"Sige, suntok pa! Para babye na kay Madi" pangaasar ni Ivo kay Tony nang makabalik ito after 2 days
"f**k You" angil ni Tony
"Kung ikaw nasuspend pumalakpak ka!" Kumanta na si Syd para asarin si Tony
Nagsitawanan kami sa pangaasar nila dito. Nasa cafeteria kami at sabay sabay kumain. Walang sawa kakatawa dahil sa pinangaasar nila kay Tony na pikon na pikon na.
"Sige mang-asar pa, manlilibre pa naman sana ako ngayon" wika ni Tony
Biglang kuminang ang mga mata ni Syd, "Hoy tumigil na kayo! Kawawa naman si Tony" pananaway pa nito
"Kung ikaw nakasuhan dati at nambuburaot na ngayon, pumalakpak ka" kanta naman ni Citi na kinatawa namin ngayon
"Tagal na 'yun mga, bes! Move on din!" Asik naman ni Syd
Nakasuhan siya dati nung grade 7 kami dahil nadamay siya sa mga kaibigan niya na tinatawag ng kung ano ano ang adviser namin. Kaya lagi namin 'tong inaasar dati.
"Aysus ngayon tiklop ka!" Umirap si Citi at tumayo na lang para bumili ng lunch niya.
Kumain kami nang makabili ng lunch at bumalik na sa class room.
Sa nagdaang araw, tahimik buhay ko at walang Cedric na pang-gulo. Kanina lang umaga nilapitan niya ako at sinabihang may girlfriend na daw siya kaya huwag na daw muli itong lumapit sa kanya.
As If, lalapit ako! Baka siya ang tumiklop kaagad diyan! Tsaka, hello! Sinong may paki? Ang bilis naman mag-palit! Sa bagay malandi pala siya!
Pinagalitan ako ng nanay ko nung una dahil sa PDA na 'yan pero napatawad din ako kapagkuwan dahil nabalitaan nito na sinapak si Tony.
Ngayong araw na 'to ay PE namin kaya makikita ko ang pagmumuka ng lalaking kinamumuhian ko.
Nagpalit muna kami ng damit sa room bago bumaba at mag-practice ng volleyball dahil PETA namin ito.
Pa-busy ng pa-busy ang mga araw namin dahil kailangan namin mag-practice para sa PETA namin. Ang iba kasi sa subjects ay puro perfomance ang nangyayari. Dahil malapit na ang periodical kaya nagsisikilusan na ang lahat. Lalo na sa Your Face Sounds Familliar namin.
Pinahahalagahan namin 'yan dahil competition sa buong grade 8 ang mangyayari kung kami ang makakuha ng pinaka mataas ng marka sa buong section namin at laking tulong 'yun sa grades namin pag lumaban kami at nanalo.
Then I met his eyes, nasa sulok siya at nakatayo. Tinaasan ko 'to nang kilay at inirapan pa.
Then I saw him with his best friend. 'Yung tumulong sa akin dati para mapalapit dito. No wonder, lagi silang magkasama at sobrang close kaya hindi na ako magtataka kung siya ang new girlfriend ni Cedric at least hindi na siya baliw sa akin.
Wala akong naramdaman na kahit anong sakit dito. Walang-wala. Hindi katulad nuon na umiyak pa ako.
Nang matapos ang PE namin umakyat na kami at nagpalit para dumiretso na sa Computer room na last subject namin.
Pagtapos na pagtapos ng klase, dumiretso ako sa Mcdo para antayin si Tony duon. Hanggang 4pm pa kasi ang klase nila pag gantong araw kaya kailangan ko pa itong antayin.
Nag-usap kasi kami nito na kakain kami sa Mcdo ngayong uwian.
Dahil nga board ako at wala naman akong dalang cellphone napagisipan ko na lang na bumalik sa School at duon na lang ito antayin sa tapat ng simbahan.
Hindi nagtagal unti unti na nagsisilabasan ang mga ibang studyante kaya hinanap ko 'to. Then I saw him, I went up beside him.
"Let's go?" Ani ko dito
"I thought you're there na" wika nito at hinawakan na ang kamay ko.
"Distance muna nasa school pa tayo" bulong ko dito
"Apparently nasa labas na tayo kaya hindi na mahuhuli" wika nito
"Isa!" Pagbilang ko dito para bitawan ang kamay ko
Kahit na nasa labas kami o wala. Baka may magsumbong nanaman na parang tanga.
"Okay okay" wika nito at binitawan ang kamay ko
Nang makarating kami sa mcdo, naghanap muna kami ng table sa taas. Laking gulat ko ang katabi naming table ay kina Cedric kaya hinayaan ko na lang.
"Ano gusto mo?" Tanong ni Tony kapagkuwan
"Uhmmm fries and float na lang po" wika ko dito at ngumiti ng pagkatamis tamis.
"Okay-okay" he said and left
Dahil nga umorder si Tony, wala akong ginawa kung di ilabas na lang ang libro ko para magbasa basa ng onti.
Hindi ko pinansin ang dalawa na nasa harap ko na naglalandian. Napupukaw lang sila ng mata ko pag tinitignan ko ang hagdanan kung tapos na si Tony.
Di nagtagal dumating na ito at dala dala ang order niyang pagkain. Niligpit ko na sa bag ko ang libro at nagsimula ng kumain.
"Tony, sa'n ka mag senior?" Tanong ko kaagad dito
"Uhmm, It's on dad's choice pero I rather be a singer" wika nito
He always dream about being an artist kaya hindi ako hahadlang sa kahit anong plano niya. But his dad wants him to be mechanical engineer.
"Pag naging singer ka ako number 1 fan mo and I'll be on your side sa unang performance mo" masayang sabi ko dito
"I'll expect you, sweetheart! Sana nanduon ka" wika nito
"I'll be there, I promised" wika ko dito at ngumiti ng matamis
"Kasi pag hindi hihilain kita sa bahay niyo" pagbibiro nito
"Okay okay! Basta sisiguraduhin mo lang maganda ang performance mo. But still mag aaral ka pa rin" sambit ko
"Yea, that's my plan! And if I am famous now, I'll buy you your own clinic" wika nito
Aww, he's so sweet!
"No need to" wika ko dito
"MKJT's DENTAL CLINIC, ayan ang ipapangalan natin" sambit nito habang may pa hand gesture pa
"Bakit naman MKJT?" I furrowed my brow
"Madison Keith, Justin Tony" sagot nito
"Wow, ahh! Sinama pa pangalan! Bakit ikaw ba magbubunot ng ngipin?" Tanong ko dito
"Hindi pero nanduon ako sa clinic mo magpapapogi para madaming costumers" wika nito
Binatukan ko siya "sira!"
"How about the name of your band?" Tanong ko kaagad
"It's okay lang naman but I rather choose na 'yung name mo ang pangalan ng clinic mo" wika nito
"Hayaan mo na matagal pa naman 'yun! Basta we will stay like this" wika ko dito pinunasan ang gilid ng labi nito dahil may ketchup
"We will! Basta wag kang manloloko at iwan ako" he said frankly
"I will not, Tony. Baka ikaw ang mangiwan" asik ko dito
"Baliw na baliw ako sa'yo iiwanan pa kita? No Way" he happily said.