CHAPTER 33-BOOK 2

2101 Words

GABRIEL MABILIS akong bumaba ng sasakyan nang matanaw ko ang pamilyar na bulto ng katawan ng babae sa lokasyon na sinabi ni Arabella kahapon. Hindi na niya kailangan pang lumingon para masabi ko na siya itong nakikita ko ngayon. Tumitibok lang namang nang ganito ka-weird ang puso ko kapag nasa paligid siya. Sa tanang buhay ko ay sa kaniya ko lang ito nararamdaman. Ilang hakbang na lang ang layo ko sa kaniya at saka unti-unting bumagal ang paglalakad ko. Hindi ko maintindihan kung bakit parang may matigas na bagay ang bigla na lang bumara sa lalamunan ko habang pinagmamasdan ko ang kabuuan niya. “Arabella…” puno ng emosyon na tawag ko sa pangalan niya. Kahit mahina lang ang boses ko, mukhang narinig naman niya. Dahan-dahan siyang humarap sa akin. “G-Gabriel…” basag ang boses na tawag di

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD