Chapter 5: Love at First Sight

1509 Words
LARA Sa sobrang kaba namin sa aming itay ay napasakay kaming lahat sa kotse ni Manong Driver. Galit na galit na tumayo ang ama-amin namin nang ihagis siya ng makisig na driver na ito sa loob ng gate. Mabuti na lamang at matulin ang pagmamaneho ng aming nasakyan at hindi na kami nahabol pa ng mapanakit naming tumatayong magulang. "Magkano ang ibinigay mo sa kanya?" Humihingal sa galit na tanong sa akin ni Ate Lena. "Ate, huwag mo nang intindihin iyon. Ang mahalaga ay nakatakas tayo ngayon--" "Lara! Namimihasa na siya! Alam kong malaki ang utang na loob natin sa kanya dahil kinupkop niya tayo kahit wala na si inay pero hindi rin tayo nagkukulang sa kanya! Napakalaki ng responsibilidad natin sa pamamahay na iyon! Inaako natin ang lahat ng gastusin, Lara! Magtira ka naman para sa sarili mo!" Kinamot ko ang noo ko. Ang hirap talagang pakalmahin ng panganay namin kapag sinumpong. "Ate... Okay lang. Ang importante ay-- Ayyyy!" Sigaw ko. Napahawak ako sa dashboard. Pumreno ang driver ng taxi at ipinarada niya ang kanyang sasakyan sa gilid ng kalsada. Tumigil kami ni ate sa pagsasalita at napatingin sa kanya. "E—Excuse me po." Namamalat na boses niyang sabi at inaabot niya ang seatbelt ng dalawa kong kapatid sa passenger seat. Natulala ang aking ate. Biglang nawala ang umuusok niyang ekspresyon sa mukha at napatitig kay Manong Driver. Itinuro ng driver ang seatbelt sa likod ng kotse at mabilis namang kumilos ang dalawa kong kapatid para isukbit ang mga ito sa kanilang mga katawan. Pagkatapos ay muling nilingon ng driver ang daan at inayos ang pagkakapatong suot niyang shades sa kanyang ilong. Pinaandar niya ulit ang sasakyan at nagpatuloy sa pagmamaneho. Muli kong sinulyapan ang aking mga kapatid na dahan-dahang tumagilid ang katawan para masipat ng maayos si Manong Driver. Minulagatan ko silang pareho at biglang umayos ng upo. “Bakit sila natulala sa driver na ito?” Nagtataka kong tanong sa aking sarili. Dahil na-curious ako ay ako naman ang sumulyap kay Manong Driver. Nagkasalubong ang aming mga mata pero mabilis niyang iniwas ang kanya. Hindi ko naman siya mamukhaan masyado dahil sa dilim ng gabi at nakasuot pa rin ito ng shades at cap. Parang timang lang. Ngunit kahit na ganoon ay napansin kong may dimples ito nang mapalunok siyang napatingin sa akin. Matangos ang ilong, makinis ang balat, malinis at mukhang mabango. Pero ang lubos na nakakamangha sa kanya ay ang kanyang bibiluging balikat at makapal na braso. Napalunok din ako nang mapako ang mga mata ko sa kabuuan ng kamay niya. Nakahawak siya sa manibela at napansin ko ang makapal na linya ng kanyang triceps. Bumaba ang paningin ko sa kanyang katawan. Medyo napanganga ako sa bukol na nakabakat sa hapit niyang pantalon. Kitang-kita ko ang mahabang linya na naka-arko paitaas. Mahaba ang bulas ni Manong Driver at malalapad din ang hita. Hindi ako makapaniwalang Grab Driver ang lalaking ito. "Hoy! Saan daw tayo?" Kalabit sa akin ni ate Lena. Doon lamang ako nahimasmasan at napatingin kay ate. Ngumisi ang dalawa kong kapatid at alam kong namula ang mukha ko dahil nahuli nila akong nakatitig sa bandang ibaba ng katawan ni Manong Driver. "Ah--ano, dalhin mo kami sa--sa pinakamalapit at disenteng hotel." Nabubulol kong sagot. Muli akong sumulyap sa lalaking ito. Pabalik-balik ng mabilis ang kanyang tingin sa akin at tumango. Iniwas ko ang aking mga mata at tumingin sa bintana. "Bakit pa kasi siya nakasalamin? Na-curious tuloy ako sa hitsura niya." Bulong ko sa aking sarili. --- BLAKE Kahit na nanggigigil ako sa sarili ko dahil una, hindi ko nakain ang lomi ko at pangalawa, taxi driver na naman ako, ay hindi naman ako nagsisisi dahil muli kong naisakay si Miss Beautiful. Sa sagutan nilang magkapatid ay napag-alaman ko kung anong klaseng environment mayroon sila sa kanilang inuuwiang tahanan. May abusive silang stepfather, nakatira sa mahirap na lugar at babae silang lahat na magkakapatid. Pinipigilan ko ang aking sarili na tumingin sa kanya ngunit tinutukso ako ng cleavage niya. Umaalog ang s*so niya sa tuwing pumepreno ako at kusang napapabalikid ang mga mata ko sa mga hinaharap niya. Parang mga gelatin sa lambot kung gumalaw ang mga ito. