Chapter Seven

1947 Words
Kanina pa hindi mapakali si Seb habang nagmamaneho ngunit hindi niya lang ipinahahalata sa dalaga. Someone is following them. Kanina pa niya iyon pilit inililigaw ngunit hanggang sa makalabas sila ng Metro Manila, nakabuntot pa rin ito sa kanila. Mabuti na lang at pagpasok nila ng Laguna ay nailigaw niya ito.  He decided to bring her to one of their resorts in Calamba. Mas mabuting doon muna ang dalaga hangga't pinag-aaralan at iniimbsetigahan pa nila kung sino nga itong may masamang balak sa mag-ama. Bago pa man kasi siya mag-umpisa sa trabaho, inalam muna niya ang background ng mag-ama. So far, wala naman siyang makitang hindi katanggap-tanggap na ginawa ng dalawa. Malinis ang political record ni Senador Galindo pati na rin ang kanyang anak. But what caught him is the continous absence of Senator Galindo's wife, Mrs. Martha Galindo. Given na madalas ay nasa ibang bansa ito dahil sa trabaho nito bilang isang sikat na fashion designer ngunit hindi sapat na dahilan iyon upang halos buwan ang abutin bago nito uwian ang pamilya. There were rumors that she's having an affair but it wasn't proven up until now.             "Bakit tayo sa mansyon umuwi?" tanong ni Keith ng makitang sa isa sa mga resort nila sila patungo.             "It's the best option for now," tugon ni Seb na hindi man lang nilingon ang dalaga. Nanatili ang tingin at konsentrasyon nito sa kalsada. Hindi na umumik pa ang dalaga. So much had happened that day na pagod na siya maski magsalita pa. Sabagay, ano ba naman ang mahihita niya kay Seb. Magmula nang pasukin siya nito sa kwarto at halikan siya nito, lalong naging mailap ito sa kanya.Na para bang isang karumaldumal na krimen ang nangyari sa pagitan nilang dalawa.  He would only talk when asked. Halatang iniiwasan siya. Mas magaling na siguro 'yon, baka sakaling ang paghangang nararamdaman niya rito ay tuluyan ng maglaho. Nang huminto ang sinasakyan nila sa tapat ng resthouse, hindi muna siya bumaba at hinintay itong pagbuksan siya ng pinto. Alam niyang nakatingin ito sa kanya pero tigas ang leeg niyang hindi ito tapunan ng tingin. Kung hindi pagpapansinan lang naman ang gusto nito,ibibigay niya ang gusto nito.              "Call your dad. Inform him kung nasaan tayo." Rinig niyang sabi ni Seb.  Saglit na tumigil ang dalaga sa pagalalakad, nilingon si Seb saka siya nagsalita sa mababang tono, "It's your job to report everything to my dad. Do well, then." Pagkatapos noon ay pumasok na siya sa loob.  Seb was lost for words. Hindi niya ini-expect ang mga salitang iyon galing kay Keith. Napatango-tango na lang siya. Mabilis niya itong sinundan sa loob para tiyaking okey ang lahat. Nang nakita niyang pumasok ito sa isa sa mga kwarto agad naman siyang lumabas upang i-assess ang paligid. Sakto namang dating ng isang may edad ng lalake. Lumapit ito sa kanya.              "Magandang hapon, Sir," bati nito sa kanya. Ngumiti siya rito, "Naku, 'tay! Huwag niyo na ho akong tawagin na sir, Sebastian na lang ho."             "Aba'y kung iyan ang nais mo." Luminga-linga ito, waring may hinahanap. "Si Keith ba ang iyong kasama? Kung magkaganoon man, mabuti at nakalayo rin ang batang 'yan. Tumawag na nga rin pala si Senador Galindo, inabisuhan kami na darating kayo."             "Nasa kwarto na ho si Keith. Marami ho kasing nangyari ngayong araw kaya napagod ho siguro. Sasabihin ko na lang ho na kinukumusta niyo. Malugod na ngumiti ang matanda sa kanya. "Tawagin mo na lang pala akong Tatay Rey. Kung may kakailanganin pa kayo, tawagan niyo na lang ako." Tumango si Sebastian bilang pagsang-ayon.  Nang makaalis si Tatay, hinahanap niya ang control room ng mga CCTV ng resthouse. Titingnan niya kung gumagana pa ba lahat. It's a must ngayong panahong ito. Madali naman niya itong nahanap at bumilib siya dahil hindi mo aakalain na hindi iyon nagagamit. It was properly maintained and all cameras are functioning. Umupo siya sa upuang naroon nang makitang lumabas ang dalaga sa kwarto nito saka diretso nitong tinungo ang kusina.             "So, the senator's daughter knows how to cook?" kausap niya sa kanyang sarili nang makitang nasa kusina si Keith at mukhang balak na magluto. Napataas ang kilay niya sa nakikita dahil hindi niya ini-expect na marunong itong magluto. Knowing her, may Lelay nga itong tagapangalaga eh, tapos makikita niyang nagluluto ito? A prank, maybe? Ngunit nang makita niyang tumaas ang kamay nito upang i-pusod ang mahaba nitong buhok, wari bang nang-iimbita ang leeg at batok nito upang samyuhin. Para bang masarap amuyin at halikan ang parteng iyon. Ang  mabagal nitong galaw ay naging senswal at mapang-akit sa kanyang paningin. Lihim siyang napalunok dahil sa nakikitang senswal na galaw nito. Hindi siya mapakali sa kanyang kinauupuan. Hindi rin niya mai-alis ang tingin sa monitor ng computer. Mula roon ay tanaw niya ang mabining kilos ng dalaga mula sa paghahanda nito sa mga rekado ng lulutuin nito hanggang sa mismong pagluluto na.  Tinangka niyang iiwas ang tingin  ngunit hindi siya nagtagumpay dahil animo naka-magnet ang kanyang mga mata sa screen. Ni kahit isang segundo ay ayaw mawaglit ang  tingin sa dalagang ngayon ay abala na sa pagluluto. Hindi na niya kinaya ang mga sumunod na pangyayari. When he saw her lick that spoon in a seductive way, everything became blurry. Namalayan na lang niya ang sarili na naglalakad patungong kusina kung saan naroon ang babaeng sanhi ng kanyang pagkabalisa. Dahan-dahan ang mga hakbang niya patungong kusina. Ayaw niyang maabala ang dalaga sa pagluluto nito. And besides, mas gusto niyang titigan na lang ito. He don't want to disturb her. Hindi niya alam pero tila ba nanghihina ang kanyang mga tuhod habang nakatingin dito. Kinailangan pa niyang sumandal sa dingding upang kumuha ng suporta. Ewan ba niya kung ano na ang nangyayari sa kanya.  Kumunot ang kanyang noo ng isang plato lang ang inihanda nito. Akala niya kakain itong mag-isa ngunit nagkamali siya. Mukhang siya ang kakain mag-isa dahil dinampot nito ang nakahanda nitong pagkain na nakalagay na sa isang tray. Mukhang balak nitong sa kwarto na kumain. Alam niyang nakita na siya nito ngunit tila ba naging hangin lang siya sa paningin nito. Gustong niya itong kausapin ngunit hindi naman niya alam kung ano ang sasabihin dito. Di ba nga, siya itong may gusto na lumayo na ito sa kanya? Pero bakit masyado siyang naba-bother sa pagiging tahimik at pag-iwas  nito?             "It's just the two of us here, Miss Galindo. Hindi naman siguro masama kung sabay na tayong kakain," sambit  ni Seb. Hindi na talaga siya nakatiis na hindi kausapin ang dalaga. Naririndi siya sa katahimikan nito.  Nahinto naman sa paglalakad si Keith saka matapang na hinarap ang lalakeng nagpapagulo ng kanyang isipan. "It's better this way. Di ba nga sabi mo, dumistansiya ako sa'yo? Ginagawa ko na."             "But not this way!" angil ni Seb. "Lumalayo ka na para bang may nakahahawa akong sakit." Mapaklang tumawa ang dalaga saka lakas na loob na tinitigan sa mga mata ang lalakeng kaharap.             "Yes. You're like a contagious disease that I should get rid of. But how can I do that when you keep on showing up in front of me?" Mariing napapikit ang dalaga upang supilin ang nararamdamang inis sa sarili at sa lalakeng kaharap. Huminga siya nang malalim bago nagsalita ulit. "Fine. I like you a lot. And you beside me, who is always there to protect me, a real gentleman, too. Tell me, how can I stay away from you? How can I not fall for you?" Hindi alam ni Seb kung ano ang sasabihin at gagawin. Nanatili lang siyang nakatitig sa dalaga. Unable to move and speak.             "It's better this way." Pagpapatuloy ng dalaga nang hindi pa rin magsalita si Seb. "Do your job in protecting me and I'll do mine. So if you'll excuse me, doon na lang ako sa kwarto ko kakain."             "No!" mariing sambit ni Seb. Naging mabilis ang kilos niya kaya nahawakan niya ang tray na hawak din nito. Para silang bata na nakahawak sa magkabilang dulo ng tray, animo nag-aagawan.             "Bitaw," sambit ng dalaga sa mababang tono. Nagsisimula ng uminit ang ulo niya kay Seb dahil sa mga ikinikilos nitong hindi na niya maintindihan. Tulak ng bibig, kabig ng dibdib!             "I said no! Sabay tayong kakain!" Hindi na napigil ni Seb ang pagtaas ng kanyang boses sanhi upang mabitiwan ng dalaga ang hawak sa tray. Mabuti na lang at hawak ni Seb ang kabilang dulo noon kaya hindi natapon ang lamang pagkain. Hindi na nakapalag ang dalaga ng akayin siya nito sa hapag-kainan. Nararamdamn niya kasi ang marahas na paghila ni Seb sa kanya. Natakot siya ng kaunti nang makita ang awra ng mukha nito. Salubong na kasi ang kilay nito at nag-uumigting ang mga panga. And by the way he held her hand, alam niyang galit ito. Pero nagtataka siya, ano naman  ang ikinagagalit nito? Ipinaghila siya nito ng upuan saka inihain sa harapan niya ang pagkaing nasa tray. Hindi niya magawang ilayo ang tingin dito. From the way he serve food on her plate hanggang sa pagsasalin nito ng tubig sa baso niya. What a real gentleman he is! Tapos sasabihin nitong huwag ma-in love rito? Paano nga ba? Gusto niyang maiyak dahil sa labis na frustration.             "Stop sulking, Miss Galindo," anito. "Now eat." Hindi alam ni Keith kung paano niya naubos ang pasta bolognese at dalawang garlic bread na inilagay ni Seb sa kanyang plato. Hinintay niyang matapos ang kaharap sa kinakain nito saka siya tumayo at iniligpit ang kinainan nila. She also decided to do the dishes.             "Ako na," sambit ni Seb. Tinangka nitong kunin sa kanya ang  platong hinuhugasan niya ngunit tumanggi siya.              "Kaya ko na 'to," sagot niya. Ni hindi na rin niya ito nilingon pero alam niyang nasa likuran pa rin niya ito. Hindi tuloy siya mapakali habang hinuhugasan ang pinagkainan nila. She heaved a deep sigh then said, "Kailangan bang ganito ka-close ang pagbabantay mo sa akin?" Hinintay niyang magsalita ito ngunit nanatili itong tahimik. Sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niyang isinaksak nito ang coffee maker and in a couple of minutes, umiinom na ito ng kape. He sat down on one of the stools and then he continue watching her.             "Oh, God!" sambit ng dalaga sa kanyang sarili. They really need to go back to Manila dahil kung hindi, baka mabaliw siya habang kasama ito. Nang matapos siya sa paghuhugas, dumiretso na siya sa kanyang kwarto. Hindi na niya pinansin si Seb kahit pa anong tawag nito sa kanya. Tinangka nitong sumunod sa kanya ngunit hindi na niya ito binigyan ng pagkakataon.             "No! Don't you dare come near me!" sigaw niya nang humakbang itong palapit sa kanya. Panay ang iling nito. Tinangka ulit nitong humakbang palapit sa kanya. "We need to talk, Keith."             "Wala tayong dapat pag-usapan, Sebastian. Trabaho mong protektahan ako, hanggang doon lang 'yon. Nothing more. Huwag mo nang gawin pang mahirap ang sitwasyon para sa akin," paliwanag ng dalaga. "Huwag mong ilagay ang sarili mo sa isang sitwasyon na hindi mo naman kayang panindigan. Dahil kung anuman 'yang rason mo kung bakit gusto mo akong kausapin, alam mong hindi 'yan ang rason na gusto kong marinig mula sa'yo." Seb was left dumbfounded. He keeps on biting his lips, reluctant if he'd follow Keith and talk to her. In the end, he decided not to. Lumikha ng malakas na kalampag sa kusina nang sipain niya ang silyang naroon. Hindi niya alam kung bakit nagagalit siya. Sa dalaga ba o sa sarili niyang hindi na niya kilala? Hindi rin niya alam. Basta ang paulit-ulit na pumapasok sa isipan niya ang ay malungkot na mga mata ni Keith habang nakatingin sa kanya. Remembering how sad and hurt she was earlier makes his heart beat eratically. It made him sad. And hurt, too.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD