Dahil na rin siguro sa sobrang pagod ng dalaga, agad siyang nakatulog ng gabing iyon. Pansamantala niyang nakalimutan ang sama ng loob dulot ng mga salita ni Sebastian.
Alas siyete pa lang siguro ng gabi ng makatulog siya kaya alas kwatro pa lang ng madaling araw ay gising na siya. Kahit anong biling niya sa ibabaw ng kanyang kama, hindi na siya dalawin ng antok. Ipinasya na lang niyang magtungo sa kanyang dance studio sa ibaba. Ipinasadya iyon ng kanyang daddy noong nasa kolehiyo pa lang siya nang nalaman nito ang hilig niya sa pagsasayaw. Sa gawing kaliwa naman noon ang kanyang art studio kung saan niya ginugugol ang sarili sa tuwing nasa mood siyang magpinta.
Pagkatapos niyang maghilamos at mag-toothbrush, nagpalit siya ng damit. Makailang beses niyang pinagpilian kung leotard ba o simpleng jagger pants at loose shirt na lang ang isusuot. Sa huli, mas pinili niya ang jagger pants na kulay black. Medyo loose ang tela noon para madali siyang gumalaw. Tinernuhan niya iyon ng isang loose rin na white t-shirt na itinali niyang ang bandang dulo sa may tagiliran kaya na-expose ang maputi at makinis niyang tiyan.
Saglit muna siyang dumaan sa kitchen upang magtimpla ng kanyang fresh orange juice. Ayaw na niyang abalahin pa si Lelay dahil kaya naman niyang gawin iyon. Ang daddy lang niya ang makulit na kahit hanggang ngayon, gusto pa ring may nag-iintindi sa kanya kahit hindi na naman kailangan dahil kaya na niya ang kanyang sarili. Pero napangiti siya dahil alam niyang niyang mapagsasabihan na naman siya ng kanyang Ate Lelay kapag nalaman nitong maaga siyang nagising tapos hindi niya ito ginising.
She walk barefoot to her dance studio. Mas gusto niyang magsayaw nang walang sapin sa paa dahil mas ramdam niya ang ritmo ng tugtog kapag ganoon. Ewan, hindi niya alam. Nakasanayan na din siguro niya.
Pagkapasok niya sa dance studio, hindi na siya nag-abala na buhayin pa ang mga ilaw. Sa tingin niya, sapat na ang tanglaw ng mga maliliit na cove light sa kwartong iyon. Medyo may pagka-dramatic sillouette ang ambience ng kwarto. Basic stretching muna ang ginawa niya upang hindi mabigla ang katawan dahil noong isang buwan pa yata ang huli niyang sayaw. At ngayong araw na ito, ipinasya niyang idaan sa sayaw ang kung anumang nararamdaman niya sa kanyang bodyguard.
She went to the center the moment she pressed that play button. Maya-maya lang, nag-umisa ng gumalaw ang kanyang katawan kasabay ng awiting When God Made you. Ang maganda lang kasi sa contemporary dance, yes, it does need fluid movements but it's more on freedom of expression and improvisation kaya niya nagustuhan ang ganitong genre.
She closed her eyes, feeling the rhythm of the song. Hinayaan niyang manuot sa bawat himaymay ng kanyang balat ang damdamin at ritmo ng kanta. Hinayaan niyang lukubin siya ng bawat letra ng kanta. Just like the title itself, When God Made You, she really wishes that he was made for her pero masakit talaga kapag isinampal sa'yo ang katotohanan na hindi ikaw ang pinapangarap niya. Ginamit niya lahat ng sakit at sama ng loob that's why, in a few moments, she was already on it. She leaps and jumps in rhythm with the music. She curls up and down and then she arched her body as if someone is supporting her back. Her body alignment and control in breathing made her dance a breathtaking view. Kung sinuman ang makakakita, hindi mo na gugustuhing ibaling ang tingin sa iba.
For almost five minutes, she danced like there's no tomorrow. She danced like her life depends on it. At para sa kanya, iyon na ang pinakamaganda niyang performance dahil lahat ng iniisip niya ng mga oras na iyon, pinakawalan niya. Hinayaan niyang ang puso at damdamin niya ang mag-kontrol sa bawat niyang galaw. Hinayaan niyang ang emosyon niya, ang sakit dulot ng hayagang rejection ni Seb, ang saya dulot ng simpleng paghanga niya sa lalake ang lumukob sa buo niyang pagkatao habang nagsasayaw. Tunay nga na kapag puso ang pinairal mo sa ginagawa mo, it would turn out beautiful.
Kasabay ng mga liriko ng kanta ay ang paggiling at pag-indayog ng kanyang balakang habang ang dalawa niyang kamay ay malayang gumagalaw at humahaplos, dumadagdag sa senswal niyang pagsasayaw. She leap and jumps again, showing off how flexible she is. Bawat liyad at indayog ng kanyang katawan nagpapakita ng kanyang nararamdaman. Ang buo niyang atensyon ay nasa pagsasayaw kaya hindi na niya namalayang may isang pares ng mata na kanina pa nanonood sa kanya.
Subalit hindi na siya nagulat ng pagkatapos niyang magsayaw ay nakita niyang nakasandal si Sebastian sa may pintuan. He was holding a cup of coffee on his right hand. Kahit naman kasi saan siya sumuot, naroon ito.
Naglakad ito palapit sa kanya habang hawak naman ng kabilang kamay nito ang tsinelas niya. Inilapag nito iyon sa kanyang paanan.
"The tiled floor is cold, baka pasukin ka ng lamig," he said with that cold baritone voice.
May kunting kirot siyang naramdaman dahil sa ginawa nito. Dahil paano nito nasabi sa kanya na supilin niya ang paghangang nararamdaman niya para dito kung gayong bawat akto at galaw nito, ipinararamdam sa kanya kung paano ito mag-alaga ng isang babae. He may look tough and authoritative but he could be the most gentleman and thoughtful guy a woman could have.
She just smiled a little at him. Isinuot niya din ang ibinigay nitong tsinelas sa kanya pagkatapos ay tinungo niya ang tumbler niya na may lamang orange juice. And she thanks the heavens dahil kahit paano ay lumuwag ang kanyang pakiramdam pagkainom niya. Beacause the mere sight of Seb just bothers her, but not in a bad way. Kapag kasi nasa malapit lang ito, hindi niya mapigilan ang sarili. May mga pagkakataong nai-imagine niyang nobya siya nito at naroroon lang ito sa tabi niya, nakasuporta at binabantayan siya. Subalit sa tuwing magkakasalubong ang kanilang mga mata at nakikita niyang walang buhay ang mga iyon habang nakatingin sa kanya, bumabalik siya sa reyalidad na hanggang imagination lang siya. Dahil isa lang ang hinayaan nitong makapasok sa puso nito. Tinatangka niyang pumasok pero sa una pa lang, binara na agad siya.
Dinampot niya ang kanyang towel pagkatapos ay pinunasan niya ang kanyang mukha at leeg. Ni hindi niya tinapunan ng tingin ang lalakeng alam niyang nakasunod sa mga galaw niya.
Pabalik na sana ulit siya sa kanyang kwarto ng pigilan nito ang braso niya ng mapatapat siya rito.
Tiningnan niya ito sa mga mata, inaantay na magsalita ito.
"May problema ba?" tanong nito.
Umiling siya, "Wala naman. Bakit, may dapat bang problemahin?"
Hindi niya intensyong maging tunog maldita ngunit iyon ang lumabas na tono niya nang sagutin niya ang tanong nito.
Ang kapeng akmang iinumin nito ay nahinto nang marinig ang sagot niya. Tumuwid ito nang tayo, pagkatapos ay hinarap siya nito.
"Tell me," pangungulit nito. "Alam kong may gumugulo sa isip mo kaya ganyan ka kung magsalita. Huwag mo akong paandaran ng mga linya mong walang problema dahil hindi mo ako maloloko. Hindi ako mapapasok sa ganitong trabaho kung ganoon lang din naman ang kwalipikasyon ko, ang madaling maloko."
Pilit binabawi ng dalaga ang kanyang braso ngunit sadyang mahigpit ang kapit ni Seb sa kanya. She could feel his calloused and warm hands on her skin, and it makes her uncomfortable. Para siyang napapaso.
"You're overthinking, attorney." Pilit na niyang tinanggal ang kamay nito. Mabuti na lang at hindi na ito nagpumilit pa.
His eyes became darker. He steps closer to her then said, "Don't test my patience, Miss Galindo. Baka hindi mo magustuhan ang consequence ng mga sinasabi mo. And next time, don't you dare to call me attorney again."
"Why? Hindi ba, abogado ka naman talaga?" Keith must have triggered something dahil nakita niya ang pagdaan ng sakit sa mga mata ng kaharap. Kagyat lang iyon pero nakita pa rin niya.
Sebastian on the other hand gave his all in controlling his emotions. Calling him attorney reminds him of Czarina. Madalas kasi siya nitong asarin gamit ang salitang attorney na kalaunan ay ginamit nito kapag naglalambing sa kanya. Hindi niya matanggap na nagugustuhan niya ang pagtawag ng dalagang Galindo gamit ang salitang iyon. Walang ibang pwedeng tumawag sa kanya ng ganoon kundi ang asawa niya lamang.
Napagtanto naman ng dalaga na may kaugnayan sa asawa nito ang salitang iyon dahil nagiging ganoon lamang ang reaction nito kapag nababanggit o naaalala nito ang mga salita o bagay na may kaugnayan sa asawa nito. Nakakabilib din ang pagmamahal at dedikasyon nito sa asawa kahit patay na ito.
"Basta," tugon nito. "Sa susunod, huwag mo na akong tawaging attorney."
"Fine," maiksing tugon ng dalaga. She was to go upstairs when she heard him talk.
"Don't take it against me," he said in a low voice pero sapat upang marinig niya. "You see, you're a sweet and beautiful woman and you can still find a man that would treat and love you better than me. Huwag na lang ako dahil-"
"Sinabi mong kalimutan ko kung anuman itong nararamdaman kong paghanga sa'yo," putol ng dalaga sa sasabihin nito. "but still, you keep on bringing that up. Hindi ba pwedeng manahimik ka na lang?"
Hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng inis dito. Heto na nga siya, nag-struggle kung paano aalisin ang nararamdaman niya para dito ngunit kung ganitong palagi nitong ipinaaalala sa kanya ang lahat, talagang mahihirapan siyang kalimutan ito. Ngayon pang, alam niyang mas lumalim na ang pagtingin na meron siya para dito. Kahit nga ngayong naiinis siya rito, hindi pa rin niya maiwasang humanga rito. Bagong ligo ito at nakasuot lang ng khaki shorts at white t-shirts subalit malakas pa rin ang dating nito sa kanya. Mas lalo siyang nahuhulog dito kapag natititigan niya ang mga mata nito. His eyes speaks more than what he is showing. Bawat kibot yata nito, nagugustuhan na niya.
Nakita niyang nagtagis ang bagang nito, pati ang paghawak nito sa mug, nakita niya kung paanong humigpit.
"I'm just reminding you. Huwag ako dahil wala kang mapapala sa akin." Mahahalata mong pinal at may conviction ang salita nito.
Mapaklang napangiti ang dalaga, "Huwag kang mag-alala. Dahil gagawin ko ang lahat para mawala kung anuman itong nararamdaman ko para sa'yo. I may like you but I'm not that desperate just to have you. Hindi ko ugaling ipagpilitan ang sarili ko sa iba. And besides, nananahimik na nga ako eh, ikaw lang itong nagpapalaki sa issue.
"Huwag ka ring mag-alala dahil kung ang natatanging paraan upang mawala itong nararamdaman ko ay ang pagpatol at pagbigay ng chance sa ibang lalake, gagawin ko. Hindi ka lang ma-bother dahil sa totoo lang, naba-bother din ako sa mga sinasabi mo dahil hinahangaan lang kita pero hindi ibig sabihin noon ay pipikutin kita para maging asawa ko. That won't happen, Mister Almodovar." Hindi na niya hinintay na makapagsalita pa ito. Nagmartsa na siya patungong kwarto niya. Ramdam niya ang mga titig nito sa kanyang likuran pero hindi na niya iyon pinansin.
Buong akala niya, hindi na ito nakasunod sa kanya subalit nagulat na lang ang dalaga ng sa pagsara niya sa pinto ng kanyang kwarto, naroon na ang binata. Unti-unting umawang ang bibig niya ng mapagtanto ang kanilang posisyon.
Nakasandal siya sa likod ng pinto habang nakatukod ang magkabila nitong kamay sa kanyang tagiliran. Ni hindi man lang magkadikit ang kanilang katawan ngunit ramdam niya ang init na sumisingaw sa pagitan nilang dalawa.
Seb hissed as if he's in pain.
"Don't play with fire young lady, you might get burned," pabulong na sambit ni Seb sa punong tainga ng dalaga. Her scent had this effect on him na hindi niya matanggihan. At kapag nakapikit siya, naaalala niya kung gaano kaakit-akit ang pagsasayaw nito kanina.
Tinangkang kumawala ni Keith sa pagkaka-corner ni Seb sa kanya ngunit tila pader ang kanyang itinutulak dahil hindi man lang gumalaw ng itulak niya.
"Ano ba! Umalis ka nga!" naiinis niyang saad dito. Hinampas niya nang paulit-ulit ang dibdib nito dahil sa labis na inis.
Hinuli nito ang magkabila niyang kamay pagkatapos ay ipininid nito iyon sa itaas ng kanyang ulo. He leans down and whispered seductively, "stop it, Keith. Please stop."
Napako sa ere ang mga kamay ng dalaga nang marinig niya ang boses ni Seb. Nanibago siya sa tono ng boses nito. Nang mag-angat siya ng paningin, nakita niya ang alab sa mga mata nito.
"'Tang ina," pabulong nitong sabi.
Kasabay noon ay ang pag-angkin ng mga labi nito sa labi niya. Ramdam niya ang panggigigil nito sa kanyang labi. He would alternately suck and nipp her lips making her knees wobble. Napakapit na lang siya sa balikat nito dahil pakiramdam niya, anumang sandali ay matutumba siya. Ang katawan nito ay nakadiin na sa kanya ngunit wala doon ang sentro ng kanyang isipan kundi sa kamay ni Seb na nasa pagitan ng kanyang mga hita.