Chapter 4: Ang Kasunduan

1137 Words
Chapter 4: Ang Kasunduan Written by CDLiNKPh NAGALIT si Saion nang dumating ito na wala na si Nikki sa Hacienda Ybanez. Naghintay ito nang napakatagal pero ni anino ni Nikki ay hindi nito nakita. "May kasunduan tayo na makikita ko si Nikki ngayon pero hindi ka tumupad. Hindi mo rin nagawang dalhin siya no'ng araw na dumating ako at pinalagpas ko iyon. Pero ngayon ay hindi na! Huwag mo akong niloloko, Tito Manuel. Alam ko naman na dati pa ay ayaw mo na sa akin para sa anak mo, hindi ba? Pinaalis mo ba siya? Kinunsinti mo ba? Kapag nalaman ko na may ibang lalaki iyang anak mo ay magkapasensyahan na tayo!" Galit na galit si Saion. Halos nawalan na ito nang galang sa kanya nang marinig nito ang pinagke-kwentuhan nina Margaret at Bettina na baka pinuntahan na naman ni Nikki ang sinasabi ng mga ito na boyfriend daw ng babae. "Pasensya ka na, Saion, hindi na mauulit ito! Pagsasabihan ko si Nikki. Pinapangako ko sa yo na pagdating niya ay dadalhin ko kaagad siya sa yo." Parang siya pa ang mas natatakot sa binata. Mas bata ito kaysa sa kanya pero alam niya ang kaya nitong gawin laban sa nananahimik nilang pamilya. Alam niya na ito ang taong hindi niya pwedeng maging kaaway. "Dapat lang! Hindi na birong pera ang inilabas ko para lang hindi malugi ang mga negosyo mo! Anumang oras ay maaaring magbago ang isip ko at kunin ko ang lahat ng kung anumang mayroon kayo rito ngayon. Hindi ako nagbibiro, Tito Manuel, kaya kung ako sa yo ay makikisama ako!" Matalim pa rin ang tingin na umalis ito sa harapan nila at nagdadabog na sumakay ng sasakyan nito. Naihilamos niya ang kamay sa mukha niya. Saan ba kasi nagpunta si Nikki? Napalingon siya sa dalawang anak na kulang na lang ay magtago sa likuran ng puno dahil parang natakot din ang mga ito sa mga pagsigaw ni Saion. Inis na nilapitan niya ang dalawa. "Kayo ang may kasalanan nito, e! Kung ano-ano kasing lumalabas sa bibig ninyo! Bakit ninyo pinabayaan na umalis si Nikki rito kanina? Wala tuloy naabutan si Saion!" Naghahanap siya ng mapagbubuntunan ng galit dahil alam niyang hindi niya mailalabas lahat ng iyon kay Saion. "E, ano naman ngayon, dad? Nandito naman kami para i-entertain si Saion, ah? 'Di hamak naman na kung ikukumpara kami riyan sa ampon ninyo e, wala siyang binatbat!" Hindi na napigilang sabi ni Bettina. "Shut up, Bettina! Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na huwag na huwag mong babanggitin ang tungkol sa bagay na iyan! Anong gagawin mo kapag may nakarinig sa yo, ha?!" pananaway ni Manuel. "So what, daddy? Mabuti pa nga na malaman niya at nang umalis na siya rito sa bahay! Nang sa gano'n ay mabaling naman sa amin ang atensyon ni Saion! Sa totoo lang ay hindi ko maintindhan kung bakit siya pa ang nagustuhan ni Saion, samantalang mukha pa siyang nene!" panlalaban ni Bettina. Bumuntong-hininga ang don. "You don't know what you're saying, Bettina. Kung alam mo lang na malaki ang mawawala sa atin kapag nawala si Nikki sa atin. Wala ni katiting na interes sa inyong dalawa si Saion and I don't know if he's even capable of loving other girl aside from Nikki. He's obsessed. At ang obsession na iyon ang dahilan kung bakit kailangan natin si Nikki. Para hindi mawala ang mga bagay na tinatamasa natin ngayon..." sumasakit na ang ulo na sabi niya. "What do u mean, daddy? Dont tell me maghihirap na tayo?" nahihintakutang tanong ni Margaret. "We're already are, Margaret. I think this is the right time for you girls to know. Totoong malapit nang bumagsak ang mga negosyo natin at si Saion ang naging susi para hindi na tuluyang mangyari iyon. You know how successful he is. He is gifted and he can do almost everything kaya hindi na kayo dapat magtaka kung paano siyang yumaman ng gano'n. Ni hindi na nga yata niya kailangan pa ang mana ng daddy niya para matawag na mayaman ang sarili niya. Because he have already build his own company." "Come on that, dad! Huwag ka nang magpaligoy-ligoy pa! Don't tell me baon na tayo sa utang sa kanya?" Na-paranoid bigla si Bettina. Bumuntong-hininga siya. "Binili na niya ang halos lahat ng stocks ng kumpanya natin at maging ng haciendang ito. Napakalaki na ng pagkakautang ko sa kanya. Nagkaroon kami ng kasunduan na ipapakasal ko sa kanya si Nikki huwag niya lang tayong pabayaan. Pero nag-iiba na ang pakikitungo niya sa akin ngayon. Unti-unti na niya akong ginigipit at tinatakot. Kung hindi ako papayag na ipakasal sa kanya si Nikki ay hindi siya mangingiming pabagsakin ang lahat ng negosyo natin. Lahat ng ito ay mapupunta sa wala..." Tuluyan na siyang naiyak sa sobrang kadesperaduhan niya na maging si Nikki ay ipinagkanulo pa niya sa isang demonyong lalaki. He hates to do this but he have no choice... "Pero papaanong nangyari iyon, daddy? As far as I know ay okay naman ang sales ng mga negosyo natin dati, hindi ba?" nagtatakang tanong ni Margaret. "I'm sorry, Bettina, Margaret. Isang malaking kapabayaan lang ang naging puno't-dulo ng lahat ng ito. Nagkaroon kami ng katuwaan noon ng mga kaibigan ko at nagpunta kami sa isang casino bar. Nagpakalasing kami noon at wala kaming ibang ginawa kundi ang magsugal nang magsugal. Hanggang sa may isang lalaking lumapit sa akin. Hinamon niya akong itaya ang hacienda kapalit ng buong kumpanya na pag-aari ng pamilya nila. Lasing na ako noon at padalos-dalos na sa pag-de-desisyon. Malakas ang kumpiyansa ko sa sarili ko dahil ako ang pinakamagaling pagdating sa poker sa buong lugar na ito. Nasilaw din ako sa sinasabi niyang kumpanya na maaari kong makuha kapag natalo ko siya pero natalo ako. Naipatalo ko ang hacienda at sa pagnanais na makabawi pa ay itinaya ko pa ang lahat ng ari-arian natin hanggang sa maubos na nga ang lahat. Nagkataon pa na naroon na agad ang kaibigan niyang abogado na may pinapirmahan kaagad sa akin matapos kong matalo. Hindi ko alam kung bakit parang naka-plano na ang lahat. Ang alam ko lang ay sa isang iglap ay nawala na sa atin ang lahat..." Tuluyan nang napaiyak ang Don. "Daddy..." "Patawarin ninyo ako, mga anak. Hiyang-hiya ako sa inyo. Ilang beses kong nilapitan ang mga kaibigan ko para makabawi pa pero walang gustong magpahiram sa akin. Tinangka ko rin na patayin ang sarili ko dahil sa laki ng kasalanan ko sa inyo pero may takot ako sa Diyos. Natatakot din ako na maiwan ko kayo ng ganito. Alam kong kailangan n'yo pa rin ako..." Napaluhod pa si Manuel. "Daddy! Hindi mo dapat patayin ang sarili mo! Hindi namin makakaya kapag nawala ka!" At hindi naman magawang magalit ng magkapatid sa kalunos-lunos na kalagayan ng ama kaya agad na yumakap ang mga ito sa matanda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD