Araw-araw na naging laman ng balita ang nangyaring insidente, sari-saring espikulasyon ang narinig nila hinggil sa naturang balita. Ang mga reporters at journalist ay halos magkampo na sa labas ng mansyon ng mga Galindo. Ang mga labi naman ni Lelay ay napagpasyahang ipa-creamate na lang sa kagustuhan na rin ng senador na sinang-ayunan naman ni Max. Mas maigi na raw iyon kaysa ang patagalin pa ang pagburol sa katawan nito na alam naman nilang wala itong ibang kamag-anak na darating pa since Lelay was an orphan. All those times, naging tahimik lang ang kanyang asawa, walang kibo at tanging tango at iling lamang ang nagiging tugon nito kapag tinatanong. Mga bagay na ipinag-aalala ni Seb sa asawa. Magdadalawang linggo na simula nang mangyari ang lahat ng iyon pero up until now, Keith was sti

