Chapter Eight

1625 Words
It was already past midnight but Seb still couldn't sleep. Nakailang tasa na rin siya ng kape at nakailang stick na siya ng sigarilyo pero dilat na dilat pa rin ang kanyang mga mata. Nakailang ikot na rin siya sa resthouse na iyon ngunit wala talaga. Gising na gising pa rin ang kanyang diwa. He was about to get a new cup of coffee when he saw Keith came out from her room. Hindi siguro siya nito napansin ng dumaan ito sa may living room dahil medyo madilim sa bandang kinaroroonan niya. Nasa may bar counter siya kung saan walang sinding ilaw at tanging ang liwanag na galing sa labas ang tumatanglaw.  Tumayo siya mula sa pagkakaupo at sinundan ang dalaga. He keep his distance from her but just enough to see what she’s up to.  Umupo siya sa sementong sahig habang nakatukod ang magkabila niyang siko sa kanyang tuhod. His eyes still on her. Ang nakaipit na sigarilyo sa kanyang dalawang daliri ay dinala niya ulit sa pagitan ng kanyang mga labi pagkatapos ay hinithit niya iyon sabay buga sa usok nito.  Mahigpit na napakuyom ang kanyang kamao, kasabay nang pagpipigil niya ng kanyang hininga nang tanggalin nito ang suot na roba. Tanging naiwan sa katawan nito ay ang kulay itim nitong stringed bikini na pakiramdam niya anumang sandali ay pwedeng humulagpos ang tali. That would eventually expose her delectable body. Dahan-dahan itong naglakad patungo sa pool area. He could see that she's enjoying the coldness of the water kabaliktaran sa kung anuman ang nararamdaman niya ngayon. Dahil sa totoo lang, kanina pa siya parang sinisilaban sa init na dumadaloy sa buo niyang katawan. Seeing her in that sinful undies was not helping him. Mas lalong  nagising ang kanyang diwa. Looks like it would be one of those sleepless days that he has to deal with. Nakailang pabalik-balik din ito sa kalalangoy nang magpasya itong tumigil at nagpalutang-lutang na lang habang nakatihaya. Seeing her that way, made him throw away all the doubts and confusion he has. Isang hithit pa ang ginawa niya sa hawak na sigarilyo bago iyon ipatak sa semento saka niya pinatay ang sindi noon gamit ang suot niyang sapatos. Hindi na siya nagdalawang-isip pa. Naglakad siya patungo sa pool pagkatapos ay hinubad niya ang suot na t-shirt at pantalon. Tanging naiwan sa kanya ay ang suot na boxer shorts.  Lumikha ng malakas na lagapak sa pool ang ginawa niyang pag-dive. Naulinigan pa niya nag pagtili ng dalaga bago siya tuluyang sumisid sa ilalim. Nanatili siya sa ilalim, thinking and sorting things out. Subalit ilang segundo na siya roon pero wala talaga siyang maisip at mai-reason out sa kung ano ang nararamdaman at nangyayari sa kanya ngayon. Ang he's not liking it. May ideya na siya ngunit pilit niyang itinataboy iyon. He just smiled bitterly. Sa mismong tapat ng dalaga siya umahon, dahilan upang mapatili ulit ito sa gulat at takot. Panay ang piglas at pasag nito nang tangkain niyang hawakan ito.  Mabilis na tumaas ang kanyang kaliwang kamay upang takpan ang bibig nito habang ang kabilang kamay niya ay pumaikot na sa baywang nito.             "Hey, it's just me," bulong niya sa may tainga nito. Noon lang ito nahimasmasan nang marinig ang boses niya. Tumigil na rin ito sa kakapalag.  Pareho naman silang hindi makagalaw at hindi makapagsalita nang mapagtanto ang kanilang posisyon. Nakasandal na ang likod ng dalaga sa gilid ng pool habang nakapaikot pa rin ang braso ni Seb sa baywang ng dalaga. Ang kaninang kamay nito na nasa bibig ng dalaga ay nakatukod na ngayon sa likod. Seb's face was still on Keiths shoulder allowing him to feel how it is to be this intimate with her.             "Let go," bulong ng dalaga sabay tulak kay Seb. Kailangan niyang makalayo rito dahil kapag nasa malapit ito, nahihirapan siyang huminga at hindi siya makapag-isip ng maayos.             "Just stay still, hmm..." he said beside her ears. His warm breath fanned her skin that sends a tingling sensation. Marahas niyang naipikit ang mga mata kasabay ng pagkagat niya sa kanyang labi upang pigilan ang pag-alpas ng kanyang halinghing. Seb is really giving her a hard time.             "No," tanggi ng dalaga. "I guess hindi na ito kasama sa trabaho mo di ba? At pwede ba, Sebastian, don't send signals on me. Huwag mo akong paasahin samga bagay na hindi mo kayang ibigay." Tinangkang tanggalin ni Keith ang braso nitong nakapulupot pa rin sa kanyang baywang ngunit nagmamatigas ito.             "Ano ba, Seb! Hindi ka na nakakatuwa!" singhal ng dalaga sabay tulak ng malakas dito. Nagsisimula na siyang mainis sa kanyang sarili. Naging mabilis naman ang kilos ni Seb. Mabilis niyang naisandal ang dalaga sa gilid ng pool pagkatapos ay sinapo ng magkabila niyang kamay ang pisngi nito saka niya sinakop ang makipot at mamula-mulang labi ng dalaga. Naramdaman niyang napatigil ito kaya sinamantala niya ang pagkakataon upang tugunin nito ang kanyang mga halik. His tongue seeks for entrance but her lips were still sealed. So he did, what he had to. Kinagat niya nag ibabang labi nito sanhi upang mapaawang ang labi nito, just enough so he could slide his tongue inside her mouth. And he did succeed. And God forbid but he just tasted the sweetest lip! He was urging her lips to move, so he claimed and sipped it without hesitation. Nagtagumpay naman siya dahil maya-maya ay naramdaman na niya ang pagtugon nito sa kanyang mga halik. Ang kanyang kanang kamay ay pumaikot ulit sa baywang nito saka niya ito hinapit papalapit sa kanya habang ang kaliwa niyang kamay ay nasa batok ng dalaga, urging her to kiss him more. Kung kanina ay may ilang pulgada pa ang pagitan ng kanilang katawan, this time was different. Dahil nakadiin na ang kanyang katawan sa katawan ng dalaga. Tongue to tongue and body to body, they shared that pleasurable and tingling sensation. Kapwa sila naghahabol ng hininga pagkatapos ng mainit na sandaling iyon. Napayuko na lang ang dalaga ng mahimasmasan siya. God! Hindi niya akalain na ganoon siya karupok. Sinubukan niyang umahon mula sa pool ngunit naging mabilis ang kilos ni Seb at nahila siya nito pabalik.             "I need to go back to my room. I need to change. Nilalamig na ako,"  sagot niya sa malamig at mababang tono ng pananalita. She's hurting. And lost. Tinaggal niya ang kamay ni Seb na nakahawak sa kanyang kamay. Mabuti na lang at hindi na ito kumontra pa.             "Keith," tawag nito sa kanya. "We need to talk." Napatigil sa pag-ahon ang dalaga. Humarap ito kay Seb.             "Wala tayong dapat pag-usapan, Seb. Alam mo naman kung ano ang gusto ko di ba? At hindi mo kayang ibigay iyon kasi hanggang ngayon, siya lang ang pinapapasok mo diyan." Itinuro ng dalaga ang parte kung saan nakatapat ang puso nito. Hinintay niyang magsalita ito ngunit hindi nangyari iyon. Mapakla siyang napangiti sabay sabing, "See? Wala kang masabi di ba? So, anong pag-uusapan natin?" Isang mahabang katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. Keith's eyes narrowed down on Seb, waiting for what he's going to say but minutes had passed and still, he hadn't said a single word.             "I like you," sambit ni Seb. "But not the way I like and love her." Doon na tuluyang humulagpos ang inis at sama ng loob ng dalaga.             "Tarantado ka pala eh!" gigil na sambit ng dalaga. Ramdam niya nag panginginig ng kanyang buong katawan dahil sa sinabi nito. Hindi katanggap-tanggap na nagawa nitong sabihin ang mga salitang iyon sa kanyang harapan mismo. "Should I be celebrating that you said that? That you like me but not the way you like and love her? Really, Seb? Kailangan mo talagang sabihin 'yon straight in to my face?" Napangiti siya, puno nang hinanakit. She tried to speak some more to tell him how badly she was hurt because of his words but she decided not to. Para ano pa? Baka masaktan lang siya lalo. It's better not to talk to him anymore. They just have to pretend that nothing happened.             "But anyway, thanks for the kiss. Mapait pala kapag galing sa'yo, so we better not do it again, okay?" Were her last words before she went inside her room. Hindi na niya ipahihiya ang sarili rito. She went straight to the shower to wash herself out. Kasabay ng pagdaloy ng tubig sa katawan niya ay ang pag-agos din ng kanyang mga luha. It just hurt so much. Sobra-sobra. Naalala pa niya ang unang beses na nakita niya si Seb. Right at that instant, she knew that she like him already. Buong akala niya, simpleng paghanga lang iyon ngunit habang dumaraan ang mga araw, unti-unting lumalalim ang paghangang iyon. And now, she's here, falling for him. Bakit kay Seb pa? Pwede namang sa ibang lalake di ba? Pero bakit sa lalakeng hindi maka-move on sa asawa nitong matagal na namang patay? Maibabalik ba ng pagmamahal nito ang babeng iyon? Hindi naman di ba! Hindi na!   Nang matapos siyang maligo, umupo siya sa harapan ng salamin. Tiningnan niya ang sarili, tinanong kung anong mali sa kanya at hindi siya magustuhan ni Seb. Maganda naman siya, matalino at mayaman, pero bakit hindi pa rin siya makuhang magustuhan nito? Subalit nagpagtanto niyang hindi niya maipipilit ang sarili rito. Hindi pwedeng ganoon. She must accept that. She just stood there, staring at herself in front of the mirror. Magbubukang-liwayway na nang magpasya siyang humiga sa kanyang kama. Noon lang din siya nakaramdam ng antok. Umaasa siyang paggising niya, it would be easier for her to accept the fact that he wouldn't stand a chance with him. Dahil hindi na siya nito papansinin at pakikialaman pa. But the opposite happened. Dahil paggising niya, may nakahanda ng almusal sa mesa with matching flowers. Naroon na rin ito, prenteng nakaupo, mukhang hinihintay siya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD