03

1645 Words
Uwian at hindi na ako nagpakita kila Syd dahil at diretso na lang umuwi ng bahay at nagpahatid kay Allison. Ayaw ko din kasi'ng magpakita kay Tony, baka kasi may balak naman ito'ng masama. Sa isang natitira ko'ng klase kanina, lutang ang buong pagkatao ko maliban na lang sa puso ko'ng wasak at durog na durog. Walang pag-aalinlangan na hindi ko binalak magpakita kay Tony kahit magkatabi pa kami ng room nito. Ayaw ko muna'ng ma-stress sa mga kinagagawan niya ngayon dahil wasak pa ang puso ko. Pasalamat sa Diyos, at wala'ng assignment ngayon na pwedeng gawin. Kung meron man, kokopya na lang ako sa kaklase ko. Pagtinatanong ako ni Citi, when it comes to cutting my wrist; sinasabi ko na hindi naman masakit at masaya pa gawin. Pag makikita niyo ang reaksyon nito matatawa ka na lang dahil madidiri siya o di kaya maiinis. Kaya nga wala ako'ng balak ipakita kay Citi pag ginagawa ko ito dahil maiinis na lang siya. Nang makauwi ako chinat ko kaagad si Syd, kahit alam ko'ng hindi pa 'yun nakakauwi dahil may inaabangan pa sa main building o di kaya kakain sa mcdonald kasama tropa si Citi o tropa niya'ng iba. Alam ko naman may dala 'yung Cellphone kahit labag sa batas. Major Offense ang pagdala ng cellphone sa school pero ang iba walang paki dahil madaming nagtatago. Isa na si Syd duon, itatago niya sa kasuluksulukan ng bag niya at nakapower off ang phone para hindi maingay. madismith: Syd, nauna na ako umuwi may pupuntahan pa kasi kami mamaya, e Pagsisinungaling ko. Ayaw ko na sabihin sa kanya ang nangyari kanina at baka sapukin lang ako. Mga ilang minuto pa nakalipas at nagchat na ito sa akin. penelopesyd: geh Diba, nice talking! Dapat kasi di na ako nagsabi, ito pa? Ang tamad kaya nito magreply lalo pag kasama kaibigan o may ginagawa. Iyak, buong maghapon wala akong ginawa kung hindi umiyak ng umiyak at maglaslas. Hindi ko nanaman mapigilan. Ewan ko bakit sa tuwing nasasaktan ako feeling ko tinatawag ako nito. Totoo, hindi masakit at masarap sa pakiramdam. KINABUKASAN pumasok ako sa school at nakarating duon ng 6:10 something ng umaga. Balot na balot ang suot ko. Nakajacket na akala mo winter sa sobrang kapal nito. Hindi ko tinawag si Syd ngayon dahil nakikita ko naman siya nasa court at may tinitignan na lalaki na grade 9 malapit sa pila nila. Sabi na nga ba may bago nanaman 'tong crush, e. Siya pa ba, mawawalan. Bawat grade level pinapatulan, pati grade 5 nga na pogi magiging crush niya. Oh diba, malupit! Pero wag ka, marupok din 'yan sa dati nito'ng ka-MU. Niyaya ako ni Allison pumuntang court at mag standby duon. Buti nga no where to be found pa si Tony ngayon, e. Habang naglalakad lakad kami ni Allison, nagkwekwentuhan kami ng kung ano-ano para mapatawa lang ako nito. Siya 'yung tao'ng sasabay sa trip at kabaliwan mo. "Madi, ihi lang ako. Sama ka?" Paalam nito nang makalapit kami sa restroom. "Iihi ba talaga o magpapaganda sa salamin?" Tanong ko dito na may pagaalinlangan Tumawa na lang ito at pumasok sa C.R. habang ako nakatambay at nanunuod sa mga estudyante na nasa court. "Yow, what's