BLAKE
"Hahahahaha! Aanhin mo 'yang baseball bat, Angkol?"
Tawang-tawa ako kay Kuya Gimo, ang aming long-time caretaker sa biglaan niyang pagsilip sa pintuan ng gym sa aming bahay. Ipinagawa ito ng aming ama dahil lahat ng anak niya ay mga lalaki. Separadong gusali sa may kaliwa ng malawak naming lupain ang gym na ito. Talaga namang ipinagpapasalamatan ko ito dahil hindi na ako kailangan pang makipagsiksikan sa mga tao para makapagbuhat ng weights sa labas.
Gulat na gulat si Mang Gimo nang makita niya akong pawisan sa loob ng gym. Sa gigil niya sa akin ay muntikan na niya akong paluin sa ulo.
"Tang*na kang bata ka! Mapapaaga ang field trip ko sa langit sa atake sa puso!" Sigaw nito.
Ibinaba ko ang mga dumb bells sa EVA foams ng gym at napayukot sa kakatawa.
"Bakit ka kasi gulat na gulat? May rambulan ba?"
"Gago ka ba? Kung ikaw kaya ang makirinig ng sigaw ng babae dito ng alas-kuwatro ng madaling araw, baka di lang pamalo ang dadalhin mo, rosaryo pa!"
Mangiyak-ngiyak ako sa kakatawa sa maputla niyang mukha.
"Alam mo namang naggygym ako ng ganitong oras dito!" Natatawa kong sagot sa kanya.
"Naggygym, oo. Pero ang dalhin mo ang hilig mo ng panonood ng porn, hindi! Kaya pala umaabot hanggang dito ang amoy ng t***d--"
"Huy, Angkol OA ka. Hindi ako nagjajakol dito!"
"Ano'ng hindi? Amoy Zonrox kaya ang gym!"
"Paanong hindi mangangamoy disinfectant eh Clorox yata ang panglinis mo."
"Ah ganun. Pasensya na po ha, Supremo. Dumidikit po kasi ang pawis mo sa mga upuan kasi ang hilig mo pong magbuhat ng walang damit. Idadagdag mo pa yang almusal mong panonood ng porn kaya ka lalong pinagpapawisan. Mag-asawa ka na kasi. Pudpod na yang palad mo sa kaka-tikol mo, Mr. Virgin."
Tumayo ako kaagad at ipinagtanggol ang aking sarili.
"Hindi ako, virgin! Kailangan ko pa bang ipakita sayo kapag nagdadala ako ng babae dito sa bahay?"
"Huuu! Kilala kita, Blake. Kung gaano kahaba ang t*ti mo, ganoon kaiksi ang buntot mo pagdating sa babae. Kaya imposible yang sinasabi mo."
Hinagis ko sa kanya ang gloves ko dahil nabuwisit ako sa katotohanang sinabi niya.
"Kung makapagsalita ka parang nakita mo na t*ti ko, Angkol. Pero oo na, sige. Ako na ang torpe. Bully!" Pabiro kong sumbat sa kanya.
Tumawa naman si Manong Gimo at itinapon pabalik sa akin ang aking mga gloves.
"Wala kang matatago sa akin dahil ako ang nag-alaga sayo. Kaya alam ko ang size ng saba mo--"
"Haist, Angkol! Enough!" Sabat ko dahil namumula na talaga ako sa hiya hinggil sa laki ng alaga ko.
Tumalikod ako at ibinalik ang mga ginamit kong weights sa kanilang mga dating posisyon. Mukhang naramdaman naman nitong tumatayong pangalawang ama ko ang pananahimik ko at iniba niya ang usapan.
"Ano ba itong pinapanood mo at parang wasak ang kabibe ng babae kung makasigaw?"
"Pinay siya, Angkol. Eh, interracial s*x. Kaya parang nasasaktan siya sa kapareha niyang Black American."
"Paanong hindi mahihirapan si ineng eh kita mo ba yang ahas na bumabayo sa kanya? Kalahi ng size ng sayo--"
"Angkoooool!"
"Hahaha! Oo na. Labas na nga ako. Nalilibugan lang ako sa pinapanuod mo. Baka magkaanak na naman ako."
"Maawa ka kay ate Nimfa. Lima na anak n'yo!" Sigaw ko habang palabas siya ng gym.
"Magligpit ka dyan. Punasan mo ang pawis mo sa bangko. Kung magjajakol ka, doon ka na lang sa CR--"
"Angkoooool!!!"
"Hahaha! Hahaha!" Pahabol nitong tawa pagkasara niya sa pintuan.
Asar-talo talaga
---
LARA
Thank you so much, Miss Garcia. Rest assured, you'll be at the top of our list once we have a vacancy. At the moment, we’re hiring only for a saleslady role, and honestly, your qualifications go beyond what we’re looking for right now.
Umaalingawngaw sa tenga ko ang sinabi sa akin ng HR Manager sa inaplayan kong trabaho ngayong araw.
“Bakit ba napakahirap maghanap ng trabaho ngayon, ha?” Kausap ko sa aking sarili habang nakaupo ako sa plaza at kumakain ng fish ball.
Sinabi ko naman sa nag-interview sa akin na puwede akong maging saleslady at willing akong magsimula sa ibaba ngunit ang sabi niya sa akin ay sayang daw ang aking pinag-aralan.
“Mas sayang kaya ang panahon na ginugugol ko sa paghahanap ng trabaho. Aanhin ko itong diploma ko kung wala namang tumatanggap sa akin? Sa susunod, hindi na lang ako gagamit ng English.” Dagdag ko pang sambit sa aking sarili.
Huminga ako ng malalim. Iilang libo na lang ang natitira sa ibinigay sa akin ni Sir Allan pagkatapos kong ibigay ang dalawampung-libong piso kay itay kagabi. Hindi ko alam kung hanggang kailan pa tatagal ang laman ng pitaka ko lalo na’t malayo pa ang sahuran ni ate Lena at napupunta lang ang kanyang kita sa hinuhulugan naming bahay.
“Hay, Lara. Okay lang iyan. At least, tahimik ang buhay n’yo ng ilang linggo dahil supalpal na naman ang bibig ng itay n’yo. Huwag mong pagsisihan ang ibinigay mo kagabi sa kanya. Sa halip ay mag-isip ka ng paraan kung paano ka makakahanap ulit ng paraan para may pang-tapal ka sa gastusin sa mga susunod na araw.” Bulong ng aking isipan.
Pero paano? Papatusin ko na ba si Sir Jeremy? Ni hindi ko nga alam kung ano ang tunay na dahilan kung bakit siya nagre-request ng temporary girlfriend. Nakakatakot namang sumuong sa gusto niya ng wala man lang akong bitbit na kaalaman sa kanyang kuwento.
“Pero day, Training Manager siya. May hitsura. So hindi naman siguro siya dangerous?” Muli kong kausap sa aking sarili.
‘Yun na nga eh. Paano ako maniniwala na kailangan niya ng serbisyo ko kung ganoon ang kanyang katauhan? Sino’ng baliw na lalaki ang maghahanap ng babaeng magpapanggap bilang kanyang girlfriend kung may kaya naman sa buhay at guwapo?
“In short, baliw ‘yun.” Sigaw ng aking puso.
“Pero day, ano’ng gagawin mo? Tutunganga? Ayan na nga oh. Sine-serve na ang pagkain, hindi ka pa ba tutuka? Ano ka, rich kid?” Sagot naman ng utak ko.
Kinamot ko ang magkabilang panig ng aking buhok at para yatang mababaliw na ako sa takbo ng buhay ko.
“Bahala na.” Sagot ko sa aking sarili.
Sumubo ulit ako ng kikyam at ngumuya habang tinitignan ang f*******: messenger ng account kong ‘Girlfriend for Hire.’ Nakita ko na may bagong message sa akin si Sir Jeremy, dalawang minuto lang ang nakalilipas. Binuksan ko ito para basahin kung ano ang nais niyang sabihin.
Hello, Girlfriend For Hire.
Have you given further thought to my request? Please don’t worry—I am neither malicious nor a fraud. I’ve provided you with my full name and details about my workplace, fully prepared to put my credibility on the line to prove my sincerity. However, I hope you can respond to my request soon as my time is running out. Granting my request would mean a great deal to me. What’s at stake here is how my family will treat and regard me moving forward.
“Nge! Kasal yata ang hanap ng lalaking ito!” Malakas na kausap ko sa aking phone.
Pero naantig ang puso ko sa salitang ‘family.’ Mahina ako pagdating sa pamilya. Naramdaman ko na parang may hawig ang aming pag-uugali. Malakas ang kutob ko na baka katulad ko siya—handang magparaya para sa kapanakanan ng pamilya. Kung ano man ang koneksyon ng paghahanap nito ng girlfriend sa magiging pakikitungo ng kanyang pamilya sa kanya, tsaka ko lang ito malalaman kung papayag akong makipag-meet sa kanya. Isa pa, kailangan ko ng pera. Wala akong ibang mapagpipilian kundi ang subukang kapitan ang alok ng lalaking ito.
Sumubo ulit ako ng isa pang piraso ng fish ball bago ko sinagot ang kanyang mensahe.
“Thank you so much for reaching out to me, Sir Jeremy. However, I need to confirm if you’re aware that my services come with a corresponding fee.” Reply ko sa kanya.
Mabilis naman itong sumagot sa aking tugon.
“Yup. I am aware of that. Money is not a problem. Ang kailangan ko lang malaman ay kung papayag ka sa aking request. Maililigtas mo ang buhay ko sa kahihiyan, trust me.”
“Pero, Sir. Sa tono po ng mensahe ninyo ay para yatang pakakasalan ang hinahanap po ninyo, hindi temporary girlfriend.” Tugon ko sa kanya.
“Of course not. Wala akong balak magpakasal. It’s hard to explain why I need your service over sss Messenger. Please meet me so I can personally explain the reason to you.”
Napanguso ako sa sagot niya. Lalo lang akong nahiwagaan sa kanyang pagkatao. Tumango na lamang ako at nagdesisyong i-meet siya ngayong araw. Hindi naman ako masyadong kinakabahan dahil dating gawi lang naman ang gagawin ko—makikipag-meet ako sa kanya sa coffee shop na binabantayan ni ate Lena. Malawak at may open space ang Sprout Café kaya parati akong dito nakikipagkita sa aking mga kliyente. Isa pa, natutulungan ako ni ate Lena sa pagtatago ng aking identidad.
Sinabi ko sa kanya ang lugar at oras na available ako. Mabilis naman siyang tumugon sa aking mensahe.
“That’s great. Meet you at seven. See you. Thanks, Girlfriend for Hire.” Sagot nito sa akin.
Huminga ako ng malalim. Sa isip ko ay sana ligtas ako dito sa lalaking ito at wala ng mananakit ng pisikal sa akin.