Chapter 6: Tukso

1754 Words
LARA Mahimbing ang tulog ni Lira. Naaawa ako sa bunso namin dahil sa mura niyang edad ay nakikita na niya ang masaklap na pisngi ng buhay. Sinenyasan ko ang aking ate na lumabas muna kami saglit para makapag-usap. Bumaba kami sa harapan ng hotel. Bumili kami ng cup noodles para magkalaman ang tyan namin. Umupo kami sa mga mesa ng convenience store at doon kami nag-usap. "Magkano pa ba ang kulang, Lara?" Tanong niya sa akin. Hinipan ko ang mainit na sabaw sa kutsara at hinigop ko ito. Tumingala ako sa madilim na langit at nag-isip. "Ate, kung kumuha na lang kaya tayo ng mas maliit na bahay? Nakokonsensya na kasi ako dahil ang dami mo ng sakripisyo para sa amin ni Lira… Tumatanda ka na din kasi ate.” "Hoy, Lara. Hindi pa ako matanda, no! May asim pa ‘to. Tsaka hello, twenty thousand din ang binayad nating reservation doon. Sayang naman kung mauuwi lang sa wala ang pinaghirapan natin. Kaya nga nanggigil ako sayo kanina, eh. Kung maibato mo ang twenty kyaw kanina kay itay ay parang tumatae tayo ng pera. Kagigil kaaaa, naku!” Tumawa ako at tinapik ang kanyang likuran. “Hayaan mo na ate. Kung hindi natin ginawa iyon ay malamang, bugbog ka na naman sa kanya.” “Speaking of bugbog, ano na naman ‘yang sugat mo sa labi at kalmot? Sino’ng gumawa niyan sayo?” “Ha? Ah—Eh, wala ‘to ate. Nakamot ko lang ng ‘di ko napapansin.” Umismid si ate sa akin. Alam kong nagtatapang-tapangan lang siya at nagpapakita ng pagkainis pero ang totoo ay talagang nag-aalala siya sa kalagayan ko. Batid niya ang uri ng trabahong mayroon ako. Sa katunayan, siya ang nagiging susi sa tuwing nagkakaroon ako ng kliyente. Dahil siya ang tagapagbantay sa coffee shop kung saan ako nakikipag-meet sa mga posible kong maka-kontrata bilang temporary girlfriend nila ay siya rin mismo ang nagpapadala ng video sa akin para makita ko muna ang mga hitsura nila sa personal bago ko sila tuluyang i-meet. Ito ang aking nagiging paunang basehan namin kung nararapat ba itong kausapin o hindi. Dahil kahit na kapos kami sa pera, hindi ko puwedeng itaya sa alanganin ang buhay ko para lamang doon. Sanay kaming magdildil ng asin at hindi kami takot sa kahirapan. “Pero teka lang, Lara…” Sambit ni ate Lena habang nag-iisip. Sumubo ulit ako ng noodles bago ko siya sinagot. “Ano ‘yun, ate?” “Si itay. Actually, hindi siya kumalma sa pera kanina. Inawat lang siya ng… Oh My God! Sino ang Crispy Patang driver na iyon at bakit mo siya kilala???” Pangangang tanong ni ate. Tinakpan ko ang kanyang bibig dahil sa pagka-OA niyang mag-react. Naghablutan kami sa aking kamay at tsaka kami nagtawanan. “Ateee! Eskandalosa ka! Huwag kang maingay!” “Hoy! Babae ka! Sino ‘yung artistahing driver na iyon at bakit mo siya kilala? Parati ka bang sinasakay ‘nun? May number ka ba niya? Magtapat ka at nang masakal man lang kita ng 47 times!” “Hindi ko siya kilala, ate! Ano ba!” Tumayo si ate at kinurot ang aking tenga. Pinagpapalo ko naman ang kanyang kamay at tumakbo ako palayo sa kanya habang tumatawa. “Babae ka. Okay lang naman sa akin na makipag-relasyon ka, pero ipahiram mo muna siya sa akin ng isang gabi, hoy! Ipatikim mo muna!” “Yuck, ateee! Kadiri ka! Ni hindi mo nga nakita ang hitsura! Naka-cap at shades kahit gabi, parang timang!” “Bumalik ka dito, Lara Garcia!” Umikot ako sa mesa na para kaming nagpapatintero. “Hoy, huwag kang mapagpanggap. Nakita ko kanina kung paano suyurin ng mga mata mo ang katawan niya! My God, nakita mo ang braso niya? Ang laki! Parang ang sarap magpasakal!” Natatarang sambit ni ate. Napatakip ako ng mga mata sa hiya dahil sa kadaldalan niya. Ako na mismo ang lumapit sa kanya at nagpasakal para tumigil na siya. “Ate Lenaaa! Jusko, ang daming nakakarinig sa atin! Tumigil ka naaa!” Paimpit kong tugon sa kanya. Tumigil sa pagtakbo si ate at umupo. Pagkatapos ay nagningnig ang kanyang mga mata na nakatingin sa langit. “Nakita mo ba ang mga daliri niya? Ang hahaba, beh! Diba doon nasusukat ang kanyang--ahhhh!” Malanding sigaw ni ate. Kulang na lang ay itapon ko ang sabaw ng noodles sa mukha niya sa sobrang hiya ko sa mga tao! --- BLAKE Dumaan ako sa sari-sari store ni Aling Nena para bumili ng dalawang bote ng beer na pampatulog. At sa dinami-dami naman ng oras, na-tyempuhan ko pa ang pilya niyang anak na si Corazon. Patay na patay sa akin ang babaeng ito at kulang na lang ay ipakita niya sa akin ang kanyang hiyas para lamang mapapayag niya akong makipagtalik sa kanya. "Magandang gabi, pogi!" Masaya nitong bati sa akin. Nginitian ko na lang siya dahil alam kong kapag sumagot ako ay tiyak na mapapahaba na naman ang aming kwentuhan. "The usual, Cora." Matipid kong sabi sa kanya. "Ah. Oh sige saglit lang." Sagot naman nito. Binuksan niya ang ref at tumuwad sa aking harapan. Sa iksi ng kanyang suot na shorts ay lumantad sa akin ang kalahating pisngi ng kanyang matambok na puwit na alam kong sinadya niyang gawin para maakit ako. Napabaling na lang ako sa kalsada para iwasan ang kanyang panunukso. "The hell. Kung kelan naman buhay ang jun-jun ko dahil doon kay Ma'am Lara, tsaka ko nakita ang babaeng ito. Baka bumigay ako sa lagay na ito." Mutawi ko sa aking sarili. "Mamang hot na pulis, heto na ang beer mo." Mapang-akit nitong sabi. Binuksan niya ang maliit na parisukat na butas sa kanilang tindahan at hinintay ko siyang iabot ang mga bote. Ngunit bago niya ito inilabas ay ibinaba niya muna ang isa at kinaskas sa nakaumbok niyang zipper at dinilaan ang takip ng isa pa. Napasinghap ako sa kanyang ginawa. Tinatablan talaga ako sa mapang-akit niyang kilos. "Wala si Nanay, pogi. Ako lang mag-isa ngayon." Wika niya. Napalunok ako. Tumingin ako sa kalsada at baka may makarinig sa kanya. "Cora, akin na. Gabi na." Sagot ko naman. Ipinasok ko ang aking kamay sa butas pero bigla akong nangilabot nang umupo siya at isinubo ang aking hintuturo. Para akong nakintal at binawi ko ng mabilis ang aking kamay. "Sarap! Hahaha!" Wika niya at inilabas na niya ang mga bote. "Keep the change." Daglian kong tugon. Hinablot ko agad ang dalawang bote at hinagis ko ang P150.00 sa butas tsaka ako naglakad pabalik ng kotse. Pag-upo ko sa loob ay piniga ko ang ulo ng aking alaga. "That woman! Tyinempo pa talaga sa libog ko!" Sambit ko at hinila-hila ko ang damit ko para paypayan ang nakapaloob kong katawan. Kung hindi lang ako pulis ay nilagok ko na ang isa kong biniling beer habang nagmamaneho sa libog ko ngayong gabi. --- LARA "Parang too good to be true." Bulong sa akin ni ate Lena. "Hmmm." Tugon ko sa kanya. Tinitignan namin ang information sheet ng isang lalaking nag-email sa akin. Mayroon akong f*******: Page na may profile name na 'Girlfriend for Hire' at nakalagay doon na kung sino man ang may nais na mag-avail sa service ko ay kailangan nilang i-download ang form at isend ito sa email address na nakalagay sa post ko. Wala akong nakalagay na larawan sa account ko na ito. Puro mga testimonials lang ng aking mga naging costumers ang naka-post sa aking Page para maiparating sa mga mambabasa na legit akong makipag-kontrata sa mga kliyente. Pinasadahan ko ang data ni Jeremy Dominguez—30 years old, bachelor. Training Manager sa isang reputable BPO company sa Maynila pero umuuwi sa ancestral house nila sa Malolos tuwing weekend. Lima silang magkakapatid at siya lang ang lalaki. Four sisters and a wedding ang peg ng mga ito. Binasa ko ang rason kung bakit niya ako nais na rentahan. Ang tanging nakalagay lang doon ay "meet me so I can tell you my story." Tumingin ako kay ate. Naka-pout si ate at naniningkit. "Stalk mo nga ang f*******: account niya." Utos nito sa akin. Lumipat kami sa f*******: at nakita namin ang kanyang pangalan. Hindi naman nakalock ang kanyang account pero very limited ang bilang ng kanyang mga larawan. "In fairness, beh. May hitsura si client." Nae-excite na sambit ni ate. Maputi si Sir Jeremy. Walang bakas ng pimples ang mukha at maiksi ang gupit ng buhok. Siguro ay dahil ito sa kanyang trabaho. Matangos ang ilong at makapal ang tubo ng kilay. Pero bakit siya nagha-hire ng girlfriend? "Parang may mali, ate beh. Kung ganyan ako kapogi, tatambay lang ako sa bar at siguradong may mauuwi na akong babae." Sagot ko kay ate. "Baka naman 'yan na ang hinihintay mo, beh. Baka siya na si Mr. Right." Mapanuksong tugon naman ni ate Lena na may kasama pang paggalaw ng puwit. Inirapan ko siya ng nakatawa. "Baka beki ito ate." Nakangiti kong sabi sa kanya. “Gaga! Eh ‘di dapat hindi ikaw ang kinontak niya.” Tumatawang sagot naman ni ate. Tumango ako. “Hmmm. Ano, makikipag-meet na ba ako bukas?” “Huwag muna. Tanung-tanungin mo muna para makasigurado.” Bigla akong hinikab sa gitna ng aming pag-uusap ni ate. Sumulyap ako sa relo at pasado alas-onse na pala ng gabi. Nahawa si ate sa akin at isinara niya ang laptop. Humiga kami sa tabi ni Lira. “Ate.” Tawag ko sa kanya. “Oh?” Sagot naman nito. “Paano tayo bukas?” Ilang segundo din ang lumipas bago siya nakasagot sa akin. “Umuwi na lang kayo ni Lira ng mga bandang alas-diyes ng umaga. Nakaalis na si itay ‘nun. Ayus-ayusin n’yo na ang ating mga gamit para minsanan na lang ang pagbitbit natin sa oras na mabuo natin ang down payment doon sa bahay.” Pinisil ko ang aking mga mata. “…Kaya ba talaga nating iwanan si itay?” Tanong ko. Lumingon sa akin si ate Lena. Hinaplos niya ang pisngi ko at nginitian ako. “Lara, napaka-swerte ng magiging asawa mo balang araw. Napakaganda mo at napakabait. Kaya lang minsan, kailangan mo ring maging matigas. Wala tayong mapapala kung mananatili tayo sa puder niya, Lara. Kawawa kayong dalawa ni Lira… Kaya makinig ka sa ate mo, ha? Lalayo tayo sa lugar na iyon.” Tugon niya sa akin. Tumango ako at hinaplos ko ang kamay ng aking ate. Kahit na sumasang-ayon ako sa desisyon niya ay hindi ko pa rin maalis ang pag-aalala ko sa aming pangalawang itay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD