Chapter 50: Message? Madilim na ang kalangitan nang bumalik si Rain Goodman sa Potara Village. Tahimik siyang lumalakad papunta sa tarangkahan ng baryo nang mapansin niyang ang sahig ay mas maraming basura kumpara sa normal at kapansin-pansin na ang iba sa mga ito ay ginagamit lang tuwing may inaabangan ang mga tao, kagaya ng manipis at parihabang kahoy na may nakasulat na mensahe. Hindi na niya binasa ang mensahe at nagtataka siyang dumiretso na lang papasok sa loob. Sa gilid ng tarangkahan ay may dalawang nasa tatlumpong taong gulang pataas na lalaki ang nag-uusap habang nakatingin sa kaniya. Hindi naman nila pinapansin ang binata, nahagip lang nang tingin nila ito dahil nasa tanawin siya ng binabantayan nilang daanan. "Mas mapapadalas na ang mga araw na maaaring bumisita sa Niarich F

