"Madi, ayan na ang valentine mo"
Nagsitilian ang mga kaklase ko. It's a valentines day now, it's been months since that incidents happened.
Laling Gulat ko na si Cedric hindi pa rin tumitigil kakalapit sa akin kahit may jowa na. Pilit ng pilit balikan. Nung Christmas Party nga nagbigay pa ng regalo na bracelet. Yung nabibili lang sa labas, boiler bracelet. Kahit siguro grade 2 nakakabili nun. Ang nakalagay pa sa bracelet 'your mine-cedric' Mukang pinagawa niya pa, at least nag-effort naman, wala nga lang akong paki sa kanya.
Napatinin ako sa labas ng room at nakita ko si Tony, may dala dalang bulaklak at isang paper bag.
Aww, so sweet!
"Ten, ten, tenen" kumanta na ng pangkasal si Allison na sinundan na ng mga bruha kong kaklase.
Sila na din ang nagbukas ng pintuan, pasalamat sila wala si Sir dito.
Natatawang lumapit sa akin si Tony sa b****a ng pintuan at inabot ang mga bitbit niya.
"Ang dami naman ata niyan" bulong ko dito
"Ay sus nahiya pa, kung ayaw mo akin na lang. Swerte mo na nga, e" sabat ni Allison
"Huwag ka na, may jowa ka naman na, e" saway ko dito
"Hindi naman katulad ni Tony na madaming binibigay" irap nito
"Saglit lang ilalagay ko lang sa upuan ko tapos baba na tayo" ani ko dito at nilagay na ang paper bag na puno ng chocolates bulaklak.
Bumaba na kami at umupo na sa kinauupuan nila Sydney. Tanaw na tanaw ko ang mga paper bags sa lamesa at teddy bear nito. Sa bagay madaming admirers ang ate niyo Citi kaya madaming nagbibigay, meron din naman kay Sydney pero unti lang.
Samantalang kay Sydney lahat ng admirers ni-isa wala siyang natipuhan, ang arte kasi gusto niya 'yung perfect. Mabait, pogi, matalino at kung ano ano pa. Tapos si Citi, si Ivo lang pinayagan manligaw dito.
"May mamimigay ba dyan ng chocolates?" bungad ko sa kanila
"Ulol, nakita ko bigay sa'yo ni Tony kaya 'wag ka ng buraot" asik kaagad ni Syd.
"Edi wow!" I said in o mouth.
"Citi, Ehem! Mamigay, Mamigay" paguubo ko pa
"Oh, ito sa'yo na" nilahad pa ni Citi ang mga iba niyang chocolates niya.
"Hala ang dami nito, baka magalit mga admirers mo" sabi ko habang kumikinang kinang ang mga mata ko
"Nako, sis. Mas madami siyang binigay kila Ava. Mas madami pa ang nasa room diyan. Nagseselos na nga si Ivo kasi madami siyang natatanggap, e" ka-bitteran na tugon ni Syd
"Weh? Totoo?" Napalaki mata ako at hindi makapaniwalang tugon ko
"Puno nga upuan niyan. Kaya nga 'yan badtrip kasi hindi niya na alam pano bibitbitin 'yung mga yun. Namigay na nga sa'kin pero marami pa rin" angil ni Syd
OMG! Haba ng hair ng gaga!
"Ikaw na, girl! Daig mo pa si Repunzel sa haba ng buhok mo" pumalakpak kong ani
"Manahimik ka nga, dumami nga lalo patay nanaman ako kay Kuya niyan" she rolled her eyes and rest her head on the table
"Hayaan mo na 'yan si Finn. Itong kuya mo din napaka protective akala mo naman talaga hindi nabaliw sa isang babae" asik ni Syd
"Ehem Ehem!"
Napatingin kami sa tumikhim at laking gulat ko na lang ng makita si Cedric dun may dala dalang mga chocolates na naka red ribbon pa, Taray!
"Ano nanaman ba kailangan mo?" Asik ni Tony kaagad
"Chill ka lang, pre! Ibibigay ko lang 'to kay Madi" he said while putting the chocolates under the table and left.
Kinuha ko iyun at laking gulat ko pa na may note sa taas ng chocolates.
'Happy Valentines, Madi! I'm always here looking at you'
Ay wow, CCTV na pala siya! Sana all.
I rolled my eyes and sighed, "Nasaan sila Ava?" tanong sa kanila dito at nilagay ang chocolates sa lamesa.
"Ewan, stalking their crushes" Syd shrugged her shoulders having a blank face.
"Nagsalita ang hindi stalker" sabat ni Citi
"Hindi naman, lucky lang ako kasi nakikita ko sila. Pinagtagpo ng tadhana" she said daydreaming
"You mean, Pinagtagpo pero Hindi Tinadhana" angil ni Citi
"Aruy! Payag ka duon? Wawa ka naman Syd, buti pa ako" Natatawang pang-aasar ko sa kanya
"Oo, buti ka pa gaga may jowa. Stay strong ahh, kasi nagdadasal na ako na mag break kayo tapos mag-book talaga ako ng reservation sa reception ng Shangrila Hotel para magcelebrate" Angil ni Syd
Ay Wo! Shangrila talaga? Ang bitter ng gaga! Palibhasa hindi kina-crush back!
"Sige maging bitter ka, tapos nandiyan sa likod mo 'yung crush mo na grade 10" bulong ni Tony dito.
