BLAKE “Gusto n’yo po ba ng Massage Service, mga Sir? Two hours?” Kaagad na saad ng receptionist sa amin. Nagkatinginan kami ni Alfred. Alam kong iiwasan ng kasama ko ang mga masahista dahil kahit na basag at madumi ang pananalita nito ay tapat siya sa kanyang asawa. Ayoko ko rin namang ipasubo ang sarili ko dahil kahit na pinag-aagawan ako ng mga kababaihan ay wala pa talaga akong aktwal na ikinama sa buong buhay ko. Pero sa dami na ng mga napanood kong malalaswa ay kabisado ko ang mga ganitong uri ng negosyo. “Miss, saglit lang. Give us a moment. Yosi lang muna kami.” Tugon ko sa babaeng trabahador at paakbay kong isinama sa labas si Alfred. Paglabas namin sa parking area ay kaagad akong tinanong ng aking Sargeant. “Ano’ng plano, Boss? Nakita mo ‘yung receptionist? Kung tama ang inii

