Kaninang lunch time nagpabili na lang ako kay Allison nang brownies na worth 50 pesos at sa room na lang kumain para hindi ko makita ang pagmumuka ni Tony, makikita ko din naman ito mamaya, e.
Nang matapos ang klase, nagsimula na akong magligpit at lumabas ng room ng malaki ang ngiti dahil ito na 'yung libre ni Ivo ng milktea.
Nawala ang ngiti ko nang makita ko ang kinaiinisan ko naghihintay sa hagdanan at nakatambay duon.
Naglakad na lang ako at tumayo sa tapat ng elevator para hindi ko siya mapansin dahil kasabay ko din naman si Allison pababa.
Nang pindutin ko ang down button bigla kinausap ko na lang si Allison.
"Allison, sino kagrupo mo?" Tanong ko dito tungkol sa aming PETA for Social Studies na 'Your face sound's familiar' na gagawin monologue at magsasadula tungkol sa isang taong nabunot naming kategorya
"Sila-sila, Klare. Wait, oh s**t! Nakalimutan ko libro ko sa English may assignment pa naman. Mauna ka na. Bye, love you" pagmamadali nito at bumalik sa room namin.
Sakto naman na bumukas ang pintuan nang elevator kaya walang problema na makakausap pa ako ni Tony.
Pumasok ako sa elevator at inaantay ang mga ibang estudyante kung papasok din sila pero, walang sino man ang nagalinlangang pumasok maliban sa isang tao na kinaiinisan ko.
Umirap na lang ako sa hangin at pinindot ang ground level para makababa na at nanahimik
"Bakit di mo ko inantay?" Pagputol ni Tony ng katahimikan
"Sino ka ba para antayin?" I whispered not looking at him
"Amo, bakit? Angal?" Asik nito
Bullshit!
Napatingin ako sa gawi nito "Oo, angal! Amo? Kailan pa? At pwede ba tigilan mo ko dahil wala ako sa mood" tinignan ko ito ng masama
"Kahapon, umiiyak ka. Tapos buong mag-damag wala ka sa mood, ano mayroon sayo?" Tanong naman nito tila nagiisip pa
Heart broken, bakit? Pagagalingin mo? E katawan ko ngang sinasaktan mo hindi mo mapagaling, puso pa kaya?
"Wala ka na duon" I whispered
"Okay" he raised his both hands like surrendering while shaking his head.
Binaba niya uli iyon at nagsalita uli, "sabi ni Ivo ako na susundo sa'yo at dumiretso na daw tayo sa 'I love Milktea' at duon tayo magkita kita"
The f**k? Ano ba 'yan!!! Nakakainis naman, ohh!! Bakit siya pa ang kasabay ko? Pwede naman iba, ahh. Mapapasubo nanaman ako dito. Nako!
Hindi ko na lang siya pinansin at sakto naman bumukas na ang elevator at lumabas na. Naglakad ako papuntang main, para makalabas na ng gate. Kailangan ko pang dumaan ng court para makalabas ng school.
Ramdam ko'ng nakasunod sa akin ang asungot na si Tony kaya pinapabayaan ko na lang.
"Hintayin mo 'ko" sigaw ni Tony
Hindi ako lumingon sa kanya at naglakad lakad na lang 'uli. Nagulat na lang ako nang nasa tabi ko na si Tony at hinihingal hingal pa habang sumusunod sa akin.
"Ano nanaman ba?" Pag tataray ko sa kanya
"Meron ka ba? Ang taray mo ngayon, ahh" tanong nito habang naghahabol pa nang hininga nito.
Hindi ko na lang 'to pinansin at naglakad na lang, nang makalabas kami pumunta muna ako nang simbahan para magdasal.
Kahit ganto ako, banal ako 'no. Banal banalan, pwede na din. Bago kasi ako pumasok ng school magdadasal muna ako. E, nakalimutan ko kanina kaya ngayon na lang ako pupunta.
"Hoy, hindi diyan ang miktea-han" singit ni Tony ng nang papasok na ako ng simbahan
"Shh ka nga! Magdadasal muna ako kaya kung ayaw mo sumama mauna ka na" bulong ko sa kanya at sinasaway ko pa ito
"Oo na, bilisan mo" napabuntong hininga pa ito
Ano ba 'yan! Sa Catholic School nag-aaral ang pangit ng ugali, hindi man lang marunong magdasal. Ang corny niya!
Umirap ako sa kanya at pumasok ng simbahan. Nag-sign of the cross muna ako bago pumunta sa mga upuan para lumuhod.
Nang makaluhod na ako nagsimula na ako mag-dasal ng katahimikan. Mga ilang minuto din at natapos na din ako magdasal. Tumayo na ako at lumabas ng simbahan. Nakita ko si Tony nag-aantay duon sa may pader.
"Tara na" may halong sarkastimo ang tono ko sa pagyaya sa kan'ya
Hindi ko na inantay ang sagot niya at naglakad na papuntang gate para tuluyan ng makalabas.
Nang makalabas ako, lumiko ako sa kaliwa para pumunta na ng I love Milktea shop. Bigla na lang ako nakaramdam ng bigat sa likod ko.
Magaan lang naman bag ko, ahh. Bakit biglang bumigat?
Napalingon ako sa likod at nakita ko si Tony nakangiti pa ito. Habang hawak hawak pa rin ang handle na maliit sa backpack ko at sinasadya talaga nito'g pabigatin ang kamay niya.
Umirap na lang ako at naglakad na lang uli "wala ka na bang ibang kayang gawin kung 'di ang maging pabigat at dagdag sa problema?" Tanong ko sa kanya habang naiinis na
"Grabe ka naman sa pabigat, hindi naman mabigat kamay ko, e. 'Yang bag mo ang mabigat" reklamo pa nito
Napairap na lang ako at lumingon uli sa kany. Hinampas ko ang kamay niya'ng nakahawak sa bag ko at tumakbo na papuntang I Love Milktea.
Nang makarating ako duon, laking pasasalamat ko na anduon na ang tatlo nakaupo.
Nakiupo ako sa kanila at binaba ang bag ko sa floor. Hinahabol ko pa din ang hininga ko.
"Ano nangyari sa'yo? Bakit ka ba kasi tumatakbo?" Tanong ni Syd habang hinihimas himas pa ang likod ko "Excited mag palibre, amputa" dagdag pa nito
"'Asaan si Tony? Bakit di mo kasama?" Tanong naman ni Ivo
Sasagot na sana ako nang bumukas ang pinto ng shop kaya napalingon kami duon.
Hindi ko na lang siya pinansin at kinausap si Citi na mukang na-out of place na. "Hoy, Citi!" Tawag ko sa kan'ya
"Ano?" Bakas sa tono nito ang inis
"Sabihan mo na sa manliligaw mo i-libre na kami, kakahiya kasi, e" ani ko kahit na naririnig ni Ivo. Sinadya ko talagang sabihin iyon para malibang at hindi pansinin si Tony.
"Bakit 'di mo sabihin, tutal pinaparinggan mo na. Ang takaw talaga" asik ni Citi
Natawa na lang si Ivo at tumayo na para umorder. Kinuha niya ang mga order na gusto namin tsaka siya nagbayad
Magtaka kayo kung bakit ang tahimik ni Syd, well busy siya sa kakacellphone. I told you, dala nanaman nito cellphone niya.
"Ang Init" ani ko sabay paypay sa sarili
Nakuha ko ang atensyon ni Sydney sa pagpaparinig ko
"Timang, akala mo kasi nasa winter ka. Jacket pa more" pagtataray nito
O'nga naman, magpaparinig ng mainit tapos na ka jacket. Akala mo kung anong bagyo ang dumaan.
Tinanggal ko ang jacket ko at sinabit ito sa sandalan ng inuupuan ko.
Nang makaorder na si Ivo bumalik ito sa kinauupuan namin.
"Tara picture dali" biglang tugon ni Syd habang pinupwesto na ang camera niya
Mamaya nakamyday na sa f*******: at may story na si Syd sa IG. Puno 'yan pag dating mamaya.
Nang makapag picture kami nagsimula na kami'ng uminom ng milktea at nagtambay pa.
Habang nagtatawanan kami nila Citi, bigla na lang ako nakaramdam sa muka ko nang maliit na bagay na mukang hinagis sa akin.
Lumingon ako sa kaliwa ko at nakita ko si Tony, subo-subo ang dulong parte ng straw niya habang ang kabilang dulo nakatapat sa akin
Inirapan ko na lang siya at kinuha ang tissue na nasa lamesa at pinunasan ang muka ko.
Kadiri amputik! Pati ba naman s**o ng milktea niya ipapamuka niya sa akin, bakit 'di na lang buong milktea niya.
Nang mailapag ko ang tissue ko, bigla nanaman may bumukas ng entrance door
Napalingon kami'ng lahat sa pintuan. Sabi na nga ba at malas talaga ang araw na 'to. I saw him, kasama ang jowa niya na walang ubod ng kaartehan.
Nang magtama ang tingin namin umiwas na kaagad ako ng tingin at nanahimik na lang.
Hindi ko man lang naramdaman na pumatak na ang luha ko sa pisngi ko.
Napapunas na lang ako nang palihim sa aking luhang lumalabas.
"Uhmm, Guys may joke ako" pagsisingit ni Sydney
"'Wag ka na mag-joke, ka-cornyhan nanaman 'yan, e" reklamo ni Tony akmang may sasabihin pa ito ng bigla na lang nito'ng tinikom ang bibig dahil pinandilatan siya ni Sydney
Tumingin ako sa orasan ko at tumayo na. "Una na ako, anong oras na din naman, baka mapagalitan pa ako ni Mama" ani ko habang kinukuha ang mga gamit ko
"Sama ako sa bahay niyo, nakakatamad pa'ng umuwi, e" singit naman ni Syd at tumayo
Hindi ko na lang ito pinansin at tuluyan nang lumabas ng shop dala dala ang inumin ko.
Sa totoo lang wala pa ako'ng balak umuwi, maaga pa naman at okay lang kay mama mag-gala basta kasama si Syd, pero ngayon gusto ko mapag-isa.
Dinaanan ko muli ang school at pumunta muna sa Ministop para duon magtambay at magpalipas oras.
Bumili ako nang ilang tsitsirya at kumain na lang dito. Gulat na lang ako nang makita silang apat nandito at nakaupo na sa isa sa mga upuan.
Hindi ko na lang sila pinansin at umupo sa kabilang upuan. Sana naman walang gawin'g ka-cornyhan si Tony, dahil ngayon talaga wala ako sa mood.