bc

You're My Property (Trey&Nylah)

book_age18+
81
FOLLOW
1K
READ
one-night stand
age gap
second chance
dominant
tragedy
sweet
illness
love at the first sight
passionate
substitute
like
intro-logo
Blurb

Bilang isang surgeon, masakit sa loob ni Treyton na wala siyang nagawa upang madugtungan ang buhay ng kanyang asawa. Isinumpa niya ang araw nang mawala ang babaeng pinaka-iingatan sa puso niya. And then, he met the woman who was able to live her life because of her late wife's death. Paano niya maatim na makita itong masaya, habang miserable ang buhay niya. Sa isang banda, magagawa kaya niyang makuha ang dapat ay sa kanya?

chap-preview
Free preview
Memories
"HONEY, wake up! Akala ko ba maglilibot tayo? You said you will bring me to Shibuya!" Niyugyog ni Cassandra ang noo'y natutulog na asawa. It's the first day of their honeymoon in Japan. Dito nalang nila naisipang magpunta. Parehong silang doktor kaya mahirap magset ng mahabang bakasyon. Dapat nga dalawang linggo ang plano subalit hindi kinaya ng schedule nila. Isang neuro surgeon ang asawa niyang si Treyton, samantalang siya naman ay OB Gynecologist. They were college sweethearts. Inantay nilang maging resident doctor muna ang isa't isa bago sila nagpakasal. Ang akala nga ng mga kaibigan pati ng pamilya nila ay hindi na matutuloy sa simbahan ang relasyon nilang dalawa. When she got her residency a few months ago, agad na nagpropose si Treyton sa kanya. Hindi naman siya nagdalawang isip na tanggapin ito. Within the same day dinala siya nito sa tito nitong judge na kaagad naman silang ikinasal. Matagal na pala nitong pinagplanuhan ang lahat. Matamis na oo nalang talaga niya ang kulang. After three months they had their church wedding. A week after, they took their official honeymoon. Hinawakan niya ang palasingsingan at dinama ang dalawang singsing na nakasuot dito. If heaven is real, then she must be experiencing it right now. Napangiti siya nang mapadako ang mata sa nahihimbing pang asawa. Hinaplos niya ang noo nito. Hinawi niya ang buhok na tumatakip sa mukha nito. She traced her slender fingers on top of his chiseled nose. "Ang gwapo naman talaga ng asawa ko," nasaisip ni Cassandra. She gently brushed her thumb on his soft full lips. Natutukso siyang halikan ang mga ito ngunit ayaw niyang istorbohin ang asawa. Napakagat labi si Cassandra. Akmang tatayo na siya nang walang anu-ano'y sinunggaban siya ni Treyton. Napatili siya sa ginawa ng asawa. "I see, so you're' just pretending to be asleep!" paingos niyang sabi dito. Natawa lamang ang asawa sa sinabi niya. Then he pinned her down in bed. "I was waiting for you to kiss me, and do something," nakangiting sabi nito. "I didn't know you have that kind of fetish Mr. Sebastiano!" Pinamulaan ng mukha si Cassandra, kahit pa ilang buwan na silang mag-asawa at ilang beses na nilang ginawa iyon, hindi parin siya kumprotableng pinag-uusapan ito. Biglang sumeryoso ang mukha ni Treyton. His eyes began to spark with desire. "And what if I do Mrs. Sebastiano, will you play with me?" tila nang-aakit na tanong nito sa asawa. Lalong namula ang mukha ni Cassandra sa tinuran ng mister. Tinampal niya ito sa dibdib. "Perv!" Nangislap naman ang mga mata nito, "Perv pala ah! Sige patutunayan ko sayo!" Tuluyang sinalakay siya ng halik sa leeg ng asawa. Napatili ulit si Cassandra dahil malakas ang kiliti niya sa leeg. Nang magsawa ay bumaba ang mga halik nito sa balikat niya. "Don't you know that I find your collarbones so sexy," he whispered in between his kisses. His hot breath fanning her sensitive neck line. Napalitan ng init ang kaninang kiliti na nararamdaman ni Cassandra. She's always like this. Kaunting tudyo lang ng asawa bumibigay kaagad siya. Unti-unting nabuhay ang katawan niya. Dinaklot niya ang malambot na buhok nito saka niya hinila nang bahagya ang ulo nito palayo sa leeg niya. Nagtatakang tiningnan siya nito sa mata. Pinaningkitan naman niya ito, "Treyton Sebastiano, you should take responsibility for what you've done to me." Malapad na ngumiti ang asawa dahil sa sinabi niya. "With pleasure my love," puno ng pagmamahal na pahayag nito. At buong puso niyang siniil ng halik ang kabiyak. ********************************************************************* "Doc Trey, Doc Trey, pinapatawag po kayo sa ER," anang tinig na nagpabalikwas kay Treyton. "That dream again," napapikit ng mariin ang binata. Sinipat niya ang relo. Alas kwatro na ng hapon. Yung balak niyang 30 minutes nap lang sana ay inabot ng halos dalawang oras. "Doc Trey, tawag po kayo ni Doc Marquez sa ER," muling pukaw sa kanya ng isang intern na inutusan upang tawagin siya. He is now a fellow at Sebastiano Medical Center na pag-aari ng kanilang pamilya. Both his grandparents are doctor. His dad is an orthopedic doctor while his mom is an OB. Lima silang magkakapatid na pawang mga nasa larangan din ng medisina. Agad niyang isinuot ang kanyang gown at lumabas mula sa dosctor's quarters. Sumunod naman ang intern na gumising sa kanya. "What's do we have?" tanong niya dito habang naglalakad sila papuntang elevator. Nasa third floor ang kinaroroonan ng quarters para sa mga doctor. "Doc we have a female, 23, MVA with concussion," mabilis na sagot naman nito. Inayos niya ang buhok na nagusot dahil sa pagkakahiga. Isinuot niya ang salamin na kinuha niya mula sa bulsa ng suot niyang gown. Treyton checked his phone. Total of 6 missed calls. 3 from Javier. 2 from his mom. 1 from his sister. He gently bent his head from left to right. He’s supposed to be out by 6 pm pero mukhang matatagalan bago siya makaalis. “There you are!” wika ni Javier nang makita siya nitong palapit. “What do you need me here for?” salubong niya dito. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan pa siyang ipatawag nito. Mukhang nalapatan naman na ng lunas at stable na ang lagay ng pasyente na dahilan upang ipahanap pa siya nito. Hindi nito pinansin ang pagsusungit niya. Hinila siya nito patungo sa isang bed kung saan nakahiga ang isang babae. May plaster sa kaliwang bahagi ng noo niyo at may bahid ng dugo ang suot nitong damit. Inginuso ni Javier ang babaeng walang malay na nakahiga. “She seems fine to me.” Pinsadahan niya ito ng tingin. Maputi ang bilugang mukha nito. Meron itong mapipilantik na pilik mata at mapupulang mga labi. Balingkinitan ang katawan nito. Mukhang itong college student sa itsura nito. Kung hindi siya nagkakamali ay may taas itong 5’4. “That’s not what I meant!” tila napipikong sabi ng kaibigan. “Then what?” “Can’t you remember her?” pinanlakihan siya nito ng mata. "Do I have to?" “Of course, you should! She has Cassie’s heart you j**k!” nanggigigil na sabi nito sa kanya. Natigilan ang binata sa narinig. Mariin niyang muling pinakatitigan ang babae. He suddenly felt strange while looking at her. There inside her is a piece of his late wife's life. Naalala niya ang naging panaginip. Tila may bikig na bumara sa lalamunan ni Treyton. Was it a sign from her? What is he supposed to do? To be continued...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook