Binuksan ko ang pagkain ko'ng binili at kumain na lang. Akmang kukuha na ulit ako ng may bigla'ng kumuha nito sabay umupo dito.
"Ano sabi ko sa'yo?" Malamig ang tonong bumungad sa akin mula kay Syd
Hindi ko na lang siya pinansin at umiwas ng tingin. Nararamdaman ko nanaman na nagbabadyang lumabas ang aking mga luha.
Pinigilan ko ito'ng lumabas kahit mahirap. I guess, ganun talaga, may mga taong pinagtatagpo pero hindi tinadhana ang worse sasaktan ka lang ng isang tao. Sa simula pa lang dapat alam ko na na hindi pala natin kailangan maghanap o magmahal ng tao'ng sa simula pa lang sasaktan ka na. Kailangan tayo'ng makuntento sa kung ano'ng meron at sa ikakasaya na natin. Let God finds a way to our path.
Nang makita ni Sydney na nagpipigil ako sa pag-iyak tumabi ito sa akin at niyakap ako. Wala'ng may paki kung may makakita ang importante malabas ko ito.
"Hey, it's okay. You're gonna be okay. Don't waste you tears, it's not worth, he will bever be worth it. Just don't do anything stupid" bumitaw ito sa pagkayakap ko at hinawakan ang baba ko "okay?" She said and cares my back
Tumango na lang ako at nagsimulang kumain muli. Tinawag ni Sydney ang tatlo na makiupo na dito. Sumunod naman ang tatlo at nakiupo dito.
Mga ilang minuto din silang tahimik at hinahayaan akong kumain nang basagin ng isa ang katahimikan.
"Kain ka ng kain, kaya ka tumataba, e" pang-aasar nanaman ni Tony
Tangina mo! Wag mo ko'ng pipigilan kumain kung'di malilintikan ka talaga sa akin. Api-apihin mo na lang o kahit ano pa basta huwag na huwag mo akong pigilan sa pagkain ko!!!
Hindi ko na lang ito pinansin at kumain na lang.
"Syd, malapit na concert, ahh" Tinakpan ko ang bibig ko ng panyo habang nagsasalita
If your asking about concert, well sa school namin meron talaga'ng nagaganap na concert every year. Puro Junior High ang mga pwede lang umattend. Mga pinoy artist band or solo artist songerist ang pumupunta dito sa school namin. Last year mayonnaise ang pumunta at iba pang sikat. This year naman, isa sa magpeperform ang Ben and Ben pati si jroa, skusta clee at flow-g. Siyempre may bayad ang tickets 'no, 400 pesos, solid naman at masaya dahil aloud na ang pag bring ng phones. Paunahan nga lang sa harap at siksikan. Before undas break ito nangyayari, last day ng klase iyon kaya masaya kami bago mag-simula ang undas.
"Yup, at sama sama tayo uli. Sasamahan niyo din ako mag-papicture sa mga bebe ko" pagsisingit pa ni Sydney
Ayan nanaman tayo, ang mga crush nanaman ang hahagilapin niya. Siguraduhin niya lang makakapanuod kami, kung hindi sapak abot nito sa akin.
"Sana ma-full storage ka" sabat naman ni Citi
"Okay lang, pahiram cellphone mo" sabi naman nito
"Ulol!" Singhal ni Citi
Tumawa na lang ako sa kanilang dalawa. Paano ba naman, pag may mga times talaga na pwede dalhin ang phone hindi nagpapalipas nang oras si Sydney at magpapapicture pa sa crush niya. Todo flex naman sa IG at paselos duon sa ka-MU niya sa ibang school. Siraulo lang, ganun.
"Ang pangit mo tumawa, Madi" banat nanaman ni Tony
"Kahit naman 'wag 'yan tumawa pangit talaga si Madi" singit naman ni Sydney
Amputcha! Dzuh! Ang ganda ko kaya, bulag na lang hindi makakakita nitong kagandahan ko. Masuka kayo sige! Fck you din kayo! HAHAHAHAHA
"Tangina mo, Sydney" singhal ko sa kan'ya
"Tangina mo din" balik nito sa akin
"Manahimik nga kayo! Puro kayo mura pareho naman'g panget. Yoww, look at my face and you will see brightness and heaven" sabat ni Citi habang nagpapacute pa ito sabay beautiful eyes
1
2
3
Sabay kami'ng napasuka ni Sydney sa sinabi niya.
"Hala, uuwi na ako. Ang hangin kasi baka umulan" ani ni Sydney
"May supot ka, Ivo? Pahingi naman grabi kasi 'yung kahanginan nililigawan mo at nasusuka pa nga ako" sabay lahad ko ng kamay dito
"Wait lang, meron ako dito" sagot naman nito at nagpanggap na may kinalkal sa bag
Napa "Aray" na lang kami ni Syd nang batukan kami ni Citi.
Hinawakan namin ito at hinimas himas habang masama ang tingin kay Citi. Bumaling naman ito kay Ivo at binatukan din ito para mapatigil sa pagkakalkal ng gamit
"Mga timang kayo, alam niyo 'yun?" Dinuro duro pa kami ni Citi. "Ikaw!" Sabay hampas nito sa braso ni Ivo "baka hindi kita sagutin diyan, tangina mo. Buti pa 'tong si Tony, napakabait, kung siya na lang kaya jowain ko" pagloloko nito at naduwal din ng ilang sandali "oh s**t! Kadiri pala!! Iwww" dagdag nito
"Mas pipiliin ko pa si Madi kaysa sa'yo, baka patayin din ako ni Ivo 'no" sagot naman nito habang umiling iling pa
Napatigil ako sa pagtawa at umiwas ng tingin. Naramdaman ko ang pag-init ng muka ko sa salitang binitawan niya.