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang kanyang kurbadang balakang. Kahit na nakaupo ito ay kapansin-pansin pa rin ang hulma ng kanyang katawan. Napadako ako sa kanyang mga legs. Nangingibabaw sa kaputian ang kanyang kutis kahit na madilim na ang loob ng kotse. Marahil ay dahil nakasuot ito ng pulang dress. Naramdaman ko ang pagpintig ng aking batuta at kinabahan ako. Hindi ako puwedeng tigasan ngayon sapagkat hindi pangkaraniwan ang haba ng sandata ko. Tiyak na babakat ito sa aking pantalon kapag tinablan ako ng libog. Kahit sa lakas ng aircon ng aking kotse ay gumuhit pa rin ang pawis ko sa aking likuran. "Sh*t! Hindi puwede ito!" Sigaw ng aking utak. Sumulyap ako sa kanyang mukha para i-check kung napansin niya ang pasimpleng mga pagtitig ko sa kanya. Ngunit laking gulat ko nang magkasalubong ang aming mga mata. "F*ck! Am I caught?" Tarantang sigaw ng isip ko. Napapreno ako bigla at itinabi ko ang kotse sa gilid ng kalsada. P*tangina, Blake. Lalo mo lang silang binigyan ng pagkakataong tumingin sayo! Sa taranta ko ay bigla akong lumingon sa likuran para iwasan ang mga mata ng magandang dilag sa tabi ko. Mabuti na lamang at napansin ko kaagad na hindi naka-seatbelt ang dalawa niyang kapatid. "E-Excuse me." Sambit ko at hindi ko na naituloy pa ang aking nais na sabihin. Itinuro ko na lamang ang seatbelt sa kanila para imungkahing ilibot ito sa kanilang mga katawan. Mabuti na lamang at nakuha nila ang nais kong ipakahulugan at sinunod nila ako. But it felt like I only put myself in an even more awkward spot. They noticed me, and their stares clung to me, unrelenting. It was as if I had a stiff neck, unable to look anywhere else but straight ahead at the road. "S--Saan po tayo, Ma'am?" Nasabi ko na lang. Sumulyap ako ng mabilis kay Miss Beautiful pero nakapako ang kanyang mga mata sa bandang ibaba ko. Lumingon ako sa kalsada at bumalik ulit sa kanya. "Ma'am?" Muli kong tanong kay Miss Beautiful. "Hoy! Saan daw tayo?" Saad ng nakakatanda niyang kapatid. Doon lamang siya bumalik sa katinuan at napasagot sa akin. Napalunok ako. Tinitignan ba niya ang kargada ko? Nabighani ba siya sa akin? "Imposible, Blake. Sa ganda ng babaeng ito ay malayong magkagusto siya sayo." Wika ng puso ko. --- Nang marating na namin ang hotel ay lumingon ulit ako sa aking katabi. Napaturo siya sa dashboard at ako naman ay lumingon doon. F*ck! Wala nga pala akong taximeter! Yari na naman ako nito. "Hindi pa rin ba gawa ang taximeter mo?" Tanong niya sa akin. Napanganga ako. Wait, natandaan ba niya ako sa nangyari sa amin kaninang umaga? "Huh? Kilala mo siya, ate?" Tanong ng bunso niyang kapatid sa kanya. Natawa si Miss Beautiful at hinawi ang kanyang buhok. Pagkatapos ay bumunot siya ng 300.00 sa kanyang bag. "Manong Pogi, heto na lang po. Pasensya ka na at medyo gipit kami. Sorry ha." Sagot nito. Tatanggihan ko sana ito dahil hindi naman ako totoong taxi driver. Gusto ko ring makatulong sa kanila sapagkat sa lagay ng kanilang diskusyon kanina ay nahihirapan talaga siya sa buhay. Pero hindi ko puwedeng gawin ito at baka maghinala siya na hindi ako totoong Grab taxi driver. But still, she remembered me, and that was a big deal. It means there’s hope—hope that our paths might cross again, that I might see her once more and offer her a ride. She now knows me not just as a stranger, but as someone familiar, a taxi driver. That recognition opens up the possibility of another connection, another moment shared on the road. Dahil sa aminin ko man at hindi, nabighani ako ng babaeng ito. Pagkabigay niya sa kanyang bayad ay kaagad ko itong pinatong sa dashboard. Patakbo akong lumabas ng kotse para pagbuksan siya ng pinto. Nabigla siya sa ginawa ko at bumaba siyang nakatitig sa akin. Pareho kaming natigil sa harapan ng pintuan. Humangin sa pagitan namin na para bang nakibagay ang paligid sa aming pagsisikap na magkakilanlan. "Lara, tara na." Sabat ng kanilang panganay. Napalingon siya sa kanyang kapatid at ngumiting nagpaalam sa akin. "Manong, ingat ka sa byahe. Yung taximeter mo ayusin mo na, ha? Nalulugi ka sa ginagawa mo." Wika niya at iwinagayway niya ang kanyang kamay para magpaalam sa akin. Natameme na naman ako at walang nasabi. Hindi ko mawari kung bakit nahuhumaling ako sa kanya ng husto pero lalo akong nabighani sa kanyang ugali. Nakuha pa niya akong paalalahanin at ngitian sa kabila ng mapanganib na engkwentro niya kanina sa kanyang ama. Sumakay ako sa kotse. Hinimas ko ang aking dibdib dahil ang lakas talaga ng kabog ng puso ko. Ramdam ko din ang pagkislot ng t*ti ko na kanina pa kumakatok sa itaas ng pantalon ko para kumawala. "What the f*ck. This is the first time I felt something like this." Bulong ko sa aking sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD