Gizani's POV:
"Iww, ulikba! Ang itim-itim! Feeling Nadine Lustre pero panget naman! Mabaho ka, iww! Hindi naliligo! Loser! Layuan mo si Diego!" sigaw sa akin ni Beatrice.
"Ano ba, Beatrice! Hindi naman kita inaano ah! Saka wala akong gusto r'yan kay Diego, napakaliit naman at hindi nagtotoothbrush! Sa iyo na ang crush mo na iyan!" sigaw ko rin.
"Ang tapang mo na 5/6 ah! Sabing Queen Beatrice ang itawag mo sa akin! Ako ang tinitingalang queen dito dahil ako ang pinakamaganda! Ikaw slave ka lang na loser ka! May sungay ka!" inis namang sigaw ni Beatrice.
Halata na ang sasabog nitong inis. Namumula na ang kaniyang mistisang mukha. Maganda kasi si Beatrice dito sa video, mga grade 6 pa lang kami. Nasa second section si Beatrice habang ako ay nasa first section. Iyon namang si Diego Natividad ay kaklase ko. Napakapanget naman, payatot na maliit. Malaki pa ang mata, maputi lang naman.
"Alam mo, wala akong pakialam sa iyo Beatrice. Sa laki kong ito, paa lang kita. Wala kang laban dahil sa dalawang beses natin nagsabunutan lagi kang nagsusumbong sa nanay mo! Ikaw ang loser! Slave ka, alipin kang pashnea ka! Ako ang sanggre na si Amihan!" pang-aasar ko naman dito.
"Ahhh! I hate you! Papatayin kitang tall, panget, na mukhang cactus ka!" nagwawalang sigaw ni Beatrice at sinugod ako.
Napakatapang ko rito sa video. Nang sabunutan ako ni Beatrice ay hindi man lang ako gumalaw sa aking pwesto. Hinampas ko siya ng libro sa mukha kaya lagapak na naman siya sa sahig. Napakatapang ko pala talaga noong kabataan ko.
"Isusumbong kita sa mommy ko! Ang panget mo! 5/6! Cactus! Slave! Feeling Nadine Lustre!" umiiyak niyang sigaw at tinutulungang makatayo ng dalawa niyang alipores na tinatawag nilang Princess Trisha at Princess Kristine. Mas dugyot pa naman sa akin, dilaw na nga ang polo.
"Whatever, losers! Kayo ang feeling magaganda!" sigaw ko naman.
Doon na natapos ang video. Tawa naman nang tawa si Jessica, Jessica Sanchez, ang bestfriend ko. Magkababata kami at dito sa Perya de Casa na lumaki. Siya ay isang acrobatic performer. Matanda ako sa kaniya ng dalawang taon. Hindi gaya ko na nakapagtapos ng mass comm ay hanggang senior highschool lamang ang natapos ni Jessica. Mas gusto niya kasi na magfocus sa pagiging acrobat ng circus namin.
"Ang tapang mo ah, Gizani! Ang dakilang si Gizani Hermes Khalil! Dapat ngayon ay ganiyan ka rin! Napakarami talagang asar sa iyo, iba't iba pa talaga! Noong elementary ka ay cactus at 5/6 ang asar sa iyo. Noon namang highschool ay imaw at hedgehog. Mabuti na lang noong college ay nabawasan! Persian cat na lang ang asar sa 'yo!" tawang-tawang sigaw pa ni Jessica.
Napairap na lamang ako. Marami talaga silang inaasar sa akin, mga inggit naman. Ang Beatrice na iyon na nasa video ay talandi kong kaklase noong grade 6 na feeling maganda. Maganda naman talaga siya noon, kaso ay may dalawang anak na sa edad na 16. Mukha na ngayong trenta samantalang 23 pa lamang kami ngayon.
Madami talagang asar sa akin simula at sapul. Half-lebanese kasi ako at itsurang bumbay noong bata-bata pa. Lagi pa akong naglalaro sa labas at bilad sa apoy dahil nag-aaral ng fire dancing kaya negra ako noon. Cactus naman noong elem ang asar sa akin dahil puro ako pimples. Noong highschool ay hedgehog dahil maitim na raw, tusok-tusok pa ang mukha.
Ngayon namang tapos na ako mag-aral at 23 na ay maganda na ako. Natuto akong gumamit ng kojic papaya at pampaputing lotion. Natuto rin akong gumamit ng mga rejuvenating set na inaalok sa akin ni Jessica, binibenta ng nanay niya sa online.
Likas na rin akong matangkad dahil may lahi ako. Nasa 5'8 ang height ko dahil 6'footer ang aking ama noong nabubuhay pa. Si nanay naman ay purong pilipina. Nagkakilala sila noon dito na rin sa circus namin at perya.
Maganda na ako ngayon at medyo morena ang kulay, parang si Kathryn Bernardo raw pero hindi naman kami magkamukha. Mukha nga raw akong supermodel, baka nga raw pumasa ako kung sumasali ako sa mga pageant na ayaw ko naman. Pihikan kasi ako sa ganiyan.
"Hoy kayong dalawa, pisbok na naman kayo nang pisbok! Magwalis daw kayo sa tapat ng perya dahil makalat! Magbubukas na tayo maya-maya! Kumilos naman kayong mga dalagita! Aba, kung kailan lumaki ay saka bumigat ang inyong mga puhit! Ay pisteng yawa!" sigaw sa amin ni Aling Lorna. Ang tagabantay namin sa ride na roller coaster.
"Opo Aling Lorna, nanood lang kami saglit. Lalabas na po," kamot-ulo ko namang sabi.
"Alam mo iyang si Aling Lorna, ang KJ kahit kailan!" inis namang sabi ni Jessica.
Hapon na kasi at maya-mayang alas-singko ay magbubukas na kami. Marami rin namang mga pumupunta para tumaya sa color game, maglaro, sumakay sa rides, at manood ng circus namin. Pagkatapos naming magwalis ay magbibihis na kami mamaya para magperform. Patay na naman ako kay mudra nito.
Katakot-takot naman na basura ang nawalis namin ni Jessica. Ang daming basura, nakadalawang sako kami! Napagod kaming dalawa kaya napag-usapan naming hindi na muna magpeperform. Ang mga nanay na namin muna ang bahala sa circus mamaya. Mamimigay na lang kami ng flyers.
"Alam mo Gizani, may nabalitaan akong pogi na bachelor ngayon sa f*******:. Businessman, inday! Crush na crush ng sambayanan! Gusto mong ipakita ko sa iyo mamaya?" kinikilig na tanong ni Jessica.
"Puro ka gwapo, tigilan mo nga ako. Pass, ayaw ko sa gwapong bachelor na businessman. Gusto ko roon sa lalaking magpapatigil ng mundo ko at magpapalaglag ng panty," biro ko kaya hinampas naman ako ni Jessica.
"Ay bet pero ang halay!" parang bakla naman niyang sigaw kaya nagtawanan kaming dalawa.