa hindi inaasahang sipa mula kay Mikael.
"Ang sakit!" Padaing kong sabi dahil napalakas 'yong sipa niya saakin. Nag-aalala naman siya saakin kaya nagmadali siyang lumapit saakin para daluhan ako, I then grab his shirt and pull him closer me then I hit his stomach using my knee.
"Wrong move buddy, you shouldn't help your enemy," bulong ko sakanya at sinapak ang mukha niya.
Napalakas ata ang ginawa ko dahilan para duguin ang ilong niya. Nilapitan ko siya at hinila para umahon na sana but he suddenly pull me at inikot ako habang hawak niya ang kanang braso ko, he lock my neck with his arm.
"Did the same mistake, buddy," he whispers. Napa-iling na lamang ako roon at umandar ang pagkatuso ko, kinagat ko ang braso niya kaya nakalaya ako sakanya.
"Madaya ka!" Akusa niya saakin habang paahon na ako sa tubig. Natigil ako sa pag-ahon nang may kamay na nakalahad, sinuyod ko ito ng tingin hanggang sa makita ko ang nagmamay-ari ng kamay na ito. Naka-squat siya habang nakalahad ang kanyang kamay saakin.
"Don't feel awkward," Henrik said kaya tinanggap ko ang kamay niyang nakalahad.
Nagkatapat kami nang makaahon ako, ang kamay ko rin ay kaagad niyang binitiwan.
"if I were your husband I won't let you do some sweet moments with someone like what you and your friend did earlier," sabi niya habang nakapamulsa.
Tinitigan ko siya sa mga mata niya at nginitian, "unfortunately, you're not my husband mister," sabi ko sakanya at kinuha na ang tuwalyang nasa gilid lamang niya.
"If you'll excuse me, may gagawin pa ako," I said and he then give way.
Naglakad ako ng deretso at hindi na lumingon pa. Pumahik ako paitaas at nagtungo sa banyo, aalis ako ngayon. I can't just stay whole day in this house, kailangan kong pumunta sa NMIJ to seek some information regarding with my partner. Nagbago na ang isip ko, hindi nalang ako maghihintay ng order, ako na mismo ang pupunta.
Pagkababa ko ay nakita ko sa sala si Henrik na may kausap sa telepono.
"My answer will still a no...so what? I don't care about the money..."
Hindi ko na nasundan pa ang mga sinabi niya dahil lumabas na ako ng pintuan.
"May lakad ka?" Mikael asked me nang madatnan niya akong palabas ng gate.
"Obviously," I told him.
"Take care," he said at siya na mismo ang nagsara ng gate.
Sumakay na rin ako kaagad sa taxi na kinontak ko kanina lamang. I gave him the address at wala ng tanong-tanong niyang sinimulan ang pagmamaneho.
Sakto lamang paglabas ng taxi sa gate ng subdivision ay may tumawag sa cellphone ko, it's Tristan.
"Can you drop your self here just for a moment?" Iyan kaagad ang pambungad niya saakin nang sagutin ko ang tawag niya.
"Manong sa Sinclair Orphanage nalang po tayo," sabi ko sa driver bago ko binalikan ang katawag ko.
"Hung the phone already, I'm coming," I said.
Nang makarating ako sa orphanage ni Tristan ay siya kaagad ang hinanap ko and when I finally saw him ay dinala niya ako sa kinaruruonan ng babaeng tinulungan namin kagabi.
The woman has this long and shiny bouncy hair. Pale cheeks, weary eyes and pale lips. She look so very awful rightnow, halatang na stress siya. May mga sugat rin siyang natamo at may pasa pa.
"Why is she in a wheelchair?" I ask Tristan out of curiosity.
Pinagmamasdan kasi namin ang babae, mga limang metro lang siguro ang layo namin sakanya.
Narinig kong bumuntong hininga si Tristan ; tila ba problemado siya.
"She can't walk properly dahil sa laceration niya," napabaling ako sakanya dahil sa sinabi niya at napapikit ng mariin, naaawa ako sa babae.
"Her labia has a cut, half an inch. There were also scratches found inside her v****a hula ni Beatrice ay may ipinasok sa ari na ibang bagay para magkasugat siya ng ganoon," Tristan told me habang nakatingin siya doon sa babae. I can see anger in his eyes, pero alam kong hindi para sa babae iyon, it's for something and I know in myself kung ano iyon.
"Nakausap mo na ba siya?" Tanong ko sakanya.
"Sila ni Beatrice ang nag-usap gamit ang papel. She's in trauma kaya hindi siya nagsasalita and like what happened last night, natatakot siya saakin at sa kahit sino mang lalake," sabi niya matapos ay bumuntong hininga siya at namulsa. Hinarap niya ako matapos at nilingon muli ang babae bago ipinukos na talaga saakin ang paningin niya.
"She has no family here, nasa probinsya lahat and when Beatrice told her na sabihan ang pamilya niya ay umiling siya. She doesn't want her parents to know her situation," tila ba nahihirapan si Tristan sa huling sinabi niya. Alam kung gusto niyang ipalam sa pamilya noong babae pero ang babae ang mismong may ayaw.
"Ayaw niyang mag-aalala ang pamilya niya," sabi ko sakanya pero halos irapan niya ako.
"Mas mag-aalala sila kung hindi niya ipapaalam, mas-"
"Let's just respect her decision-" he cutted my words off.
"So you're now thinking that it would be the right decision? Tell me, kailan ba dapat aminin sa pamilya niya ang nangyari? When she can no longer fight with her stress and depression? Kung kailan malamig na siyang bangkay?" Maririin ang bawat katagang sinasabi niya. Taas baba ang balikat niya pruweba sa labis na emosyong ibinuhos niya. I know where he's coming. He's taking this personal, he's taking all of this from his experience.
"Would you let that happen?" Hindi siya sumagot sa tanong ko bagkos ay bumuntong hininga na lamang siya at piniling ibahin ang topic.
We are now talking about my son and some personal stuffs.
Mas pinili ko na lamang na kanselahin ang lakad ko sana dahil nanatili ako sa orphanage upang makasalamuha ang babaeng tinulungan namin. Sa bawat tanong ko sakanya ay iling at tango lang ang ginagawa niya, minsan ay ngumingiti subalit hindi abot sa kaniyang mga mata ang saya.
She's really trying her best to look okay outside even if she's already breaking inside.
Napukaw ako sa malalim kung iniisip nang biglang tumunog ang telepono ko. A call from a foreign number.
"This is Attorney Gibran, what can I do for you?" Tanong ko nang sinagot ko ang tawag.
Babae ang sumagot, she's from the office of the Russian President at tumawag siya para e-inform ako na ipinadala na sa email ko ang mga dokumentong kailangan at sinabi narin saaking kailangan kong pumunta bukas sa opisina ng director ng National Defense.
Nag-aagaw na ang itim at kulay kahel sa kalangitan nang umalis ako ng tuluyan sa orphanage. I told Tristan na ako ang bahala sa gagastusin niya sa Medication noong babae but he refuse, kaya niya raw so I decided nalang na magdo-donate na lamang ako sa orphanage niya, this time hindi na siya tumanggi.
"Oh hi Jenan!" Pagbati saakin ni Jamilah.
Nagtaka ako kung bakit siya narito but she explained to me na may salo-salo palang ginanap sa bahay. Mga kaibigan lang naman nila ang naririto.
"Sa garden na tayo, nandoon silang lahat," Jamilah said.
Nagpatianod ako sa hila niya at nang marating ay harden ay ang una kong nadatnan ay si Henrik at Daniela na naghahalikan sa tabi kaya nag-iwas ako ng tingin. Hinanap ko si Mikael at nakita kong may hawak siyang isang boteng beer.
Kumuha ako ng tatlong stick ng karneng inihaw bago ako tumabi kay Mikael. Ngumisi siya sa akin ng nakakaloko tila ba may nakakatuwa sa pagtabi ko sakanya.
"You're being weird again," komento ko pero umiling lamang siya at kinuha ang isang stick ng inihaw at kinagatan.
Nagtagal ako ng ilang minuto pa sa harden at habang tumatagal ay paiba na ng paiba ang usapang nabubuo ng mga tao rito. Nagtatawanan na, ang iba naman ay naghaharutan.
"Ang sweet nila." Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Mikael tapos binalingan ko sina Daniela at Henrik. Naka-kandong sakanya si Daniela and his right arm snakes on her waist while the other rested on her thighs.
Nakita kong biglang napangisi si Henrik nang may ibinulong si Daniela sakanya at umiling siya pagkatapos. Iiwas na sana ako ng tingin pero nahagip niya parin ang tingin ko. Nagkatitigan lamang kami saglit tapos wala na, dahil binalingan na niya ng tingin ang isang kaibigan ni Daniela na nagtanong bigla sakanya.
"What would you do if your ex came back?"
Natigilan ako sa tanong at biglang napalunok. Kinabahan ako bigla lalo na ng napatingin saakin si Henrik habang hinihigpitan naman niya ang hawak niya kay Daniela.
"Nothing...I will just continue my life, together with my baby. Right, Daniela?" Hindi siya sinagot ni Daniela bagkos ay hinalikan siya nito sa labi.