GABRIEL GUSTO kong tawagin uli si Makisig at isigaw ang pangalan niya. Pero sa lakas ng hiyawan sa buong venue ay sigurado ako na hindi niya ako maririnig. Lalo na at iba ang pangalan na ginagamit niya. Aldo. Iyon ang isinisigaw ng mga pumupusta sa kaniya. Kasabay ng hiyawan din ng pangalan ni Ferdinand. Hindi ko alam ang dahilan ng aking kaibigan kung bakit siya sumali sa ganitong paligsahan. Ngunit malakas ang hinala ko na may kinalaman ito sa mahalagang misyon na ibinigay sa kaniya ng INTERPOL. At hindi iyon maaaring mabunyag, lalo na ngayon na napapalibutan kami ng mga criminal. Kahit matagal na kaming walang communication ni Makisig at kahit feeling ko ay tinalikuran niya ako, hindi ko pa rin siya kayang ipahamak. Kaya pinigilan ko na lang ang aking sarili na tawagin ang tunay na p