"Pipiliin i-bully" I murmured
"Edi sana all sa inyo!" Sabat naman ni Sydney
Umiling na lang ako "yuck" komento ko pa
"Ang arte mo, Madi! Pasalamat ka at hindi ka binubully nito at may gusto pala sa'yo 'tong Tony na 'to. Namiss understood ko pa siya" ani ni Syd habang malaki ang pagngisi niyo
Kung alam mo lang! Trip nanaman ako nito'ng lokohin.
"Masyado ka kasi'ng judge mental, ang ganda kaya ni Madi..." sabat naman ni Tony "...sa panaginip niya" tawa nito
Potangina niya!!
"Nako, bro! May gusto ata sa'yo si Madi, namumula, ohh" sabat naman ni Ivo habang tinuturo pa ako
Napaiwas na lang ako ng tingin at kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at pumikit ng mariin at binuklat muli.
Hinawakan ni Syd ang magkabila kong pisnge at pinalingon ako sa kanya
"Nag-blush nga!" Komento naman ni Sydney "nako nakamove-on ka na kaagad kay Cedric, ahh. Kanina lang iyak ng iyak at nagwalk out pa sa milkteahan, ikaw lang pala ang makakapapamove-on dito, Tony" dagdag pa nito
"Mainit lang kasi!" Sabay bawi ko sa muka ko'ng hawak hawak niya
"Ulol" kumento pa nito
Natawa ang dalawang lalaki at nag-apir pa
Kung alam mo lang, Sydney Venganza!! Kung alam mo lang
"Yow, ang dami niyo'ng alam, aral muna bago landi" pabalang na singit ni Citi
"Ouch! Natamaan ako duon ahh" kumento ni Ivo sabay hawak sa kanya'ng puso na akala mo naman talaga nasaktan
Umiling na lang si Citi at umirap.
"Aray, ignored" komento ko makikipag-apir na sana kay Sydney ng bigla nito'ng hinawakan ang palapulsuhan ko at tinignan ito.
"Gaga ka! Sabi ko'ng wag nang mag-laslas, ginawa pa" binitawan nito ang palapulsuhan ko nang pabalang "ngayon mo lang naman siya 'uli nakita, ahh. Unless may pinagdadaanan ka nanaman kaya ka nag-lalaslas" sarkastikong wika nito
Oo nga pala, hindi niyo din alam na nakita ko si Cedric kaahapon.
Lumabi na lang ako at uminom ng milktea ko. Napatingin ako kay Tony na nakatingin lang sa aking palapulsuhan, bakas sa muka niya ang pag-aalala.
Baka ma-guilty si Tony at sisihin pa ang sarili bakit ako nag-lalas, sinabi pa kasi ni Sydney na may ibang pinagdadaanan. Okay lang, maguilty siya I don't care gusto ko din naman nito mag sorry at tumigil na, e.
"Akin na blade mo, ako mismo maghihiwa sa balat mo" pabalang na tugon muli ni Syd
"Hayaan mo na, Syd. Pabayaan mo siya magpakamatay" pagtigil ni Citi kay Syd habang pinag-cross ang mga braso nito at sumandal
"Tumigil ka na, Madison! Isa pa'ng may makita ako'ng bagong sugat diyan sasabihin ko na kay Tita 'yan" dagdag pa nito, halata sa muka nito ang galit
Alam ko'ng hindi na nagbibiro si Citi dahil binigkas na niya ang pangalan ko na buo mismo. Iba pa naman 'to pag nagalit at tinototoo talaga nito ang mga sinasabi niya.
Napatahimik na lang ako. Pati si Sydney nanahimik na lang din para mapakalma si Citi.
Ilang sandali pa pinutol ni Ivo ang katahimikan.
"Okay, uwi na tayo at ano'ng oras na din. Hatid ko na si Citi at pakakalmahin ko na din" wika nito at tumayo para kunin na ang mga gamit nito, siya na din ang nag-bitbit nang isa pa'ng bag ni Citi at hinala na nito si Citi nang masuot din nito ang bag niya'ng isa.
Nang makaalis ang dalawa tumayo na si Syd at nagsimulang buhatin ang bag "umayos ka, Madison dahil kung hindi ako mismo ang puputol sa kamay mo" pagbabanta nito at umalis na din
Wala na, nasira ang masayang pagsasama namin
"Hatid na kita" sambit naman ni Tony nang makitang nagliligpit na din ako
"Hindi na, iba daan mo diba? Sige na, bye" sabi ko dito at umalis
ILANG araw din nakalipas nang mangyari iyon, hindi na ako pinansin nang dalawa at iniiwasan pa. Ilang beses ko din silang chinachat sa i********: at messenger pero ni-isa walang kareply reply. Seen na lang ang nangyayari. Pati ata pag nagkikita kami sa cafeteria iniiwasan nila ako.
Hiding a lot of secrets to my friends is very foul, even my emotions. Smile duon smile diyan, okay lang ako duon, okay lang diyan. I still keep insisting I am okay even if I don't, parang sarili ko na din ang niloko ko. Parang nalunod na nga ako mas lalo ko pang nilunod ang sarili ko. I am still drowning and will still drowned if I don't stop this pain and will not take a step forward. Mali, maling-mali! Sobrang mali, Madison
Sino ba kasi'ng tanga'ng iiyak iyak pa sa tao'ng sinaktan ka at ni-isang katiti'ng hindi naman worth it ang mga luha at dugong lumalabas mula sa aking katawan.
Since that day happen, Si Allison na lang lagi ang kasama ko, iniiwasan ko na din si Tony pag magpapakita siya, I don't know but it feels wrong to see him also. Me, suffeing in pain because of s**t and he will bully me. Parang isa na din siya sa nagpapadagdag ng sakit na nararamdaman ko.