Naghanap ako ng mauupuan sa cafetaria at wala akong makitang bakante.
"Tallie!!" Sigaw ng babae at tinignan ko naman kung sino sumigaw ng pangalan ni Tallie.
It's the female leaddd wahhhh!! I can't believe it.
Kumakaway siya sa akin at lumapit naman ako sa kanila, "Dito ka upo." Sabi niya at hinawakan ang upuan sa tabi niya.
Pagkaupo ko ay binati ko ang kaibigan niya na si Aviva, "Hi." Nakangiti kong bati at ningitian lang niya ako.
"When kayo naging close?" Tanong ni Aviva.
"Ngayon." Sabay naming sagot at natawa kaming dalawa.
Tinignan naman ako ng masama ni Aviva na parang aagawin ko sa kanya si Sole.
Habang kumakain kami ay biglang nagsigawan yung mga estudyante na parang may artista na dumating.
"Wahhh!! TFA Boys!!"
"Ang pogi niyo!!"
"Tapakan niyo ako, please!!"
"Kung ang isda ay fish sa english, ano naman kung mahal ko kayo?"
Naglalakad lang ang mga TFA Boys na may hawak na tray na naglalaman ng pagkain at parang wala silang naririnig na sigaw maliban kay hangin este kay Ardyan.
Nagkasalubong ang tingin namin ni Seven at kumaway naman siya sa akin kaya napatingin sa amin si Eros. Tumingin rin sa amin sina Kendric at Ardyan.
Pagkabalik ng tingin ko sa pagkain ay bigla inilatag ni Seven ang kanyang tray sa kadikit ng table na inuupuan namin, "Hi." Bati niya at tumango lang ako.
Napatingin ako sa tabi niya dahil katabi niya si Eros na kumakain at kaharap niya si Ardyan na katabi si Kendric.
Bat dito pa sila umupo ang daming upuan na pwede nila pagpipilian.
Padabog kong kinain ang pagkain. Napaatras ako ng umatras si Seven at tinignan ko naman siya ng masama pero napawi yun ng makita kong may katabing babae si Eros.
May pa 'I don't want to call off our engagement' siyang nalalaman. Alam mo sarap suntukin ang kaluluwa mo.
Kukunin ko sana ang sandwich ko na di ko ginalaw ng bigla yun kinuha ni Seven, "Hoy, akin na nga yan!" Agaw ko sa kanya ang sandwich ko. "Ibibigay mo sa akin o babalihin ko ang mga buto mo sama na rin yang masama mong kaluluwa." Inis kong sabi at tinawan lang ako ng baliw. "Ah gusto mo talagang gawin kitang pito ah." Pagbabanta ko sa kanya.
"I'm just kidding." Sabi niya at binigay sa akin ang sandwich.
"Kidding mo mukha mo." Inis kong sabi at kinain na ang sandwich.
"Ah, di pala close sa TFA Boys." Natatawang bulong sa akin ni Sole.
"Di naman talaga kami close." Mahinang kong sagot ko sa kanya. "Mas maganda kung tawag sa kanila ay KSP Boys."
Napatingin ako kay Aviva na masama pa rin ang tingin sa akin.
"Grabi ka naman makatingin sa akin. Di ko aagawin si Sole sayo noh, di ko yun gawaiin." Natatawa kong sabi sa kanya at ngumuso naman siya.
Biglang nag-ring ang phone ko at tinignan ko kung sino ito pero unknown number ang nakasulat, "Hello sino toh?" Tanong ko.
"Hello, babe." Sagot nito sa akin kaya napalaki ang mata ko.
"Babe mo mukha mo. Sino ka ba?" Inis kong tanong.
"Hulaan mo." Sagot niya dahilan na lalo ako nainis.
"Wow, gagawiin mo pa akong manghuhula ah. Fyi future nanininda ng panty sa online kaya ako ng planet earth." Inis kong sabi.
Kala mo ikaw lang ang di seryoso.
Bigla naman natawa yung mga katabi ko maliban kay Eros na nasa pagkain pa rin nakatoon.
Rinig ko rin natawa rin ang tumawag sa akin, "Just wait." Sabi niya bago pinatay ang tawag.
Naprank call yata ako ah pero di na prank yoww.
"Who's that?" Natatawang tanong ni Seven.
"Mama mo." Inis kong sabi at padabog na tumayo.
Kay malas malas ng buhay.
Tumayo rin sina Sole at Aviva at sinauli namin ang mga plato at tray.
"Sino pala ang tumawag sayo?" Tanong ni Aviva.
"Di ko alam, unknown number nakasulat baka prank call lang." Sagot ko. "Kala niya nasa mood ako para makipagbiruhan. Gusto niya bang suntukin ko yung mga bone niya at muscles."
"Isali na rin yung kaluluwa?" Natatawang tanong ni Aviva.
Kanina ang sama ng tingin niya sa akin ngayon nakikipagbiruan na sa akin.
Wala akong naalala sa kwento na paiba-iba ang mood ng babae ito, may regla ba siya?
"Syempre sali na rin ang abs kung may abs yung mokong na yun." Natatawang kong sagot at tumawa rin sila.
"You are still the Tallie that I know." Di ko narinig ang sinabi ni Tallie mahina ang kanyang pagkabangit nito.
"Huh?" Tanong ko sa kanya.
"I said, you are funny."
Para di naman yung sinabi niya diba? Rinig ko ang ganda ko raw.
Sinaniban ba ako ni Ardyan?
Biglang may humatsing sa likod namin kaya napatingin kami. Si Ardyan pala at kasama ang little three idiots.
Pumasok na kami sa classroom at umupo. Wala pa yung guro kaya nakipagchismis muna ako sa kanila.
Anak kaya ako ni Marites sa last life ko.
"Yung mga kapit-bahay namin talaga lagi kinukuwento sa iba naming kapit-bahay kung gaano ako kaganda." Natatawa kong sabi.
Hindi ako sinapian ni Ardyan, binaklitad ko lang anong sinabi nila.
"Lah tapos? Ayh matagal na pala kayong tapos." Hugot ni Aviva.
"May naging jowa ba ako?" Nilakihan ko ang mata ko.
"Ayh wala ka palang ganun, wala rin akong ganun, wala rin ganun si Mari." Aniya.
Napatingin ako sa mga dede namin tatlo, "Puro pala tayo flat." Natatawa kong sabi.
"Ngayon mo lang napansin." Biglang sulpot ni Seven at umupo sa upuan ni Claire.
"Alam mo kung saan saan ka lang sumusulpot para kang ipis na biglang lumalapit." Sabi ko sa kanya.
"What do you mean 'Ngayon mo lang napansin', don't tell me." Napatakip ng dede si Sole. "You pervet!!" Sigaw niya.
"Wait, I'm not a pervet. It's just... too obvious." Sabi niya at naibaba nalang niya ang mukha niya dahil sa hiya.
"Panahon na yata Tallie na ituro mo sa akin kung paano sumuntok ng kaluluwa." Sabi ni Sole na parang may papatayin.
"First mong gawin ay i-erase ang existence niya sa mundo." Sambit ko sa kanya na parang gusto ko tuluyan niya si Seven.
"What? I thought, you were my friend." Sabi ni Seven.
"When?"
"What? You--." I cut him off.
"When ka mamatay?" Pangiinis ko.
"Ang sama niyo sa akin." Sabi niya na parang nagtatampong bata.
"Gusto mo suyuin ka namin? Bigay ka muna ng pera pangbili namin ng burger at fries at saka milktea, ikaw ang susuyuin eh dapat pera mo ang gagamitin." Sabi ni Aviva.
Biglang inilabas ni Seven ang wallet niya, "Hoy, nagbibiro lang." Pigil sa kanya ni Aviva.
"Tallie, punta ka raw sa music room may i-uutos lang daw si mr. Leo." Tawag sa akin ni Claire.
May i-uutos ba talaga si mr. Leo o may pinaplano ka?
Sumunod ako sa kaniya kahit alam kong mahirap pagkatiwalaan ang babaeng ito.
Nasa labas na kami ng Music room ay binuksan niya ang pinto at tinulak ako papasok doon. Sinara niya ang pinto kaya tini-try kong buksan yun pero di mabukas.
Ito ba yung scene na ikukulong ang fl sa isang room ng villain? Sino naman sasagip sa akin? Ang kaluluwa na nagpapahinga?
Kinuha ko nalang gitara dahil alam kong di mabubuksan ang pinto hanggang may papasok dito at lahat na estudyante ay nasa classroom na dahil nagsimula na klase kaya imposibling may papasok dito.
Kinanta ko nalang ang So Sick by Ne-yo dahil yun ang favorite song ko sabay pagstrum sa gitara.
"And I'm so sick of love songs. So tired of tears. So done with--." Di ko natapos kinakanta ko nang marinig ko bumukas ang pinto.
"I didn't know you have a talent." Napatitig nalang ako sa ngiti niya.
Sobrang lakas ng pintig ng puso ko na parang sasabog na di ko alam kung dahil sa hiya o dahil sa kanya.
Unti unti siya lumapit sa piano at umupo. "I'll play the piano, and you sing it again." Sabi niya at sinunod ko naman siya.
Mas lumakas ang pintig ng puso ko feeling ko sasabog na yata ako tuwing sinasabayan niya ako sa pagkanta.
Bakit ganito ang nararamdaman ko?
What's wrong with this heart?
May sakit na ba ako sa puso?
Gusto ko ba siya?
"Reading Your Meraki Life"
BY: YOUR_SECRET_LADY