LARA
“Sir Allan, no touching!” Paimpit kong babala sa aking kliyente.
“Alright! Alright! I’m sorry! I got carried away!” Tugon naman nito sa akin.
Kusa kong ibinaba ang puff sleeves ng aking dress at ibinalot ko ang aking sarili sa kumot. Ang sinumang papasok sa pintuan ng nirentahan naming kuwarto ng lalaking nag-hire sa akin bilang kanyang temporary girlfriend ay mapagkakamalan akong hubad dahil hanggang balikat ang nakatakip na kumot sa aking katawan. Iisipin talaga nilang kami ay nagtatalik dahil nakapatong ako sa kanya habang siya ay nakahiga at walang damit na pang-itaas.
But don’t get me wrong, wala kaming ginagawang anumang may malisya. Sa dinami-dami ng aking mga naging kliyente ay kailanman, hindi ako pumayag sa kanila na makipag-one-night stand. Hindi ako bayarang babae at malinis ang aking pagkatao. Hindi rin ako basta-basta lang kumukuha ng magre-renta sa akin. Kadalasan, pumapayag lang ako kapag may malalim na dahilan ang isang lalaki. Kahit na nangangailangan ako ng pera ay hindi ko isinusuko ang aking prinsipyo na tumulong din sa iba.
Si Sir Allan Wong ay isang Chinese-Filipino businessman na may striktong ina. Musmos pa lamang ito ay itinuring na siyang parang robot ng kanyang magulang. Ultimo pagkain, pati mga kaibigan, ang ina niya ang pumipili para sa kanya. Ilang beses na siyang hiniwalayan ng kanyang mga kasintahan noon dahil pilit na nakikialam ang kanyang ina. Ngunit iba ang kaso ngayon, nais na niyang pakasalan ang girlfriend niya ngunit natatakot ito na baka saktan ng kanyang nanay ang minamahal niya.
Pumayag ako sa kanyang alok dahil sanay naman ako sa pananakit ng aking ama. Isa pa, malaking pera ang ipinangako sa akin ni Sir Allan sakaling magtagumpay man kami sa aming plano.
May Find My App ang kanyang iPhone at alam niyang naka-trace ang bawat galaw at pupuntahan niya sa kanyang ina. Sinadya namin ang pumunta dito sa hotel resort upang magpahuli at nang malaman ng kanyang magulang na siya ay matanda na at mulat na nito sa makamundong pagnanasa. Dito na daw niya kokornerin ang kanyang ina upang tuluyan na niyang mabasag ang katahimikan niya sa ginagawa nito sa kanya.
Humawak ako sa tyan ni Sir Allan habang nakapatong ako sa kanyang katawan upang maitaas-baba ko ang aking sarili. Nararamdaman ko ang katigasan ng kanyang sandata sa loob ng kanyang pantalon dahil kumakaskas ito sa cycling shorts ko. Bumibigat ang bawat paghinga ni Sir Allan sa tuwing inuupuan ko siya. Pulang-pula na ang kanyang dibdib sa libog dahil sa aking ginagawa.
“M-Miss, p-puwede naman nating totohanin ito, babayaran kita ng malaki kung gus—”
“Sir Allan, huwag po kayong ganyan! Isipin mo ang girlfriend mo! Kung ngayon pa lang ay natutukso ka na, itigil na natin ito! Oo at batid mong kailangan ko ng pera pero sumang-ayon ako sa kasunduan natin dahil iniisip ko rin ang kapakanan ng kasintahan mo. Babae din ako, Sir Allan. Sana naiintindihan mo.” Mariin kong tutol sa kanyang iminungkahi.
Tumahimik naman ang aking kliyente at nakapag-isip ng maayos. Naramdaman ko din ang unti-unting paghupa ng katigasan ng kanyang alaga. Ngunit pareho kaming nanlaki ang mata nang may marinig kaming nagwawala sa hallway ng hotel.
Napalunok ako sa kaba. Alam kong ito na ang pinakahihintay naming pagkakataon pero hindi ko pa rin mapigilan ang takot sa maaaring mangyari sa akin sa tagpong ito. Hinawakan ni Sir Allan ang aking braso at tinitigan niya ako ng may paninindihan. Lumakas ang loob ko sa kanyang ginawa at naisip ko ang aking mga kapatid.
“Para sa pamilya.” Sigaw ng utak ko.
Pumikit ako at tumingala. Sinimulan ko nang upuan ang aking kliyente at umungol.
“Ohhhh! Allan! Ang laki ng t*ti mo! Ahhhh! Sumasagad talaga sa p*ke ko! Ahhh! Ahhh! Ahhh!”
Biglang bumukas ang pintuan. Hindi ako natinag sa aking ginagawa at lalo ko pang nilakasan ang aking halinghing.
Sinunggaban ako ng ina ni Sir Allan at sinabunutan ako.
“Walang hiya kang babae ka!!! Ano’ng karapatan mong angkinin ang anak ko!!! Malandi ka!!!” Sigaw nito.
Sinubukan kong tanggalin ang pananabunot niya sa akin ngunit matindi ang pagkakakapit niya sa aking buhok. Nakuha niya pa akong hilain pababa ng kama at napahandusay ako sa sahig.
“Bitawan n’yo po ako! Masakiiiiiit!” Pagpupumiglas ko.
Sinikap kong tumayo at awatin siya pero sinampal niya ako. Pansamantalang namanhid ang mukha ko at natanggal ko ang aking kamay sa kanyang mga daliri. Mabuti na lamang at tumulong si Sir Allan. Hinila nito ang kamay ng kanayang ina at pinaghiwalay niya kami. Ngunit bago siya maawat ay nakuha pa niya akong sampalin ulit at kalmutin sa ibaba ng aking leeg. Dumagundong ang boses ni Sir Allan at sinigawan ang kanyang ina.
“MA, ENOOOUUUUGH!!!” Sigaw nito.
Natulala ang ina nito at hindi nakapagsalita. Dumating ang mga trabahador ng hotel resort na may kasamang guard.
“Tumawag ka ng pulis, ngayon din!” Sigaw ng Supervisor ng hotel sa kanyang crew.
---
BLAKE
“Wow! The Great Agent B is finally here! Give it up for the Best in Tardiness!” Panunuya ni Police Major Alvin Villalon sa akin nang dumating ako sa kalagitnaan ng kanilang diskusyon.
Sinabayan ng palakpak ng aking mga kasama ang pangungutya ng aming Deputy Batallion Commander sa akin.
“Wala, Boss. Nakapag-jakol na ‘yan kanina nang tumawag ako. Hindi na siya si Agent Bakat, Agent P na ‘yan ngayon. Agent Panot. Hahaha!”
Umigting ang panga ko at tinignan ko ng seryoso si Alfred. Mabilis naman niyang iniwasan ang aking mga mata at nakangising tumikom ng bibig.
Agent B, ‘yan ang tawag nila sa akin dito sa istasyon. Akala ko noong una ay Agent Blake ang ibig sabihin noon. Ngunit nang kalaunan ay nadulas ang bibig ni Alfred sa akin at nasabi niyang Agent Bakat pala ang code name ko sa kanila, dahil kahit ano’ng suotin kong pantalon ay parating nakabakat ang laki ng armas ko sa baba. Ipinagkibit-balikat ko na lamang ito dahil bilang isang lalaki, makokonsidera kong compliment iyon.
I can’t blame myself. My father is a Canadian and I am blessed with a giant c*ck.
Nagsisitawanan ang aking mga kasama at napahawak na lang ako sa aking batok sa hiya. Kung hindi ako naakit ng naka-red dress na babae kanina ay hindi sana ako na-late.
“Shut it!” Sigaw ni Batallion Commander Jin Gutierrez.
Nanahimik kaming lahat nang siya ang magsalita. Siya ang pinuno ng buong batalyon namin dito sa Bulacan at kahit ako na ang pinakamaskulado at pinakamatangkad dito sa aming chapter ay tumitiklop ako sa takot sa aming pinuno.
“Where were we? Okay. So ito ang pinaghihinalaang hideout ni Sapron. Kuha ito ng ating informant sa Barangay Sta. Ana. ‘Yan ang mga babaeng kanilang illegal na nire-recruit para kanilang modus.” Turo ni PLTCOL Gutierrez.
Si Sapron ay isa sa mga pinaghahanap namin na wanted dahil sa kanyang human trafficking business. Marami na ang nawawalang mga dalaga sa lugar namin dahil ipinapadala niya ang mga ito sa karatig-bansa upang gawin silang mga prostitutes. Nilalansi niya ang mga ito sa pangakong magandang trabaho at kung kakagat ang mga biktima, ay lolokohin niya ang mga ito at ipapadala sa mga bars doon ng taliwas sa kanyang inalok at ipinangako.
Pinagmasdan ko ng mabuti ang mga babaeng nasa larawan sa LCD Projector pati na rin ang mga kuha ng hideout sa iba’t ibang anggulo. Kailangan naming kabisaduhin ang bawat sulok na ito upang maisagawa namin ang aming operasyon ng matagumpay.
“Ayon sa ating informant, darating ang mga recruit nila mamayang alas-diyes ng umaga. Doon tayo lulusob para mahuli natin sila sa akto. Ito ang main gate ng kanilang pinagtataguan… ito naman ang backdoor. Pupuwesto kayo sa magkabilang labasan at—”
“Boss, wait.” Pag-antala ko.
Tumigil sa pagsasalita si PLTCOL Gutierrez at nilapitan ko ang larawan na naka-project sa harapan. Sinuri ko ito ng mabuti at may nakita akong kakaiba sa litrato.
“Mukhang hindi lang po dalawa ang entrance at exit ng hideout nila boss. Tignan n’yo po ito.”
Itinuro ko ang isang manhole sa maliit na eskinita sa likod ng hideout. Doble ang size nito sa pagkaraniwang manhole at hugis parisukat ito. Sa tantya ko ay may hagdan ito palabas at konektado ito sa loob ng kanilang pinagtataguan upang makatakas sila ng hindi namin namamalayan sakaling i-raid namin ang lugar.
Ngumisi si PLTCOL Gutierrez at sinulyapan ang aking mga kasama.
“This is why your Agent B is your Platoon Leader, LADIES. Villalon, ang tagal mong nagbabad sa mga litratong ito pero hindi mo napansin ang nakita ng late mong bata. You’re lucky to have him.” Kutya ng aming boss sa aking mga kasama.
Ngumuso si Major Villalon at tumango ng may pagkadismaya. Kinagat naman ni Alfred ang kanyang ballpen na hawak at ngumisi. Napayuko ako dahil alam ko na kung ano ang susunod na mangyayari.
“Move, bitches! Ano’ng hinihintay n’yo, Pasko?” Sigaw ng aming pinuno.
Sabay-sabay kaming tumayo at kumilos ng mabilis. Habang naglalakad kami palabas ng istasyon ay binigyan ko ng utos ang bawat isa sa aking platoon para maging plantsado ang aming hakbangin. Naputol lang akong pagsasalita nang akbayan ako ni Major Villalon at binulungan.
“Pasikat.” Sabi nito sa akin tsaka siya tumulak sa kanyang opisina.
Tumawa ang aking mga kasama sa kanyang ginawa dahil alam nila ang tensyon sa aming dalawa.
“Boss, kapag na-promote kang Major, huwag mo kaming kalimutan, ha? Sama kami sayo.” Sabi sa akin ng isa kong tauhan.
“Boss B, ako ang gawin mong Platoon Leader ah.” Sambit naman ni Alfred.
“Ulol. Magtrabaho tayo ng matino.” Sagot ko naman sa kanila ng nakangisi.