Chapter 4: Taxi Again

1592 Words
BLAKE “Boss, tayo ka nga dyan!” Paimpit na bulong ni Alfred sa akin sabay hila sa damit ko pataas. Hindi ko namalayan na napaupo ako sa gilid ng pintuan nang lumuhod ang magandang babae sa harapan ng galit na nagngangalang Mrs. Anastacia Wong. Sa labis na pag-alala ko ay naigiya ko ang aking kamay na para bang sasaluhin ko siya ngunit ang problema ay malayo ako sa kanya at hindi ako maaaring sumabat sa kaso ng ibang pulis. “Ano’ng ginagawa mo? Para kang palaka.” Sinapok ko ang ulo ni Sargeant Alfred at nairita ako sa kanyang sinabi. “Gago! Huwag kang maingay!” Mahinang bulyaw ko sa kanya. “….Ikakama ko ang babaeng gusto ko, papakasalan ko ang babaeng gusto kong maging asawa, at lalayas ako sa pamamahay mo! Malinaw???” Galit na sigaw ng Chinoy na lalaki sa kanyang ina. “Huh?” Nagtatakang sambit ni Alfred. Nagkatinginan kami ng aking kaibigan at parehong nagsalubong ang mga kilay. Nagtaka rin ako kung bakit ganoon ang sinabi ng lalaki. Ang buong akala ko ay girlfriend niya ang magandang babae na sinakay ko kanina pero nalito ako bigla sa binitawang salita nito. Sa huli ay na-settle naman ang kanilang alitan at humingi ng paumanhin ang Tsinoy na lalaki sa nangyari. Umuwi na ang mag-ina at nagpasalamat ang magandang babae sa mga pulis. Paglabas niya sa istasyon ay narinig kong nagkabulungan ang mga pulis na kumausap sa kanila. “Tang*na ‘pre. Kita mo ‘yun? Ang gandang babae!” “Oo ‘pre! Ang sexy pa! Hindi ako maka-concentrate kanina at napapatingin ako sa cleavage niya pre! Ang kinis!” Napailing na lang ako. Kaya minsan eh nababansagan kaming, ‘basta pulis, manyakis,’ dahil sa iilang mga kasama naming ganito ang pag-aasal. Tumulak ako palabas para sundan ang babae pero hinila na naman ni Alfred ang damit ko. “Oh—Oh. Saan ka na naman pupunta?” Kinagat ko ang ibabang labi ko at huminga ng malalim. Nanggigigil na talaga ako sa isang ‘to. Humarap ako sa kanya at kinausap ko ng masinsinan. “Sargeant Cruz, nababakla ka na ba sa akin? Kanina mo pa ako pinipigilan, eh kung sikuhin ko kaya ang nguso mo.” Mabilis na itinaas ni Alfred ang dalawa niyang kamay na parang sumusuko. “Ang hot naman ni Lieutenant! Chill ka lang, ‘to naman.” Inismiran ko siya at itinuloy ko ang paglabas ko sa istasyon. Bago ko naisara ang pintuan ay narinig ko pang nagsalita si Alfred. “Nababakla daw… Ako kaya ang may-asawa, ikaw ang wala! Baklang ‘to! Che!” Pahabol niyang sigaw sa akin. Napangisi ako sa kanyang sinabi. Minsan kinukukwestyon ko ang aking sarili kung bakit ako nag-pulis. Puro may mga saltik ang nakapaligid sa akin. Hinalughog ko sa aking mga mata ang kalsada pero hindi ko na mahanap ang magandang dilag na naka-pulang dress. Nakita kong tumatakbo si Mr. Wong at siya ang sinundan ko. Bigla akong napatago sa puno nang matagpuan ko silang pareho ni Miss Beautiful na nakatayo at magkaharap. “…Sir! Sobrang laki po! Bawasan mo. Twenty-kiyaw lang ang kasunduan natin—” “Utang ko sayo ang kalayaan ko, Miss. Walang katumbas na pera ang tulong na ginawa mo sa akin. Pumayag na si Mama na makasal kami ng aking kasintahan. Tatanawin ko itong malaking utang na loob.” Napatakip ako ng bibig sa aking narinig. Sh*t! Wait, are you telling me they’re not really together? He just paid her to act like his girlfriend? Man, what the f*ck! Hindi ko alam kung bakit biglang sumaya ang puso ko. --- Sa dami ng aming ginawa ngayong araw ay pasado alas-kuwatro na ng hapon ako nakapagpananghalian. Normal na sa buhay naming mga pulis ang malipasan ng gutom dahil sa nature ng aming trabaho. Pero kahit na gutom na ako ay lumilipad pa rin ang utak ko habang sinusubo ko ang pagkain. Ipinaling ko ang aking ulo patagilid dahil hindi ko makuhang burahin ang mukha ng babaeng iyon sa aking isipan. Hindi ko alam kung nagagandahan ba talaga ako sa kanya, nahihiwagaan sa kanyang trabaho, o sadyang nagayuma lang. Naputol lang aking pag-iisip nang marinig ko ang boses ni Major Villalon. “Cruz, ikaw muna ang magmatyag hanggang alas-sais ha?” “Ha? Boss bakit ako? Hinihintay na ako ng asawa’t anak ko boss! Iba na lang.” Tutol ni Alfred kay Major Villalon. Ibinaling sa akin ng boss ko ang kanyang mga mata at wala akong nagawa kung hindi ang kumamot na lang ng batok. Sige na. Ako na ang single. Ako na ang maraming time. “Copy, boss.” Walang gana kong sabi sa kanya. Ngumisi si Major Villalon at tumango. “Mag-asawa ka na kasi. Anyway, ingat.” Tugon nito at iniwan ako sa mesa. Tinakpan ko na lang ulit ang tinake out kong pagkain at nagtanggal ng uniform. We are generally not allowed to wear civilian clothes during official duties, especially when we are on rounds or conducting operations. Pero dahil tapos naman na ang shift ko at pagkakawanggawa na lang ang gagawin kong ito ay ayos lang na magmatyag gamit ang sarili kong sasakyan at damit. --- Laking pasasalamat ko nang umabot ako ng alas-sais ng gabi ng walang anumang aberya ang naganap sa binisita kong mga lugar. Uuwi na sana ako sa bahay nang makakita ako ng lomihan sa may tabi ng kalsada. Bitin ang pagkain ko kanina kaya pumarada ako doon para kumain. “Nay, isang order nga po.” Masigla kong sambit sa tindera. “Susmaryosep! Marunong kang managalog, iho?” Gulat na sagot ng tindera sa akin. Sumulyap ako sa mga kumakaing estudyante at nakita ko kung paano sila kiligin nang masilayan nila ako. Sanay naman na ako sa ganitong klase ng atensyon dahil bata pa lang ako ay marami na ang humahanga sa akin. Hindi rin naman nakapagtataka kung magulat man ang nagtitinda sa pagta-Tagalog ko sapagkat saan ka makakakita ng isang six-footer na lalaking may natural na light-brown na kulay ng buhok at bughaw na mga mata na ganoon katatas magsalita ng lenggwaheng Pinoy? Ako lang. Pagkabigay sa akin ng ale sa aking lomi ay umupo ako sa isang bakanteng mesa sa dulo ng kanyang puwesto. Open ang kainan dahil nasa tabi lang kami ng kalsada at natatanaw ko ang lahat ng dumadaan. Ngunit habang nilalasap ko ang mainit na sabaw ng kinakain ko ay may natanaw akong babae na bumaba sa isang taxi sa ‘di kalayuan. Nakuha niya ang aking atensyon dahil nakasuot ito ng pulang dress. Ibinaba ko ang aking kutsara at dahan-dahang tumayo para sipating mabuti kung siya nga ang babaeng iniisip ko. Niliitan ko ang aking mga mata para mapagmasdan siya ng maayos pero sadyang madilim na ang paligid at nakita ko na lamang siyang pumasok sa gate ng kanilang bahay. Uupo na sana ako nang biglang kumalampag ng malakas ang gate na pinasukan ng babae. Nagulat kaming lahat ng mga kumakain at napatingin kami doon. “Naku, si Mang Gener! Hindi na nagbago! Kawawa talaga ang mga anak niya sa kanya!” Sambit ng isang babaeng kumakain. “Ke-gaganda pa man din ng kanyang mga ampon! Ke-sisipag pa!” Tugon naman ng isa. Lumingon ulit ako sa babaeng naka-pulang damit at tinatangan na siya ng isa pang babae. “B—Bumalik kayo di—to! Mga walang utang na loob! Palamunin na nga kayo dito shhhaaa bahay, hindi n’yo pa ako mapagshhhiilll—bihan!” Dumadagundong na sigaw ng lalaki. Dahan-dahan akong lumapit sa kinaroroonan ng gulo dahil nararamdaman kong parang lasing ang lalaking humahabol sa kanila. “Lara, ano ba?! Tara na!” Sabi ng mas nakakatanda sa nakapulang dress na babae. “Ate, wait lang!” Sigaw naman nito at binalikan ang lalaki. Lumabas ang tinatawag nilang Mang Gener sa gate na gumegewang-gewang. Dinuro niya ang tatlong babae at pinagsalitaan ng masama. “Mga p*ttttangina n’yo! Wala kayong shhh—shilbi! Nagsshhipagtapos kayo ng pag-aaral pero—nasshaan ang pera!!! Walaaa!!” Bumunot ng sobre ang nakapulang babae sa kanyang bag at hinagis niya sa harapan nung Mang Gener. “Ayan! Babayaran ka namin ulit sa susunod! Basta huwag mo lang kaming sasaktan!” Nanginginig na boses na tugon ng babae. Nanlaki ang aking mga mata. Hindi ako puwedeng magkamali! Boses ‘yun ng babae sa opisina namin! At bakit sasaktan??? Sinasaktan ba sila ng kanilang itay??? Kusang gumalaw ang aking mga paa at napatakbo ako palapit sa aking kotse. Kailangan ko silang mailayo doon! Pinaandaar ko kaagad ang kotse ko at ipinarada ko sa harapan ng kanilang gate. Isinuot ko ulit ang aking shades at cap bago ako bumaba ng sasakyan. Akmang dadaklutin na nung Mang Gener ang damit ng pinakabata sa tatlong babae nang mabilis kong kinwelyuhan ang lalaki at hinila pataas. Gulat na gulat naman ang mga babae sa biglaan kong pagsulpot sa gitna ng kaguluhan nila. Sinulyapan ko ang naka-pulang dress at napagtanto kong siya nga ang babaeng maganda na sumakay sa akin kanina. Naghahalo ang pagkagitla at takot sa kanyang mga mata at nahabag ako sa aking nakita. Walang kaabog-abog ay hinagis ko papasok ng gate ang lalaking lasing na nananakit sa kanila at napatalon naman ang mga babaeng sa tingin ko ay magkakapatid. Hawak-hawak nila ang mga kamay ng isa’t isa at napaurong palayo sa akin. Nataranta naman ako sa kanilang ikinilos at hindi ko malaman kung ano ang sasabihin ko. “T-Taxi?” Bigla kong nasambit. What the f*ck did I just say? Taxi again? Am I seriously going to be an official taxi driver now?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD