Chapter 3: Saion's Arrival.
Written by: CDLiNKPh
HACIENDA FORTALEJO.
"Tito Manuel, where's Nikki? Bakit hindi n'yo yata siya kasama?" takang tanong ni Saion nang hindi nito makita si Nikki sa kotse.
"I'm sorry, Saion, masakit daw ang ulo niya kaya hindi raw siya makakarating para salubungin ka."
"Gano'n ba? Alagaan ninyong mabuti si Nikki dahil ayaw ko siyang nagkakasakit," bilin na lang nito na parang na-disappoint nang hindi makita ang inaasahan nito.
Nang makarating sa loob ay inuman na kaagad ang inuna nila pagdating sa marangyang sala ng mga Fortalejo. Hindi niya mapigilan ang sarili na maikot ang tingin sa paligid dahil napapaligiran ng ginto ang buong bahay na nagpapakita lamang kung gaano kayaman ang mga ito.
"Kumpare, pupunta na kami sa bahay ninyo para mamanhikan. Sabihin mo kay Nikki na magpaganda siyang maigi para rito sa anak kong si Saion," nakangiting sabi ni Senator Fortalejo. Ang daddy ni Saion.
Nagulat siya sa sinabi ng mga ito.
"Mamanhikan na kayo kaagad? Ni hindi pa nga nae-enggage sina Nikki at Saion, kumpare."
Napainom siya ng alak. Ni hindi boyfriend ni Nikki si Saion pero kasal na agad ang gusto ng mga ito.
"Wala na hong dahilan para patagalin pa natin ang bagay na iyan, Tito Manuel. Hindi bat matagal na ninyong napagkasunduan ni papa na ipakasal kami ni Nikki? Ngayong may napatunayan na ako sa corporate world ay wala nang dahilan para patagalin pa ang pag-aasawa ko. Sawa na rin naman ako sa buhay binata. Gusto ko nang lumagay sa tahimik," nakangiting sabi ni Saion.
"Pero bata pa si Nikki, Saion. Kakagraduate niya lang sa high school at second year college pa lang siya ngayon. Sa tingin ko ay hindi pa handa si Nikki para mag-asawa," pangangatwiran niya.
"Diyan naman ako hindi makapapayag, Tito Manuel. Alalahanin mo na may kasunduan tayo. Hindi kayo pwedeng magbago ng isip dahil alam ninyo kung ano ang mangyayari kapag hindi nasunod ang gusto ko," nakangising paalala ni Saion na nagpakaba naman kay Manuel.
"Alam ko iyon, Saion. Pero hindi ko naman naisip na ganito kaaga. Ano ba naman ang kinatatakutan mo, hijo? Walang dahilan si Nikki para hindi ka magustuhan. Gwapo ka, matalino at mayaman. Walang babaeng hindi magkakagusto sa iyo," sabi na lang niya.
"Walang pakialam sa mga bagay na 'yan si Nikki, Tito Manuel. Kilang-kilala ko siya. Nakita ko siya kung paano siyang magdalaga kaya iniisip pa lang niya ay alam ko na. Hindi ako makakapayag na mapunta pa siya sa iba. She's mine kaya hindi siya pwedeng maagaw sa akin ng kahit na sinong lalaki kaya dapat lang na makasal na kami kaagad," seryosong sabi nito saka biglang nagpalit ng anyo at inosenteng ngumiti.
"Pero huwag kayong mag-alala dahil hindi naman kami mag-a-anak kaagad, Tito Manuel. Gusto ko lang na maitali na siya sa akin para masiguro ko na hindi na siya makakawala pa." Kunwari ay pagbibiro nito na tinawanan naman ng ama nito pero alam niyang seryoso iyon.
Sa totoo lang ay kinikilabutan siya sa nakikitang obsesyon ng lalaki para sa anak niya. Hindi niya alam kung tama ang ginawa niyang desisyon noon pa.
___
NAGISING si Nikki sa taas ng sinag ng araw na tumatama sa mga mata niya. Galing ang sumisingit na liwanag ng araw mula sa bintanang kasalukuyang nililinisan ng mga katulong.
Nagulat siya na naglilinis ang mga ito na hindi man lang nagpaalam sa kanya. Kadalasan ay hinihintay muna ng mga ito na magising siya bago maglinis.
"Pasensiya na po kayo, ma'am. May bisita po kasi kayong darating kaya inutusan kami ni Don Manuel na maglinis ng maaga," maagap na sabi ng katulong nang napansin ang pagtataka niya.
"Ay, hindi po, manang, ayos lang," mabait na sabi niya saka na tumayo at nag-ayos ng sarili sa bathroom.
Matapos maligo ay bababa na sana siya ng kwarto nang makakita ng magazine sa side table.
Naka-feature sa harapan ng magazine si Saion. May nakalagay na note sa ibabaw na basahin daw niya. Ang daddy niya ang nag-iwan niyon doon.
