Napatigil siya sa b****a pa lang ng kusina ng makita niya kung ano ang nakahanda sa ibabaw ng mesa. Hindi niya alam pero nasasaktan siya. Nasasaktan siyang makita ang bulaklak na naroon. Nasasaktan siyang makita na naroon si Seb habang hawak iyon dahil umaasa na naman siya. Umaasa na naman siya sa isang bagay na walang kasiguraduhan.
Huminga siya nang malalim bago tuluyang pumasok sa kusina. Nakita niyang tumayo si Seb ng makita siya, nag-aatubili kung lalapitan ba siya o hindi. Sa huli ay lumapit ito at ipinaghila siya ng upuan.
Tiningnan niya ang nakahain sa mesa. May sunny side up na itlog, bacon tsaka hotdogs. May sinangag din tsaka freshly squeezed orange juice.
Inabot nito sa kanya ang bulaklak. Isa iyong bungkos ng mga daisies na iba't iba ang kulay. It was beautiful pero hindi niya magawang magbunyi na ibinigay nito iyon sa kanya. Ibinaba iyon ni Seb sa tabi ng dalaga ng hindi nito iyon tanggapin.
"What's all with this, Seb? Anong palabas 'to?" malamig pa sa umagang tanong niya rito. Ke aga-aga, pinalulungkot na nito ang kanyang pakiramdam.
"Naalala kasi kita nang makita ko 'yan kanina," sambit ni Seb. His eyes focused on Keith. Looking at her now is like a breathe of fresh air. Kahit nakasimangot ito sa kanya, gustong-gusto niyang nakikita ang mukha nito. Hindi nakakasawa.
Tinitigan ng dalaga ang lalakeng nasa kanyang harapan. Sa isip niya, paulit-ulit na tumatakbo ang mga katanungan kung bakit ba niya nagustuhan ito? Pero kahit anong tanong niya sa sarili, wala siyang makuhang sagot. It just happened.
Napabuga siya ng hangin, pilit inilalabis ang sakit at pait na dulot nito. Siya na ang unang nagbawi ng tingin dahil habang tinititigan niya ito, napagtanto niyang hindi na simpleng paghanga ang nararamdamn niya para rito.
Aminado siyang mahal na niya ito.
Dinampot niya ang kutsara at tinidor saka nag-umpisa na siyang kumain. Pilit niyang ini-ignora ang presensiya nito.
Subalit bigla siyang napa-igtad nang masagi ng paa nito ang paa niya sa ilalim ng mesa. Humigpit ang hawak niya sa tinidor ng maramdaman niya ang pagdampi ng paa nito sa paa niya.
Pinaningkitan niya ito ng mga mata, "What are you doing?"
"Hindi ka na naman nagsuot ng tsinelas. Baka pasukin ka ng lamig niyan," sambit nito. Pagkatapos ay tumayo ito at nagtungo sa may likod ng pintuan kung saan nakasalansan ang kanyang mga sapatos at tsinelas. Kumuha ito ng isa pagkatapos ay nagbalik sa kanya.
Lumuhod ito sa may harapan niya saka inangat ang isa niyang paa. Pinagpagan pa nito ang kanyang talampakan bago isuot sa kanya ang tsinelas.
Napalunok na lang ang dalaga dahil sa naramdamang kiliti nang dumikit ang palad ni Seb sa kanyang talamapakan. Humigpit ang hawak niya sa tinidor at kutsara kasabay nang mabilis na pagtahip ng kanyang dibdib.
Nahigit niya ang kanyang paghinga kasabay ng pagtatagis ng kanyang mga bagang upang pigilin ang sarili. Nagpatuloy siya sa pagkain, kunwari hindi siya apektado.
"Gusto mo bang maglakad-lakad sa labas mamaya? Sasamahan kita," tanong ni Seb sa dalaga. Tinangka niyang magbukas ng usapan dahil kanina pa ito walang imik habang kumakain. Tanging maririnig mo mula rito ay ang tunog ng kutsara at tinidor kapag napapa-daiti iyon sa bubog na plato.
Umiling ang dalaga. "No need. Kabisado ko ang lugar na 'to."
"Kailangan pa rin kitang samahan. Baka kung mapaano ka pa sa labas." Tanggi niya. Kahit malayo sila ng Manila, hindi nila sigurado kung wala nga bang nakasunod sa kanila upang pagtangkaan ang buhay ng dalaga.
"Hindi ako lalabas," mariing sambit ng dalaga pagkatapos ay dinampot na nito ang platong pinagkainan at dinala iyon sa lababo.
Ang tangkang pakikipag-usap ni Seb sa dalaga ay hindi na niya nagawa dahil tuluyan na siyang iniwanan nito.
"Keith," tawag niya rito subalit tanging sagot nito ay ang kalabog ng pinto nang malakas nitong isara iyon.
Magmula noon ay hindi na ito lumabas pa ng kwarto. Sumapit ang tanghalian, pero hindi rin ito lumabas. Hindi na siya nakatiis na hindi ito katukin.
"Keith? Kumain ka na," tawag niya sa labas ng kwarto nito. Naka-ilang tawag siya rito pero hindi ito sumasagot. Balak na sana niyang umalis nang bumukas ang pinto nito.
"Bakit?" tanong nito.
"Kumain ka na." He tried to divert his eyes when he saw what she was wearing. Nakasuot lang ito ng isang cotton short na hanggang gitna ng hita ang haba tsaka crank top ang pag-itaas nito na labas naman ang tiyan at sikmura.
"Hindi ako gutom," sagot nito pagkatapos ay pinagsarhan na siya nito ng pinto.
Nakuyom niya ang kamao pagkatapos ay mariing nahampas ang dingding. Hindi niya alam kung kakatukin ito ulit at sasabihing kumain na o pababayaan na lang ang pag-iinarte nito. Sa huli ay umalis na lang siya upang palipasin ang init ng ulo nito. Pero nang dumating na ang gabi at hindi pa rin ito lumalabas ng kwarto nito, siya naman ang nag-uumpisa ng uminit ang ulo. He's not liking it at sigurado siyang hindi rin nito magugustuhan kapag siya ang nagalit.
Tumayo siya sa harapan ng pinto nito saka marahas na kumatok.
"Keith, open this damn door!" he said as he continues banging on her room's door.
Salubong ang kilay nito nang pagbuksan siya ng pinto.
"Ano bang probema mo?" singhal nito sa kanya.
"So, ikaw pa talaga ang may ganang magalit?" manghang tanong ni Seb. "You're supposed to eat your lunch pero hindi ka lumabas dahil sabi mo nga, hindi ka pa nagugutom. Huwag mong sabihin hindi ka pa rin gutom ngayon, alas otso na ng gabi ah?"
Napangisi ang dalaga. Seb sounded like he's concern about her.
"Sa'yo na rin naman nanggaling na ang trabaho mo lang ay protektahan ako pero hindi ang maging yaya ko, so, why do you sound like one now? Kakain ako kung kailan ko gusto, okey?" Keith tried to hide her best not to hug the man in front of her. Pagod at gutom na siya ngunit may tinatapos pa siyang design na kailangan niyang ihabol kaya maski ang pagkain ay nakalimutan na niya. Nang mga oras na iyon, wala siyang gusto kundi ang mapaloob sa mga bisig ng lalakeng kaharap. Napapagod, nalulungkot at nasasaktan siya sa hindi malamang dahilan at gusto niyang ito ang mag-comfort sa kanya in exchange for her dad. And her mom, hindi na siya umaasa na naroon ito sa tabi niya dahil nakamulatan na niyang madalas ay wala ito sa bahay, abala sa trabaho nito bilang fashion designer. Isama pang, hilig din nito ang magliwaliw sa buong mundo.
Dahil na rin siguro sa inis kaya hindi na napansin ni Seb na humigpit na ang kapit niya sa braso ng dalaga. Kung hindi pa niya napansin ang pagngiwi nito, hindi niya malalaman.
Parang napapasong binitiwan niya ang braso nito.
"I'm sorry," hinging paumanhin ni Seb ngunit ang inis na kanyang nararamdaman ay naroon pa rin. Hinayon niya ng tingin ang dalaga na nasa kanyang harapan. Isang t-shirt na medyo maluwang na ang suot nito na hanggang hita ang haba. Hindi niya maaninag kung may suot pa ba itong pang-ilalim pero sana ay meron nga. Pero kahit ganoon ka-simple ang suot nito, maganda pa rin ito sa kanyang paningin. Ang mahaba nitong buhok ay basta na lang ipinusod kaya may ilang hibla ang nakatakas sa mukha nito.
Hindi niya namalayang tumaasa na pala ang kamay niya upang ayusin at i-ipit sa likod ng tainga nito ang hiblang ng mga buhok nito. He felt the urge to touch her face and neck but when he saw the annoyance in her face, he decided not to.
"You need to eat," pabulong na sambit ni Seb.
Bahagya namang umatras ang dalaga nang maramdaman niya ang pagtama ng mainit na hininga ni Seb sa kanyang pisngi. Kahit kailan talaga, hindi nakakatulong ang presensya nito sa kanyang nararamdaman.
"Later. May tinatapos pa akong trabaho."
Nagkaroon ng saglit na katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Seb was left for words.
Hindi rin malaman ng dalaga kung ano ang sasabihin pa kaya ipinasya niyang bumalik na lang ulit sa loob. Subalit ang akmang pagpasok niya sa loob ay napigil ng hawakan siya sa kamay ni Seb. Tinangka niyang bawiin ang mga kamay mula rito ngunit nagmatigas ang lalake. Ang mga sumunod na mga pangyayari ay hindi na namalayan ni Keith. Basta ang alam niya, ang braso ni Seb ay nakapaikot na sa kanyang baywang habang sakop na nito ang kanyang labi.
His full lips was already claiming hers in the most seductive way. Wala siyang nagawa kundi mapakapit sa batok nito nang maramdaman niya ang panghihina ng kanyang mga tuhod. Ang labi naman ng binata ay nagsimula ng lumikot sa kanyang leeg, nipping and sipping her delicate skin. Pagkuwan ay tumigil ito at ipinatong ang baba sa kanyang balikat.
"Isa kang matamis na prutas na bawal kong pitasin," bulong ni Seb sa kanyang punong tainga. She could feel his breathe fanning in her ear and it gave her that pleasurable feeling in between her thighs. She can't help but moan.
"Ikaw lang ang nagbabawal sa sarili mo," sagot ng dalaga. "If you just let me in here," turo ng dalaga sa puso nito, "you would realize how beautiful it is to give love and be love again. If you just let me."
Hindi alam ni Keith kung saan siya kumuha ng lakas ng loob upang sabihin ang mga salitang iyon subalit nagpapasalamat na rin siya na nasabi niya iyon. Oo, maitatago mo ang nararamdamn mo para sa isang tao pero hindi mo pwedeng itago sa sarili mo. You can fool others but you cannot fool yourself. Eh, ano kung malaman nitong mahal niya ito, at least naging honest siya sa sarili niya.
Seb licked her earlobe making her gasp with pleasure.
Bumulong ito sa kanyang tainga, "Hindi man magkapareho ang ating nararamdaman, magagawan ko naman ng paraan ang atraksyong meron sa pagitan nating dalawa."
Naitulak ng dalaga si Seb dahil sa inis. Subalit hindi ito pumayag na makawala siya.
"Siraulo ka pala eh! Hindi ako katulad ng ibang babae na basta na lang tatalon sa kandungan mo just because I like you. Hindi ganoon ang hanap ko, Seb. I like you a lot. O, baka nga, mahal na kita, eh pero hindi ako lalapit sa'yo dahil lang sa personal needs ko. Kung gano'n lang din naman ang rason ko, maraming lalake na magkakandarapa sa paanan ko para lang bigyan ako ng kaligayahan. So, huwag mo akong paandaran niyang mga banat mo."
"Oh, come on! We're two consenting adults, magde-deny ka pa ba?" nakangising tanong ni Seb. " We can't deny the fact that we're both attracted to each other so I'm offering you a situation in which both of us will gain something."
"Gain something?" singhal niya. "Oh, come on, Seb! Anong akala mo sa akin, patakbuhing babae?" Naiinis na talaga siya pero hindi niya alam kung sa binata ba o sa sarili niya. Dahil aminin man niya o hindi, nati-tempt siyang tanggapin ang alok nito lalo na at hanggang ngayon ay ayaw siya nitong pakawalan. He would plant small kisses on her neck and on her shoulders and it's kinda frustrating because it's not helping her. Hindi siya makapag-isip nang maayos. Nakahihibang naman kasi ang pagdampi ng mga labi nito sa kanyang balat.
Napaigtad siya ng dilaan nito ang kanyang balat sa leeg hanggang sa may punong tainga. Nakagat niya ang ibabang labi upang supilin ang mumunting mga ungol na gustong kumawala muli mula sa kanyang bibig.
"I'll give you time to think about it, honey bun."
Kung sa ibang pagkakataon siguro o kung hindi si Seb ang nagsabi ng salitang honey bun, masusuka siya dahil sa pandidiri. But hearing Seb calling her that, aaminin niyang kinikilig siya. Ni hindi nga siya makapagsalita dahil sa mga sinasabi nito sa kanya ngayon tapos may honey-honey bun pa itong nalalaman? That's too much to handle.
"Pag-isipan mong mabuti ang alok ko, honey bun," ani Seb.
Buong akala niya ay aalis na ito ngunit nakailanghakbang pa lang ito palayo sa kanya ng maglakad ulit ito patungo sa harapan niya. He cupped her face then he bent down to claim her lips again. This time, hindi ito pumayag na hindi niya tugunin ang mga halik nito. He inserted his tongue in between her lips finding its way inside her mouth. Nang mahanap nito ang pakay, his mouth ravished her lips as if there's no tomorrow. Ang mga halik nito, para bang uhaw na uhaw habang ang kamay nito ay abala na sa paghaplos sa bawat parte ng kanyang katawan. She could already feel his erect manhood pressing unto her.
Kapwa nila habol ang hininga nang bitiwan ni Seb ang kanyang labi then he straightly look at her eyes, " Sana makatulong 'yon sa pag-iisip mo."
Pa-simple pang pinadaanan ng palad nito ang ibabaw ng kanyang kaselanan bago ito tuluyang umalis.
She was left dumbfounded and unable to speak.