Napatingin ito sa likod niya at binatukan na lang di Tony bigla
"Uto-uto" natatawang sabi ni Tony
"f**k You, JT!" Wika ni Sydney
Nakitawa na din kami, pano pagdating sa crush tumitiklop.
"Bitter lang ako sa inyo, pero may forever sa'min ni Kuya Aummanuel" She bite her lowered lip
"Gaga mag imagine ka lang diyan hanggang dalhin ka na ng mental" Binatukan ko siya
"Pag pumunta akong mental ay dahil bibisitahin kita dun kasi nadepressed ka sa break up niyo ni Tony" wika nito
"Who said we will broke up?" Tony mocked
"Ako, antayin niyo lang ang sasabihin ni God" tinuro pa ni Syd ang sarili niya
"Ang bitter mo, Syd! Porket wala ka lang jowa, e. Taas kasi satndards" Irap ko dito
"At least, I'm not someone who curse love" bumaling ito kay Citi
"What? It really sucks" Citi raised her brow
"Alam mo sasapakin ko na kapatid mo, tinuturan ka ng ganyan!" naiinis na wika ni Syd
"Okay lang 'yan, Syd. Hindi niya nga binabusted si Ivo, e" wika ni Tony
"Iww, ang kulit kasi nun. Kahit ibusted ko sa gitna ng court hindi tumitigil 'yung lalaking 'yun" may halong diri ang tono nito with her disgusted face pa.
"Love, ano pala balak mo sa chocolates na 'yan" wika ni Tony sa akin
"Oo nga, baka expired na 'yan, sis. Tignan mo" wika ni Citi
"Ang sama mo, kakainin ko 'to 'no. Sayang naman, wala akong paki kung galing sa kanya basta pagkain okay na" wika ko
"Takaw mo talaga, kung ako 'yan tinapon ko na sa basura" Sabat ni Syd
E, hindi ikaw. Sayang naman pagkain! Minsan lang 'to.
"By the way, sa monday na Educ week! Mag-solo na kayong dalawa, basta ako mag-hunting ako ng pogi" Syd proudly said
What did I expect, pogi nanaman!
"Hay, nako! Makahanap ka sana ng katapat mo" wika ni Citi
"bleh" she stick her tongue out, "Gotta go na, may gagawin pa ako sa taas, e" tumayo na si Syd at umalis
"I'll better leave din, bago pa dumating si Halimaw" lumabi si Citi at umalis na din
Halimaw, potek!! HAHAHAHA ang sama.
"Tony, saan tayo mamaya?" I asked him after Citi leave
"Uhmm, secret! Nagpaalam na din ako kay Tita para mamaya. It's gonna be fun" wika nito
Nang mag uwian dumiretso ako kaagad sa bahay at nagpalit ng damit. I wore a white shirt and black ripped jeans and a white sneakers.
Magkikita kami ni Tony sa labas daw ng bahay namin at susunduin daw ako nito. Lumabas ako ng bahay at sakto naman na may kakapark lang na sasakyan sa labas ng bahay namin. May lumabas sa sasakyan na naka-white sweater and paired it with black ripped jeans and white sneakers.
Terno pa nga kami ng damit! Sinasadya niya ata, e!
"Wow, ano 'yang suot mo?" bungad ko dito
"Damit, bakit? May problema?" he chuckled at me
"Weh, wala na! Gaya-gaya!" hampas ko dito sa braso niya
"It's not my fault, sadyang nagkataon lang na pareho tayo ng damit" may halong pang-aasar sa tono nito.
"Tumigil ka nga, ano tara na?" I asked him while he opens the car door
"Hop in" he said shrugging his shoulder
Sumakay ako sa sakyan at nakisakay na din ito, may driver siya kaya katabi ko siya sa likod.
Ilang sandali, Nagtataka akong napatingin sa kanya ng makita ko ang dinadaanan namin. Papasok kami sa Mckinley hill at isa sa kilalang pasyalan dito ang venice grand canal which is inspired sa Italy. This is one of the sweet spots during valentines day or dates.
Binaba kami ng driver sa tapat mismo ng entrance ng Mall.
"Hope you like it. Later sakay tayo ng bangka, then mamasyal and dinner" bulong nito sa akin at hinila na ako papasok ng Mall.
Unting pasyal ang ginawa namin sa Mall at bumili din ng damit. Maya-maya pa pumunta na kami sa grand canal. He captures a photos of us. Hindi naman ako pala story at pala post sa IG, memes lang sa sss ang shinashare ko. But for the first time, I posted a picture of me and Tony in my IG account.
Nasa railings kami at nag-papic sa isang tao na hindi namin kilala para lang makuhanan kami ng litrato. Nakaakbay ito sa akin at magkadikit kami, smiling at the camera. I captioned it 'valentine' .
Sabi nga niya, sasakay kami ng bangka, tumanggi ako nung una dahil mahal ang bayad pero nag-insist siya so I don't have a choice.
After a boat ride, we went to KFC para kumain. I was the one, who request to eat there. Hati kami sa bayad kahit nung una tumatanggi pa 'to pero pumayag din kapagkuwa.
"It supposed to be a perfect date" he pouted while we were waiting for the foods
"It is" I smiled at him
"No, dapat ako ang gagastos pero umaayaw ka" wika nito
"Because I feel like I'm burden to you" sambit ko dito
"No you're not! Remember that! I just want to be this perfect" wika niya at tumingin na lang sa ibang direksyon
"Okay" I chuckled
We spent hours at the Grand Canal, we watched the fireworks and shows that the Mall has prepared. Umuwi na din kami nito ng yayain ko ito.