GABRIEL KINABUKASAN ay maaga akong gumising para maaga ring makapasok sa opisina. Ayoko kasing dumdating nang late pagdating sa trabaho. Mas gusto ko na nauuna ako kaysa sa mga empleyado ko. Isa ito sa magagandang katangian ko na sabi ng pamilya ko bilang gobernador noon na nadala ko ngayong CEO na ako. “Hindi ka ba kakain ng breakfast, Gabriel?” tanong sa akin ni Tita Mauricia nang magpaalam ako sa kanila ni Daddy Romano habang nagkakape sila sa veranda. “Nakapagluto na ang mga muchacha.” “Sa office na ako kakain, Tita. Baka kasi maabutan ako ng traffic.” “Ipagbalot na lang kita.” Tumayo sa kinauupuan niya si Daddy. “Baka kasi magutom ka sa biyahe.” “Thanks, Dad. But I’m fine,” agad na sabi ko. Pero sa likod ng isip ko, gusto kong ngumiti. For three years kasi, napansin ko ang malak