Napabuntong hininga siya. Halatang binibida talaga nito si Saion. Gustong-gusto ng daddy niya para sa kanya ang lalaki at gusto nito na si Saion ang makatuluyan niya.
Napilitan na rin siyang basahin ang magazine kahit natatamad siya dahil ayaw naman niyang suwayin ang pinakamamahal na ama.
The hottest and most successful bachelor of the year, Mr. Saion Fortalejo.
Iyon ang unang description na nabasa niya. Nakalagay doon ang mahabang listahan ng mga naging awards at achievements ni Saion sa iba't-ibang larangan ng business, sports, at academics. Simula iyon noong nag-aaral pa lang ito hanggang ngayon na nagta-trabaho na ito bilang isang successful businessman.
Itinuturing na pala ito na sa isa sa pinakamayaman at pinakabata na entrepreneur sa buong mundo at napakalawak at napakalaki na ng mga kompanyang pinamumunuan nito sa ibat ibang panig ng mundo.
Nakalagay din doon ang mga ibat-ibang babae na napabalitang girlfriend daw nito at puro mga sikat na personalidad ang mga iyon at nagulat pa siya dahil maging ang isa sa mga hinahangaan niyang hollywood actress ay naging girlfriend din pala nito.
Naisip niya na kung napapalibutan naman pala ng mga ganoong klaseng babae si Saion sa ibang bansa noon ay walang dahilan para maghabol ito sa wala namang maipagmamalaking babaeng katulad niya. Marahil ay naka-get-over na rin ito sa kanya. Napangiti siya sa ideyang makakawala na rin siya sa wakas sa galamay nito.
Bumaba na siya nang matapos basahin ang magazine at mas nagulat pa siya sa bagong arrangement ng mansyon sa ibaba. Abala ang lahat ng katulong sa paglilinis. Mukhang may darating nga talagang importeng bisita.
"Mabuti at gising ka na, Nikki. Halika at maupo ka na rito at nang makakain ka na," bungad sa kanya ng daddy niya nang makita siya nito.
Dahan-dahan siyang umupo na nahihiya pa ring tumingin sa nakasimangot na Ate Bettina at Ate Margaret niya. Sinubukan niyang ngitian ang mga ito pero iniisnaban at inirapan lang siya ng dalawa.
"Girls, gusto kong magpaganda kayo mamaya at pakitaan ninyo rin ng maganda sina Saion at Senator Julius dahil bibisita sila rito mamaya. Ayokong may masabi sila sa atin, understand?" panimula ng daddy nila.
"Talagang pupunta rito si Saion, daddy? Grabe ang gwapo-gwapo niya sa Bachelor Magazine at sikat na sikat na siya ngayon! Kahit sa TV ay madalas banggitin ang pangalan niya! May girlfriend ba siya ngayon ha, dad? Naitanong mo ba?" Super excited na tanong ni Bettina.
Sa kanilang lahat ay dito nalalapit ang edad ni Saion. Matanda lang ng dalawang taon ang lalaki rito kaya naman simula bata pa lang ito ay pantasya na nito ang lalaki.
"Kung wala ay ilakad mo naman ako, daddy! Purihin mo ako sa harapan niya mamaya ha, dad?" kinikilig naman na sabi ni Margaret na may gusto rin kay Saion.
"Tse! Tumahimik ka nga! Gagang 'to, uunahan mo pa ako! Ako na ang ilakad mo kay Saion, dad dahil tutal ay kami naman ang hindi na lalayo ang edad! I'm sure naman magugustuhan niya ako!" Over confident na pagpi-presinta ni Bettina.
"Mas maganda ako sa iyo, Ate Bettina! Saka may boyfriend ka na 'di ba? Kaya ako na lang ang ilakad mo, daddy. I'm single, and ready to miggle!" pakikiagaw naman ni Margaret.
Siya naman ay tahimik na kumain na lang. Mabuti pa nga kung isa na lang sa mga kapatid niya ang makatuluyan ni Saion. Mukhang sa wakas ay matutuwa siya sa mga kapatid.
"Pwede ba, magsitahimik kayo!"
Parang narindi na si Don Manuel sa pag-aagawan ng dalawa. Natahimik sina Margaret at Bettina.
"Ayokong magpakita kayo ng ganyan sa harap ni Saion mamaya. Ano na lang ang sasabihin nila kapag nalaman nila na ganyan kayong mga anak ko na parang nauubusan na ng lalaki sa mundo! Gusto ko, pormal lang kayong kumilos mamaya sa kanila. Kumilos kayo na parang may pinag-aralan kayo. Magkilos dalaga kayo, nagkakaintindihan ba tayo?" striktong bilin ng ama.
"Yes, Dad," behave na sagot ng dalawa na nakayuko na.
"Nikki, gusto ko na ikaw ang mag-entertain sa kanya mamaya. Huwag mo akong pahihiyain," baling sa kanya ng ama.
Umuo na lang siya kahit may balak sana siyang gawin sa araw na iyon.