Nahuli sila nang dating. Ang tangi nilang naabutan ay ang asawang niyang humahagulhol ng iyak sa gitna ng kalsada. Puno ng dugo ang dress na suot nito habang yakap-yakap ang Ate Lelay nito. Mabilis niyang tinakbo ang pagitan nilang dalawa habang nakasunod sa kanyang ang senador. Both were eager to be near her but at the same time, they're afraid to do that lalo na nang tumingin ito sa gawi nila. Mabalasik at nang-uusig ang mga tingin nito. "Dumating ka pa?" mabalasik ng sigaw sa kanya ng asawa. "Bakit dumating ka? Ngayon pang huli na ang lahat? Ngayon pang wala na si Ate Lelay?" Tinangka niya itong lapitan...itayo ngunit nagwala lamang ito at ayaw pahawak sa kanya. "Honeybun..." tawag niya rito. Awang-awa siya sa nakikitang itsura nito and at the same time nag-

