madismith: Sydney, sorry na!
seen
madismith: sorry na, promise hindi na talaga. Titigil na ako, pleaseeeeeeeee!!!!
Pagmamakaawa ko pa sa chat. Mahirap suyuin si Sydney, dahil iba siya pag nagalit. Ayos na kami ni Citi, madali lang naman siya kausap, e. Sinabi ko sa kanya ang pagbubully sa akin ni Tony, which is nirason ko sa pag-lalaslas ko, kaya napatawad niya ako. Si Syd na lang talaga.
seen
I sighed before typing again...
madismith: Syd, Tinigil ko na talaga siya! Fine I'll tell you everything
madismith: nakita ko na si Cedric, bago ko pa lang nakita siya Sa I love Milktea. Masaya na siya sa piling ng iba nung nakita ko siya during PE namin.
Habang kinukwento ko na-realize ko ang babaw pala, sobrang nasaktan lang ako at hindi ko pa rin kinakaya na wala na talaga kami nung mga oras na iyon
penelopesyd is typing...
Sa wakas ng type na din siya!
penelopesyd: Pag 'yan ang rason mo ang babaw mo, sobra! Alam ko'ng meron pa
Huh? Anong meron pa? Ayun lang naman talaga ang dahilan, e. Oo na mababaw pero ayun lang naman talaga. Baka sinabi ni Citi yung isa kong excuse? Hala! Paktay!
madismith: wala na! Ayun lang! Ang babaw nga diba! Sorry na kasi
penelopesyd: wag ka ng matakot alam ko na, sinabi na sa akin ni Citi, kahapon. Wag kang mag-alala at ako bahala kay Tony, isa pang lapitan ka nun kakasuhan ko na 'yun.
Paktay! Wag na!!! Matagal na siya'ng tumigil simula nung iniiwasan niya ako. Iniiwasan ko din naman siya, e. Para hindi siya sabit. Sana hindi ituloy
madismith: hayaan mo na! Okay na! Basta sorry na :(
penelopesyd: okay! Just please don't do it again, hindi talaga ako magkakamali'ng hindi kita papansinin ng isang taon
Wewss, alam ko'ng di mo ako matitiss lalo na kilala ako ng crush mo na grade 9
madismith: ulol! Kilala ako ng crush mong bago, yung grade 9, kaibigan ko 'yun, e
Yup, naging kaibigan ko crush nito. Dati kasi nung kami pa ni Cedric madami ako kakilala'ng ka-grade level niya kasi kinakaibigan ko, kaya nung naging kaibigan ko 'yung crush niya'ng Glenn, nakilala ko na din si Glenn which is 'yung crush niya.
penelopesyd: hala!! Labyu bati na talaga tayo! Bukas ahh, kita tayo sa 7/11 tapat mg school mga 4pm para sabay sabay na tayo pasok sa school.
madismith: gagi ka, aabangan mo nanaman 'yung crush mo! Patay ka talaga kay Citi
Bukas na kasi last day namin before undas. So bukas na din concert, nakakaexcite nga, e. Lalo na bati na kami nito ni Syd. Hehehehe sabi na nga ba pag dating sa mga crush nito magiging marupok siya!
penelopesyd: alaws me paki! Kabisado niya na ako. Btw kasama si Ava sa atin ahh pati din 'yung kakambal ni Ivo si Ivy
Ahh si Ava, kaklase ko siya nuong grade 7 kami. Siya 'yung best friend ni Sydney matangkad at magaling mag-badminton. May sapak din sa utak 'yun at jeje. Pero maganda siya, boyish nga lang siya. While si Ivy naman, kaklase ko din last year. Kaya kami kilala ng sikat na si Ivo dahil kakambal ito ni Ivy. Si Ivy 'yung dyosa sa amin. Ang ganda niya. Siya angg girl version ni Ivo na pogi. Pero si Ivy mataba ang cheeks at matangkad ng unti kay Sydney.
madismith: okiee, alam ko'ng tropa niyo ni Citi 'yan.
Yup, mag-trotropa silang apat. Kasi nuong grade 7 kami hiwalay ako sa kanila minsan kasi kay Allison lagi ako sumasama. Lahat kami magkakaklase last year pero silang apat ang close ng sobra. Kami nga lang tatlo ang laging magkasama ngayon dahil magtrotropa kami nito.
Nagusap pa kami ni Sydney ng hanggang madaling araw dahil madami kaming pinagkwentuhan. Wala naman pasok bukas maliban sa 5pm na start na concert. Natulog na din kami ng 2am.
MGA 3:30 umalis na ako ng bahay. Nakasuot ako ng PE shirt namin, it is color yellow, tanda na grade 8 student kami. Then naka jeans ako at naka rubber shoes. Hindi kami aloud magdala ng tubig o ng malaking bag. Small bag lang to be exact at may inspection pa pag pasok ng school.
Hindi na ako nag-tricycle dahil malapit lang naman ang school sa amin. Dumiretso lang ako'ng 7/11 at duon nagantay. Dahil madami pa akong pera at pinabaon ako ng 150 ni Mama bumili muna ako snacks.
Sakto naman after kong makabili dumating na si Citi at busy sa kakacellphone. Hinatid pa siya ng kuya niya'ng grade 9 dito at umalis na din
She's wearing her PE shirt with light blue jean at naka-shirt pa 'to. Naka ponytail pa ito.
"Hoy! Citi!" Tawag ko sa kanya habanag abala siya sa paghahanap
Nang makita niya ako pumunta siya sa table ko at nakiupo dun. Nakikuha pa ng pakain ko.
"Tol, asan na sila?" Tanong ko dito
"Otw na sila, si Syd nasa mcdo kasama niya si ate Hermione" sagot nito
Hindi ko naman kilala si ate Hermione, si Citi lang ang kilala nito at si Ava. Ang alam ko lang, ex ito ng pinsan ni Sydney na grade 10.
"Ahh, sila Ivy?" Tanong ko
"Speaking of" ngumuso ito at may tinuro pa sa pintuan.
"Ivy!!!!" Tawag pa nito
"Yow, Feliciti" tumakbo si Ivy dito ng marinig nito tawag nito
Same as our outfit, ganun din ang suot ni Ivy. Ang ganda nga lang niya na nakaponytail dahil kulot ang buhok nito. Hindi naman sa typical na kulot na kulot. Basta ang ganda niya tapos bagay ang tangos ng ilong sa muka niya. GGSS din 'to katulad nung dalawa. Naka-brace din siya.
Nakiupo 'to sa tabi ko at kumuha na din ng pagkain.
"Putangina niyo. Ubus na pagkain ko, bayaran niyo yan!" Nagtantrum pa ako ng parang bata
"'Wag na bumili na si Ivo, ayun ohh" turo niya sa kakambal nito'ng nasa counter na at ang daming dalang pagkain.
Kuminang ang mata ko ng makita ko ang tatlong chichiryang bili nito.
"Takaw mo, Madison. Baka mabungi ka na niyan pati mata mo kumikinang pa" singit ni Ivy
"Ulol"
Natawa na lang si Citi at nagcellphone.
"Ayan na si Syd" sambit ni Ivy
Nakita ko si Sydney, papasok kasama 'yung si ate Hermione niya na mukang hinatid lang dito dahil umalis na din ng makapasok si Sydney.
She's so beautiful, nakacrown braid ito at kita pa din ang bangs niyang bilang lang. Naka high-waisted jeans siya at naka-nike cortez na black and white. Wow, sarap binyagan ng sapatos at puting puti. Hehehe kawawa yan mamaya. Naka sling bag din ito na beige ang kulay at stainless gold ang hawakan nito.
"Aba, oh ang ganda ng gaga!" Sabi ni Citi
"It's an honor" hunawak pa sa dibdib si Syd at parang grateful talaga siya sa sinabi ni Citi
"Ulol!" Singhal ni Citi
"Asan na si Ava?" Tanong nito at umupo din
"Otw daw, traffic" sagot naman ni Ivy na tumitingin sa cellphone niya.
"Filipino time 'yun! Yaan niyo na maaga pa naman. Oh libre 'to ni ate Hermione, sa inyo daw 'yan" nilapag ni Sydney ang dala niya'ng paper bag na mcdo
Dahil matakaw kaming dalawa ni Ivy, una na kami nagbukas. Laking gulat namin na isang BFF fries ang nasa loob nito.
"Yes! May fries tayo!" Sabi ko pa at sumubo
Sakto naman na dumating na si Ava.
Infairness nakalugay siya. Minsan lang kasi 'to nakalugay. Wala din 'tong kaartehan sa katawan ang gusto niya lang malinis at yun nga. Sobrang payat niya akala mo mababalian na siya ng buto. Suot niya ay black jeans with PE shirt niya at nakabag din ito.
"Sakto nagugutom na ako" bungad nito at umupo
"Ivo, lumayas ka na dito. Ikaw lang lalaki dito" pagtataboy ni Ivy sa kakambal nito
"Oo na!" Tumayo ito at umalis ng 7/11
Inubos muna namin ang pagkain namin dito at nagpicture pa kami.
Biglang may pumasok na grade 9 sa shop napatingin si Sydney dun. Napangiti ng malaki si Sydney at tinawag pa si Ava!
"Ava!! Si Lawrence, ohh" sabay turo nito
"Oo nga, ang pogi naman niya ngayon" kumento pa ni Ava ng makita ang crush nito. Hayyst! Ang panget, kadiri!
"Ang pangit naman ng crush niyo, aral muna" singit naman ni Citi
"Ang bitter ni Citi, ito talaga" napakumento pa si Ivy dito
Napagdesisyunan na namin pumasok sa school ng makapagkwentuhan pa kami. Sakto naman na 5:00 at dumiretso na kami sa kanya kanya'ng room. Ayun kasi ang patakaran habang 'di pa nagsisimula ang conecrt sa room muna kami. Katabi lang ng room ko ang kay Ivy, kaklase niya pala si Tony, s**t.
Nagusap usap kami na ang kitaan ay ang SCS store. Ayun yung malapit sa b****a ng court.
Nang pababain na lahat at nagsimula na ang concert, nauna na ng magperform si Jroa. Kaya habang madaming nanunuod nagkitaan na kami sa SCS store. Sakto naman anduon na ang dalawa.
Dahil unti lang ang alam namin sa kanta niya, nagpicture picture muna kaming lima. Nakapag picture na nga si Sydney sa crush niyang grade 10, eh pati grade 7. Lupit!
Habang naglalakad kami papuntang harap ng court at nakikisingit para sa harap talaga kami mismo ng banda dahil next na sila Flow G at skusta clee. Bigla na lang may tunawag sa akin.
"Madison!" Tawag ng isang grade 9 na kakilala ko
Lumapit ako dito at pinagantay ang apat sa gilid
"Oh, Bakit?" Nakangiting tugon ko
"Pa-pic daw si Glenn sa kaibigan mo!" Ani naman nito
"Awit! Sino?" Nalilitong tanong ko
"'Yung naka-crown braid" sagot naman nito
Si Sydney? Oh s**t!! Ang swerte naman nito! Sana All! Ang ganda kasi, e.
"Wait lang tatawagin ko" sabi ko dito.
Ayos ka Sydney! Hindi ka na mahihirapan pa-pic sa crush mo ahh!! HAHAHAHA
"Sydney!" Tawag ko dito
"Ano?" Naiiritang tanong nito
"May gusto'ng magpapic sayo" ani ko dito
"'Ge lang, asan ba?" Tanong naman nito
Hinila ko siya at dinala sa grupo ng kaibigan ko'ng grade 9 na tumawag sa akin kanina
"Ito na siya" sabi ko sa kaibigan ko
"Sino ba magpapapic?" Tanong naman ni Sydney
Tinulak ng mga kaibigan nito si Glenn at pinatabi sa gilid.
"Hala, hoy! Madison! Sapak ka sa akin mamaya!" Sabi naman nito habang namumula ang mga pisnge
Nagpicture silang dalawa, pern pa nga duon nakaakbay si Glenn dahil pinipilit ng mag tropa nila. Halata naman na naiilang ito.
After nun sinabunutan ako ni Sydney at habang tumitili. Pumunta na din kami sa harap at nagsimula ng nagsitilian.
Natapos mag perform sila Skusta at Flow-g at mayroon 20 minutes break habang inaantay ang Ben 'n Ben nagpapic pa sila Ava at Ivy sa mga crush nila. Pinilit din namin si Cuti mag pic sila Ivo na which is game na game.
"Okay, Tony pa-pic ka na" sigaw ni Ivo kay Tony
Napatingin ako kay Tony sa gawi nito at kinakamot pa ang batok nito.
"Sabihin mo na, pre" pamimilit uli ni Ivo. "Ako na nga! Madi, pa-pic daw si Tony sa'yo" excited na request na 'to
Bigla nanaman tumalon ang puso ko. Ano 'tong nararamdaman ko?
Huh? Bakit ako? Hala!!
"Omo!!!!!!! Putik!! Kinikilig ako" nagpabebe na singit ni Ava
Napatingin ako kila Citi at Sydney, napatungo na lang sila at nakangiti pa.
"Sige" pagpayag ko
Tumabi na sa akin si Tony at nagpapicture.
"Hoy, ang layo niyo. Dikit pa!! Dikit pa!!!" Sigaw ni Sydney
Lumapit naman si Tony ng kakaunti habang ako naiilang na pati ang puso ko sasabog na sa kailangan.
Dahil may unti pa kaming distanziya tinulak na ako ni Ava papalapit mismo kay Tony, dahilan para matama ang muka ko sa dibdib ni Tony.
"Ayan, good pose!" Singit naman ni Ivy
Kinikilig kilig ang dalawa habang nagsisipalakpakan si Ava na sinundan ng bruhildang mga ito.
Anong nangyari kay Sydney? Bakit parang walang galit ito kay Tony?
"Ayiee kilig pepe!" Nangingisay na sabi ni Ava
"Gago ang bastos mo" sambit ko
"Tara na Ivo! Kawawa ang inosente ko'ng tainga" sambit naman ni Citi
Ay sabi! Wow, si Ivo pa talaga ang niyaya!
"Ulol!" Singhal ni Sydney at nauna nang bumalik sa harapan. Sumunod naman ang lima.
Naiwan kaming dalawa ni Tony dito. Sa sobrang tahimik at pagkailang wala'ng ni isa ang nagsalita.
"Uhmm, Madi. Sorry ahh, nabully pa kita nakaraan araw naglaslas ka tuloy" pagputol ni Tony ng katahimikan
"Hindi naman ikaw ang dahilan nun, okay lang. So friends?" Naglahad ko ng kamay as a sign na okay na kami
"Friends" tumango ito at hinawakan din ang kamay ko
"Tara" yaya ko sa kanya para pumunta na kami sa harapan.
Habbnag naglalakad kami biglang may umilaw sa utak ko "uhmm, so bakit ka nambubully?" Tanong ko dito para naman may silbi ang paglalakad namin sa harap
"Yung iba, dahil may kasalanan sila sa akin" sagot namab nito
"Eh ako? Anong kasalanan ko sa'yo?" Tanong ko dito habang nakunot ang nuo ko.
"Uhmmm, kasi... grade 7 pa lang tayo nagkagusto na ako sa'yo. Then I met your best friends because of Ivo kaya lagi kong tinatanong mga ginagawa mo. Alam namannila na gusto kita matagal na. Actually... nagplano ako na i-bully ka para makuha ang atensyon mo matagal na pero hindi ko magawa kasi nahihiya ako. Pinipigilan pa nga ako ni Syd nung una lalo na nung nas court kayo alam niya na kaagad ang plano" sambit nito, hiyang hiya at nabubulol pa sa mga bawat salitang sinasabi
Napatigil ako sa pagsasalita. I didn't knew ang poging ka grade level ko na crush ng bayan ay crush ako? Tapos makuha lang atensyon ko i-bubully ako? Oh God! Bigla nanaman tumibok yung puso ko nang napakabilis. Call 911 pa emergency!! Dalhin niyo ko sa Ace Hospital, dali!!!
Alam ni Syd? Citi? Oh s**t!!! Kaya pala ang kilig nito kanina.
Tumawa na lang si Tony "kalimutan mo sinabi ko" sabi nito at hinila na uli ako para maglakad uli papuntang harap.