Chapter Six

2113 Words
Marahas na naitulak at nasampal ni Keith ang binata nang maramdaman niyang dumiin ang palad nito sa ibabaw ng kanyang sentro.              "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" sigaw ng dalaga. Her breathing became hard because of the mixed emotions she was feeling at that moment. Hindi niya matanggap na nagawang  sayaran ng mga palad ni Sebastian ang bahaging iyon ng kanyang katawan.  Walang namang maisagot si Seb. Hindi rin naman niya kasi malaman kung paano niya nagawa iyon sa dalaga.               "Keith," tawag niya sa dalaga. Tinangka niyang abutin ang kamay nito ngunit naglakad lang ito palayo sa kanya na animo may sakit siyang nakahahawa.             "Lumabas ka ng kwarto ko! Lumabas kang siraulo ka!" sigaw ni Keith. Hindi niya kasi malaman kung paano pakakalmahin ang sarili. Halo ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Galit siya dahil sa ginawa nito ngunit hindi maitatangging nagustuhan niya ang init na dulot nito sa kanyang katawan. He set fire deep within her, it's confusing yet she's excited about it. Naiinis at nalilito rin siya dahil sa mga aksyon nitong hindi na niya alam kung ano ang ipakakahulugan. Ayaw nitong  lumalim ang nararamdaman niya para dito pero ito naman ang lapit nang lapit.             "I'm sorry," hinging paumanhin nito sa kanya.             "Diyan ka lang!" sigaw ulit niya nang humakbang ito palapit sa kanya ngunit hindi ito nagpapigil. Tuloy ang paghakbang nito palapit sa kanya kaya nasukol siya nito. Naramdaman niya ang pagtama ng likuran ng kanyang tuhod sa dulo ng kanyang kama kaya hindi na siya makagalaw.             "Hindi ko inihihingi ng sorry ang paghalik ko sa'yo rather, I'm saying sorry because I didn't ask permission from you. If I had offended you, I deeply apologize." Hindi rin makapaniwala si Seb kung bakit niya nagawa iyon. Napuno rin nang yamot at galit sa sarili dahil pakiwari niya, nagtaksil siya kay Czarina. Naglakad na siya palabas ng kwarto nito, hindi na niya hinintay na sumagot pa ang dalaga. Pagdating niya sa inuukopang kwarto, agad niyang itinungga ang bote ng rum na ilang gabi na rin  niyang kaulayaw. Gumuhit ang pait noon sa kanyang lalamunan ngunit hindi na niya iyon alintana. Mas naba-bother siya sa ginawa niya kanina.      “Jesus Christ!“ bulalas niya sa sarili. Napapailing na lang siya, hindi makapaniwala. Pinalalayo niya ang dalaga ngunit heto siya, kusang lumapit dito. And worst, nagawa niyang gawin ang bagay na iyon na dapat ay kay Czarina lang. Maya-maya, tumuon ang atensiyon niya sa litrato nilang mag-asawa na nakapatong sa uluhang bahagi ng kama niya. Dinampot niya iyon saka dinala sa kanyang dibdib at mahigpit na niyakap. There, he found happiness and solitude. Ngunit kung kailan payapa na ang kanyang isipan, bigla namang sumingit sa kanyang balintataw ang paghalik na ginawa niya kanina sa dalagang Galindo. Her lips was soft and sweet and until now, he could still feel her lips on his. Malambot ang labi nito at napakabango ng hininga. At that moment, nakalimutan niya kung sino siya at kung nasaan siya. Hinayaan niyang maghari ang init ng kanyang katawan.       "I'm sorry, mahal," malambing niyang sambit habang nakatitig sa larawan ng dating asawa. Umangat ang kamay niya upang haplusin ang litrato. Ilang taon na nga bang wala si Czarina pero heto siya, lugmok pa rin at hindi maka-move on sa pagkawala nito. Alam ng Diyos kung gaano niya ka-miss ang asawa. Ang pagngiti nito sa tuwing naasar siya rito, ang malakas nitong pagtawa kapag nakukuhanan siya nito ng litrato habang nakangangang matulog o di kaya kapag nakukuhanan siya nitong kita ang kanyang pang-upo. Ang paglalambing nito sa kanya at ang pagiging tigresa nito sa tuwing may nagpapalipad-hangin sa kanyang babae. Si Czarina ang babaeng bersiyon niya kaya halos sa lahat ng bagay ay nagkakasundo sila. Tumingala siya sa langit upang pigilin ang pagtulo ng kanyang mga luha. His breathing became uneven and he could feel the lump on his throat as he tries not to cry. Remembering their past just break him. Humigpit ang hawak niya sa bote ng alak sa kapipigil na huwag mag-break down. But minutes later, he was already trembling and shaking with sobs. For a minute and so, he let himself drown in agony. Three years had passed but the memory of his late wife still lingers on all of him. He may act tough and intimidating outside but the truth is, he's broken inside. And up until now, gusto niyang si Czarina ang naroon upang sandalan niya ngunit alam niyang malabo ng mangyari iyon dahil matagal ng patay ang asawa niya.  Halos mag-iisang oras din siyang nakaupo lang sa loob ng kwartong iyon. Tahimik at nakatulala sa kawalan. Saka lamang siya bumalik sa katinuan nang maramdaman ang pag-vibrate ng kanyang cellphone. Dinukot pa niya ito mula sa likurang bulsa niya. Nang tingnan niya, numero ni Max ang naka-rehistro. He made a deep sigh before answering the call, "Yes, Max?"             "Lalabas si Miss Keith, ikaw ba ang sasama o kami na lang?" tanong ni Max sa kanya.             "Go ahead. Nasa likod niyo lang ako," sagot niya. "And Max, be discreet and observant. Hindi natin alam kung kanino dapat tayo  mag-ingat. Keep a close eye on Miss Galindo."             "Copy, Sir!" tugon nito. Isang mabilisang ligo ang ginawa ni Seb. Pagka-pasok niya ng banyo, agad  niyang binuhay ang shower at hinayaang dumaloy ang malamig na tubig sa kanyang katawan. He felt relieved and fresh pagkatapos.  Tinungo niya ang closet kung saan nakasalansan ang iilang pirasong damit niya. Napili niyang isuot ang isang dark blue polo shirt na ipinares niya sa suot na black jeans na kulay itim. Basta na lang niyang dinampot ang rubber shoes niya sa may paanan ng kama saka madaling isinuot iyon. Narinig na niya kasi ang pag-ugong ng sasakyan sa garahe, senyales na paalis na ang dalaga. Mabilisan niyang dinampot ang baril niyang nakapatong sa ibabaw ng lamesita malapit sa kama niya saka isinuksok iyon sa bandang baywang niya.  Kalalabas lang niya ng gate kasunod ng mga ito nang makita niya ang pagrehistro ng pangalan ni Jessica sa kanyang cellphone na nakapatong sa dash board ng kanyang sasakyan. Nakita niyang may pumasok na mensahe galing dito. Binuksan niya iyon nang maging pula ang traffic sign.             "Be discreet on guarding, Miss Galindo. Maiksi ngunit malawak ang responsibilidad na sakop. Agad niyang ibinulsa ang hawak na cellphone saka niya ini-start ang kanyang sasakyan. He was just behind them, observing and checking if something isn't right. So far, so good, wala naman siyang napapansin na kahina-hinala. Hanggang sa paumasok ito sa isang patry shop, nakasunod siya. His eyes was focus on her and the people around her. Kasalukuyan namang close in bodyguard nito si Max samantalang may dalawa sa di kalayuan na nagmamatyag din. All in all, apat silang nakatuka na magbantay sa dalaga araw-araw. Pero in fairness, sa lahat ng mga nabantayan niya, ito ang pinakamadaling kausap. Sumusunod din sa kanila kaya wala silang nagiging problema when it comes in guarding her. Nakita niyang madami itong binili. At napapansin niyang bawat pinamili nito, masinsinang tinitingnan at binubusisi. Napapansin nga niyang masyado itong mitekuloso sa mga bagay-bagay. Halos dalawang oras na ito sa kaiikot sa loob ng shop pero hanggang ng mga oras na iyon, parang wala pa itong balak na umuwi.  He let out a sigh. Siya ang naiinip sa ginagawa nito, eh. Kung si Czarina ang kanyang kasama, isang oras lang siguro tapos na sila. Baliktad nga, eh. Kung sino pa ang lumalabas sa telebisyon, siya pa ang hindi mapili sa mga dapat. Sabagay. halos lahat naman ng mga isinusuot noon ni Czarina ay sponsored kaya ang binibili lang nila ay 'yong mga personal preference nito.  Nang magtungo ito sa powder room, tinanguan niya si Max. He should keep an eye on her. Subalit nang ilang minuto na ang nagdaan at hindi pa ito lumalabas, tumayo na siya. He went to the ladies' room to check on her pero nakasalubong na niya ito sa hallway palabasng CR. But he instantly feels that something happened. Maputla kasi ang buong mukha nito habang tulalang nakatingin sa kanya.             "What happened?" tanong niya. Nang lapitan niya ito, he could see her tears streaming down her face. Nararamdaman  rin niya ang panginginig ng buong katawan nito. Nakailang tawag siya sa pangalan nito ngunit hanggang sa mga oras na iyon, tulala pa rin ito.             "Miss Keith!" tawag niya rito sabay yugyog sa katawan nito upang matauhan na ito.             "Someone tried to hurt me," bulong nito. Naging malikot ang mga mata nito, kaliwa't kanang tumingin sa paligid. Pagkatapos ay parang bata na kumapit sa suot niyang damit. Naging maagap ang mga kamay niya, pumaikot sa baywang nito saka kinuha ang kanyang cellphone at tinawagan si Max.               "Max, i-check mo ang lahat na kuha ng CCTV footages ng shop. Tingnan mo kung may makikita ka sa rest room ng mga babae." Umigting ang panga ni Seb kapag naiisip na muntik ng mapahamak ang dalaga under his watch. Mukhang kinakalawang na yata siya.             "Umuwi na tayo, please," Keith whispered. Natatakot na kasi siya, eh. Maalala lang niya ang nangyari sa kanya kanina, naginginig na siya sa takot. That man's eyes were like piercing dagger that screams fear and violence. Noon una, akala niya si Seb ang pumasok sa loob ng CR ng mga babae ngunit nang ilang beses na niya itong tawagin at hindi ito umimik, nakaramdam na siya ng takot. Mas lalo na pagkalabas niya ng cubicle dahil naroon ang lalakeng iyon na naka-hodie habang matiim na nakatitig sa kanya. Hindi niya ito makilala dahil tanging mata at bibig lang nito ang nakalabas.  Kasabay ng pagngisi nito sa kanya ay ang paglabas nito ng kutsilyo sabay tutok sa kanyang tagiliran. Nararamdaman niya ang pagdiin ng matulis na bagay na iyon sa kanyang balat at anumang sandali ay lilikha na iyon ng sugat doon.              "Pasensya na binibini, napag-utusan lang," bulong ng estranghero. "Kung hindi ka marahil anak ni Senador Galindo, hindi ka madadamay sa gulo. Pero malas mo, ikaw ang sasalo sa bagay na dapat ay sa kanya." Abot-abot ang kaba ni Keith, pilit inaabot ng kanyang paningin kung nasaan na ang mga bodyguards niya. Pero hindi niya masisisi ang mga ito dahil siya itong matigas ang ulo. Nagpumilit siyang lumabas kahit alam niyang delikado. Sa kagustuhan niyang makaiwas kay Seb, ito ang napala niya. Nakaka-suffocate kasi sa bahay nila lalo na at hindi maiwasang magkita sila ng lalake. Buong akala niya, katapusan na niya kanina pero mabuti na lang at may ilang babae ang nagpulasan papasok sa loob kaya natigil ang balak ng lalakeng iyon.              "LQ lang kami ng darling ko," nakangising sambit ng lalake ng makitang nakatingin dito ang mga babae. Maya-maya, bumulong ulit ito, sapat lang upang marining niya, "Pasalamat ka, nadugtungan ang buhay mo ngayon pero sa sususnod, baka hindi ka na swertihin."  Pagkatapos ay naglakad na ito palabas ng CR, animo walang ginagawang katarantaduhan. Naiwan naman siyang tulala at hindi makapagsalita. She could feel that her knees is trembling. Kasunod noon ay ang masaganang pagdaloy ng kanyang mga luha. Sa nanghihinang tuhod ay dahan-dahan siyang naglakad palabas ng CR habang nakakapit sa dingding na nadadaanan niya.  She sighs in relief when she saw Seb running to her. Nang tuluyan itong makalapit sa kanya, she badly need a hug and she want it to be with him.  Gusto niyang yakapin siya nito at sabihing okey lang ang lahat. Na naroon lang ito sa tabi niya at pro-protektahan siya sa mga gustong manakit sa kanya. But like any other day, she expected something from him but just ended up gaining nothing. Mapait siyang ngumiti. Tinatanong niya ang sarili kung bakit hinahayaan niyang mahulog siya ng tuluyan sa lalakeng ito kahit pa alam niyang walang kasiguraduhan kung magbubukas pa bang muli ang puso nito. Nang hapitin siya nito kanina, gusto niyang isubsob ang ulo sa malapad nitong dibdib at magsumbong na natatakot siya. Gusto niyang amuuin siya nito at sabihing naroon lang ito para sa kanya. Pero habang nakikita niya itong nagmamaneho at ang konsentrasyon nito ay sa kalsada, mapait na lang siyang ngumiti.  He was just doing his job for God's sake! Pero heto siya, nag-i-imagine at iba na ang pakahulugan sa mga gawi nito kanina. Samantala, kanina pa pasulyap-sulyap sa rear view mirror si Sebastian, inaaninag kung okey lang ba ang dalaga. Tuluyan mang humupa ang takot at panginginig nito pero ramdam niyang hindi pa rin ito mapakali. Mabuti na lang, dahil siya man, kanina pa hindi mapakali sa sasakyang nakasunod sa kanila. At lalo niyang ikinagagalit nang maalala ang mensahe na ipinadala ni Max kanina na ang mga lalakeng iyon ay si Keith talaga ang puntirya! They want her all by themselves! Iyon ang hindi niya mapapagayan. Dadaan muna sa kanyang bangkay bago mahawakan ng mga ito ang dalaga!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD