CHAPTER 2

768 Words
Gizani's POV: "Lagi ko na lang pala kayong pagwawalisin na dalawa para magpirmi kayo. Mamigay kayo nung mga papel mamaya ha! Ano nga ba ang tawag doon? Flyings? Ay basta, ubusin ninyo! Para naman marami tayong kitain sa circus at makabayad na ako sa mga utang!" sabi ni mudra, ang nanay kong si Lhena Kalil. "Opo, mudra. Huwag nga po kayong malikot, hindi ko mapantay ang face paint ninyo. Baka po kumayat," saway ko kay mudra. "Ay naku, bilisan mo na! Pwede namang star na lang ang ilagay mo, may pa butterfly ka pa kasi!" inip namang sabi ni mudra. "Matatapos na po," naaaligaga ko namang sabi. Narinig ko namang tumawa si Jessica sa gilid at ang nanay niyang si Dina Sanchez. Si Jessica naman ang naglalagay ng face paint sa kaniyang ina. "Kayo talagang mag-ina, lagi na kayong bangayan!" kumento naman ni Tita Dina. Si Tita Dina at mudra ay magkaibigang dikit. Kabataan pa lang ay magkasama na sila sa lansangan. Dinampot sila dati ng may-ari noong nakaraang circus para turuan ng fire dancing at acrobat, natuto silang kumita para mamuhay. Tapos kami naman ang sunod na nagmay-ari nitong circus na dinagdagan namin ng perya. Mula sa Cirque de Familia ay naging Perya de Casa na ito. Nang matapos kong ayusan si nanay ay pumasok na siya sa backstage ng circus tent namin. Kami naman ni Jessica ay nagpalit ng aming costume at naglagay na rin ng kaunting face paint. Ganito ang raket namin ngayon, mamigay ng flyers habang nakasuot ng costume. Mas mabenta kasi sa mga bata. Ang suot ko ay croptop na sandong kulay red orange at cycling na kapareho ang kulay. Mayroon din akong suot na belly dancing skirt sa aking bewang. Itong maraming gintong bilog na sequins sa laylayan at kapag kumekembot ay tumutunog. Si Jessica naman ay nakasuot ng overall fit na costume. Putol ang kaliwa nito na hanggang kalahati ng hita. Long-sleeves din ito at kulay pula na may sequins. Tatlong set kasi ang mga costume namin dito. May fire theme, may air theme na kulay blue, at nature theme na kulay green naman. Sa flyers naman ay kami ang mga nakalagay habang nagawa ng stunts pagkatapos ay mga nakaka-engganyong sulat. Ipinaprint namin itong mga flyers na kami ni Dina ang nag-edit. Tatlong araw nga namin bago natapos dahil napakabagal ng cellphone kong luma na ang model. Copy paste ang pipindutin mo kaso bigla namang naghohome. "Flyers po kayo! Punta po kayo ha, masaya sa circus namin!" sabi ko sa isang pamilyang inabutan ko ng flyers. "Ay mukhang maganda nga. Saan banda ba ito?" tanong ng nanay. "Doon po sa dulo, iyong pinakamalaki na tent," turo ko naman doon sa circus tent sa dulo. Imposible namang hindi pa nila makita iyon. "Ay, salamat!" masaya niyang sabi kaya tinanguhan ko naman siya. Inubos namin ang 200 pieces na flyers. Mabuti na lamang at naubos namin ni Jessica, ang ibang bata pa ay ginagawang eroplano ito. Ngali-ngali kong pingutin at sila ang itapon sa basurahan, sinasayang! Nang bumalik kami sa tent ay agad kaming nagtanggal ng make-up at nagbihis. Nakatoka raw kami na magbantay ng rides. Sa mini flying fiesta dapat kami magbabantay, kaunti lang naman madalas ang sumasakay roon dahil marami ang takot. Nandoon naman ang anak ni Aling Lorna na si Toper kaya baka iba na lang ang gawin namin ni Jessica. Nang papalabas kami ng tent ni Jessica ay may nakita kaming mga lalaking nakaitim na papasok ng aming perya. Nasa apat sila, mga mamahaling amerikana ang suot. Para silang mga butler sa action movies. "Nakikita mo ba ang nakikita ko, Gizani? Ang swerte naman ng mga mata ko ngayon!" irit ni Jessica. "Ano ba! Maghunos-dili ka nga kakasigaw mo! Ano na naman ba ang nakikita mo?" irita kong tanong. "Iyon oh, iyong lalaking pogi na iyon. Nakasuot ng mask at nakashort, ang ganda ng legs! Makinis pa sa atin! Tiyak na mayaman iyan!" kinikilig na sabi ni Jessica. Napairap naman ako sa kaniya, gwapo na naman pala. Pagtingin ko naman sa tinuro niya ay napairap ako bago napabalik ang tingin na may nanlalaking mata. Talagang ang gwapo nga, parang foreigner! Ang lalaking pumasok ay may taas yatang 6'footer o mahigit pa. Nakasuot siya ng all-black din na board shorts at v-neck black shirt. Halata rin na maganda ang katawan nito dahil bakat. Sino kaya ito? At bakit ang daming parang bodyguards na nakapalibot sa kaniya? Hindi kaya nabigyan siya ng flyers at naengganyong pumunta rito sa amin? Baka nga, mukhang big-time ang customers namin ngayon ah. Mabisa pala ang pamimigay ng flyers. Brochure na ang ipapamahagi ko sa susunod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD