Chapter 6

1113 Words
Matagal naman ako nakatulog dahil sa kakaiisip kong anong nangyayari kay Eros. Kung bakit ang iba niya sa kwento at hindi nangyari ang nakasulat sa kwento na ipapahiya niya ako. Tanghali ulit naman akong nagising. "Bw3sit kang Eros!! Lagi mo nalang ginugulo yung utak ko duh kahit di obivous na may brain ako." Galit kong sabi nang magising ako. Pumunta na ako sa banyo para maligo at pagtapos kong maligo ay sumuot lang ako ng casual na damit. Nag hoodie lang ako at nagpants dahil kakanin lang ako sa jollibee.  Syempre susulitin ko ang manirahan sa life ni Tallie noh, opportunity toh boi. Ngayon ko lang kaya mafeel maging mayaman noh.  Hindi naman ako gagawa ng masama dahil mayaman na ako, kakain lang ako ng marami, yun lang. Binati ko lahat na tao na memeet ko at lumapit ako kay Yuli na inaayusan ang buhok ang isa sa kasambahay namin. At sa tingin ko nasa 16 pataas ang edad ng kasambahay namin na inaayusan ng buhok ni Yuli. "Morning, dai." Bati ko sa kanya. "Morning rin po sa inyo." Bati ko rin sa inaayusan ng buhok ni Yuli at nahihiya siyang ngumiti sa akin. Sinanay ko ang sarili magsabi ng po sa mas mantanda kay Tallie kasi nasanay kasi ako hindi mag po sa mas bata sa akin.  I'm 26 years old mentally kaya. "Gusto niyo sumama sa Jollibee? Libre ko." Sabi ko at sobrang laki ng ngiti nakaguhit sa mukha ni Yuli. "Syempre naman, dai. Why not naman diba?." Masaya niya sagot. "Paglibre?!" Tanong niya sa kasambahay sabay turo sa kanya na hinihintay ang sagot. "Paglibre, wag tangihan ang grasya ye ye!" Sabi niya na parang nagbe-bench cheering. Nandito kami ngayon sa jolibee at parang kaming magmumukbang dahil sa dami ng ini-order ko. "Gagawa ba tayo ng youtube channel?" Tanong ni Klea, yung kasambahay na ina-ayusan ni Yuli kanina. "Maraming tenkies talaga, ma'am Talie." Pagpapasalamat niya sa akin. "Drop the honorific, ate Klea." Nakangiti kong sabi.  Nilibot niya ang kanyang tingin na parang may hinahanap, "Alam mo ba kung nasaan nakalagay ang honorific?" Bulong niya kay Yuli pero narinig ko ito.  "Gaga! Ang ibig sabihin ni Dai Tallie wag mo daw siyang tawaging ma'am, tawagin mo lang siyang Tallie." Binatukan ni Yuli siya at natawa nalang ako sa kanila. "Ayh yun pala ang ibig sabihin ng honorific." Napa-ah nalang siya. Nagsimula na kaming kumain at kinuwento nila ang mga funny moment nila. Napalingon kami bigla sa lalaking lumapit sa table namin, "Di ko alam ganito ka pala katakaw, Tallie." Natatawang sabi ni Ardyan. Parehong nagulat sina Yuli at Klea, "Hi, girls." Bati niya sa kanila at nagwink pa ang tangal. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. "May birthday kasi yung pinsan kong bata at dito sila nagcelebrate." Sabi niya at biglang umupo sa tabi ko. "Sira! Ba't ka dito umupo? Baka patayin ako ng mga fans mo noh." Pagtataboy ko sa kanya. "Marami na nga akong nakuhang death threats dahil magkasama kami ni Seven noong friday." "Lah magkasama kayo ni Seven noong friday? Kaya pala di sila nag-uusap ng future honey mo." Tumingin siya sa akin bago bumaling kay Yuli na kanina pa siya tinitigan. "Hi, gusto mo ng autograph?" Sabi niya na parang celebrity. Nahihiyang tumago si Yuli sa kanya at binigay ang tissue kay Ardyan at pentelpen. Ini-autograph ni Ardyan ang tissue na binigay ni Yuli at binalik ito sa kanya, "Panget ka ba?" Basa ni Yuli at saka tinignan ng masama si Ardyan. "Anong panget ako, ah? Fyi I'm pretty sure that I'm pretty." Sabi niya at nagflip hair. "Banat yan." Sabi ni Ardyan sa kanya. "Anong banat? Kung ikaw kaya banatan ko ng buhay?" Inis niyang sabi. "Haysst, tumataas na yata ang blood pressure ko sayo."  "Banat talaga yan." Parang batang sabi ni Ardyan. "Panget ka ba? Kasi naPANGETi mo ako." Sasapakin na sana siya ni Yuli pero napigilan ito ni Klea. "So, what? Kung napangiti kita? May panget na word pa rin sa sinabi mo." Di pa rin mawala ang inis ni Yuli sa kanya. "Ito nalang. Maganda ka pero mas maganda kung tayo nalang." Sabi ni Ardyan. "Di bagay sayo." Komento ko. "Mas magandang ipag patuloy mo ang pagiging mahangin kaysa sa pagiging pafall baka bigla nalang bumagyo." Natatawa kong sambit. "Excuse me, waiter!" Tawag ko sa isang jollibee crew at lumapit naman toh sa amin. "Pwede po pakibalot?" Turo ko sa mga pagkain. Kinuha ko ang burger at coke float bago niya kunin ang pagkain nasa table, "Yes, ma'am." Sagot niya. Nilinis namin ang sarili naming kalat at si Ardyan ay nakatingin lang sa amin. Dumating yung crew at kinuha nila Yuli at Klea ang paper bag sa crew. "Thank you." Pagpapasalamat ko sa kanya. Sumisip muna ako sa coke float at kumagat sa burger bago magpaalam kay Ardyan, "Uuwi na kami." Sabi ko sa kanya at tumayo kaming lahat. "Ang bilis naman." Reklamo niya. "Sorry, mahal ang oras namin tulad ng pagmamahal ko sa kanya parang wan treelion." Maarting sabi ni Yuli kay Ardyan at ngumiti ito ng sarkastiko sa kanya. Sarkastikong tumawa si Ardyan, "Ganun ba? Gusto mo doblihon ko ang bayad." Pagmamayabang niya kay Yuli. Nagsagutan silang dalawa at kami ni Klea ay nakatingin lang at nakikinig kaya tinignan ko si Klea na iwan silang dalawa.  Di ko naman iiwan si Yuli, alam kong susunod lang yun sa amin. "Hoy, wait for me. Wag niyo akong iwan sa mukhang kalabaw!" Sigaw niya at sinundan kami. Paglingon ko sa kanya ay may nabangga ako. "Sorr-." Di ko natuloy ang sasabihin ko ng tinignan ko ang mukha nito. Si Eros lang pala at may kasamang babae pero okay lang sa akin dahil hindi ako si Tallie.  He looked at me coldly, "You are blocking our way." Malamig niyang sambit. Umatras ako para bigyan sila ng daan. Di ko alam kung bakit bigla nalang bumigat ang puso ko dahil sa sinabi niya. Dahil ba nasa katawan ako ni Tallie? Bakit masakit sa akin na makita siyang may kasamang babae? Bakit ako nasasaktan? Nasasaktan ako kahit hindi naman ako si Tallie. Hindi ko siya mahal pero bakit ang sakit? "Reading Your Meraki Life" BY: YARRAZZ Author's Note: Why do you feel hurt because of a person? You feel hurt because of a person. It could be you love the person so much that you are "j e a l o u s" when s/he with someone. The reason could be JEALOUSY. Why do we feel hurt? We feel hurt because we need to grow. We need to grow stronger. We need to learn and be mature. It's t o u g h, but it's WORTH IT.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD