Chapter 68: Guilt of the Pure Hearted One. Sa napagkasunduan nilang tatlo na humiwalay sa isa't isa at magkaroon ng munting kompetisyon ay wala na ring nagawa pa si Axel Crimson para pigilan ito. Isa lang siya at tatlo sila, hindi rin niya nasagot ang sinabi ng kaibigang babae na nagpahina sa loob niya. Sinubukan niya na ring kausapin si Aura Scarlet kung maaari niya ba itong samahan sa mapanganib na gubat pero tinutulan lang nito ang kahilingan niya at mas binilisan pa ang lakad paalis. Kaya naman ngayon ay mag-isa na lang siyang nakatayo habang nasa likod niya ang nilikha nilang apoy na unti-unti na ring namamatay. May kakaiba kay Aura Scarlet na sa hindi niya malamang dahilan ay nagpapakirot ng puso niya. Wala siyang nakikitang rason pero pakiramdam niya ay nalalayo sa kaniya ang kaib

