GABRIEL NAGISING ako na sobrang sakit ng aking panga, na para bang may sumapak sa akin. And when I opened my eyes, nagulat pa ako dahil nandito na ako sa condo unit ko. Nagsalubong ang mga kilay ko. Nasaan ba ako dapat? Pakiramdam ko ay pinagpawisan ako nang malapot nang sa wakas ay naalala ko ang mga huling nangyari bago ako nawalan ng ulirat. I touched my jaws. Kaya pala masakit ito kasi may sumipa sa akin nang malakas habang nasa gitna ako ng makakapal na usok mula sa inihagis na tear gas. Napabalikwas ako nang maalala ko rin ang babaeng tumulong sa akin pero sa tingin ko ay siya ring sumipa sa akin. Si Arabella nga kaya iyon? At siya ba ang naglabas sa akin sa venue at nagdala rito sa condo ko? Pero nasaan siya? Kulang na lang ay tumalon ako sa kama at tumakbo palabas ng silid para