up, Madi" masaya nitong banggit Napalingon ako sa gawi nito at nakita ko ang taong magsisimula ng bad day ko, ay mali Miserable Day! "Wala ako sa mood, Tony" blanko ko'ng tugon sa kanya at umiwas ng tingin "Eh, paano ba 'yan? Nasa mood ako ngayon" natatawa nitong ani Nakikipagbiruan ba ako sa kanya? Huwag naman kasi sana niya akong inisin ngayon kasi hinding hindi talaga ako papatol kahit ano'ng mangyari wag lang niya akong sagarin. Hindi ko na lang siya pinansin at umupo sa isang hagdanan nagsisilbing entrance ng court. "Sabi mo wag kahapon, edi ngayon kita pagtritripan, pero dahil malungkot ka mamaya na lang, wala ako maisip ngayon, e" sabi nito at ginulo pa ang buhok ko gamit ang dalawa nito'ng kamay at unalis na. Gusto kong mapatili sa inis sa ginawa nito! Kitang naka-ipit guguluhin niya? Putek naman, e. Tatangalin ko pa tuloy ang ipit ko. Pumunta akong C.R. Para ayusin ang buhok ko nang makita ko si Allison duon at busy sa kakatingin ng sarili sa salamin. "Anong nangyari sayo? Para kang nasabugan diyan" kumento pa nito nang makita ang buhok ko "Malapit na" sighal ko sa kanya habnag inaayos ang buhok ko. Nang makalabas kami ng C.R. Nakita ko ang pila ng section namin nagsisimula namg tumayo dahil dumating na ang aming adviser hawak hawak ang susi. Nang makaakyat kami sa room namin kailangan pa namin mag-antay para buksan ang room namin. Kung minamalas nga naman talaga, dadaan pa ang section ni Tony sa gitnan namin. Nang makita ko si Tony na malapit ng mapadaan sa akin, tatawagin ko na sana kaklase ko'ng lalaki ng biglang apakan ni Tony ang paa ko. Napatigin ako sa kanya, abot tenga ang smirk nito. Dumaan ito habang natatawa. Napairap ako sa hangin at tinignan ang medias ko'ng puti na ngayon may itim na dahil napakadumi nito. Humugot ako ng napakalalim na buntong hininga para pakalmahin ang sarili ko. Pasalamat siya hindi nakita ng teacher ko iyun at CCTV lang na wala naman kwenta dahil hindi naman din ito minsan nila tinitignan. Nang makapasok kami sa room hindi nagtagal nagsimula na homeroom namin kung saan mag-rosary kami tuwing umaga. Nang matapos ito nagsimula na ang klase. After 3 classes tumunog na ang bell, tanda na recess na. Hindi na sana ako baba ng maalala ko sinabi pala ni Citi na ililibre ako nito minsan lang ito good mood kaya pagsasamantalahin ko na. Baba na sana ako nang bigla nanaman nakita ng mata ko si Tony kasama ang tropa nito. Umiba ako hagdanan na babaan nang bigla akong tawagin ni Tony. Hindi ko na lang ito pinansin at tuluyang bumababa. Nakita ko na kaagad ang dalawa nakaupo isa sa mga upuan. Pumunta ako sa kanila. "Ano? Citi, Hoy! Libre mo, ahh" bungad ko sa kanila nang makalapit ako. "May sinabi ba ako? Kailan?" Pagpapanggap nito at nag-isip isip pa "Ang ganda mo pa naman at sobrang bait" pag-suhol ko dito "Sino ka? Thank you ahh, pero sino ka? Syd kilala mo 'to?" Pagpapanggap pa nito at tinuro pa ako Tangina nito! Ang galing talaga mag sabi pero hindi tinutupad. Kahit Kailan!! "Ayaw mo, ahh" bulong ko at nagsimula nang hanapin ang tao'ng kinaiinisan nito. Bright idea talaga, kasi pagtatawagin ko si Ivo manlilibre talaga 'to. Hinanap ng mata ko si Ivo, sakto nakita ko kaagad siya kakabili pa lang ng pagkain, tamang tama pa at 'yung isang dala niya chucky na inumin na gustong gusto naman nito. "Ivo! Halika dali" tawag ko dito nang makita ko siya. Napalingon ako kay Citi at inangat angat pa ang kilay ko "Hoy! Siraulo ka?" Asik ni Citi at bumuga pa ito ng malalim na hininga bago magsalita "oo na! Sige na, 30 pesos lang ahh. Putik pagastos pa nga" irap nito at binigay ang kakapalit na chit na 30 pesos. "Thank You very much, my beautiful friend" nakangiti kong sabi dito. "Teka, teka! Asa'n akin?" Singit ni Syd "Ulol, wag ka nga" tanggi naman kaagad ni Citi Napasimangot si Syd at tumayo. Sinundan ko ng tingin si Syd, lumapit ito kay Ivo at kinausap pa ng kaunti at hinila na papunta dito "Siraulo kayo'ng dalawa, 'lam mo 'yun?" Naiinis na sabi ni Citi "Hoy, Citi. Special delivery, ohh" bungad ni Syd "Anong kina-special diyan?" Tanong nito at tinaas pa ang kilay Ang sama talaga, putik. Kawawa naman si Ivo. "Citi, for you, alam kong paborito mo 'to sana ako din maging paborito mo" bakas ang confidence nito sa tono niya sabay bigay ang chucky na hawak nito The Fvck? Wala talaga'ng hiya. Well, pasalamat si Citi at mahaba buhok nito. "Awww, ang bait. Yes nakalibre ako 35 pesos. The best ka talaga, Ivo" kahit ganyan ang linyahan niyan may halo pa ring sarkastimo sa mga tono nito. "Ako pa ba? Mamaya uli para may libre ka pa. Gusto mo pa milktea mamayang uwian, e" nakangiti nitong tugon Napatingin ako kay Syd na napatingin din sa akin. "Sana all!!!!" Sabay namin'g tugon ni Syd "Sige ba, Ivo! Sama mo na din tropa mo kung gusto mo para masaya" singit naman ni Sydney Hah? Sama tropa? Eh, tropa nito si Tony, ahh! Paano ba 'yan!!!! Nakakainis naman, oh. "'Ge, maya sunduin ko na lang kayo sa room niyo" sabi pa nito "Good bye, beautiful" sabay kindat nito kay Citi at umalis na ito "f**k you, Sydney!" Asik nito umirap pa Natawa na lang ako sa kanila. "Mga timang may 10 minutes pa bago mag recess akyat na ako. Goodbye. Thanks sa libre, Citi, at advance na din na congrats sa inyo ni Ivo. Sasama ako mamaya, ahh. Sayang din ang libre 'no" sabi ko dito at tumayo na Walang makakapigil sa akin kahit si Tony pagdating sa librehan ng pagkain. Wala naman siya'ng magagawa sa akin mamaya dahil kasama 'yung dalawa. Nang pumunta ako sa hagdanan nagulat na lang ako na nanduon si Tony nakatayo at nakasandal malapit sa elevator. Bala siya diyan! Mag tiis siya! Nakakapagisang hakbang pa lang ako nang bigla akong hawakan sa palapulsuhan nito "Bakit di mo ko pinapansin?" Tanong nito at sinandal ako sa pader Wala na! Kulong tayo! Hindi naman ako makasingit sa gilid dahil nakasandal na ang kamay nito sa magkabilang gilid ko. Hindi ko na lang siya sinagot at pumikit ng mariin. "Sasagot o sasagot?" Naiinis na tanong nito Seryoso ba? Papapiliin niya ako sa mga pilosopong tanong nito? Binuka ko ang mata ko at tinignan siya ng masama "Paki ko ba sayo?" Naiinis kong sagot Aba, sumusobra na siya! Naiinis na ako sa kanya. "E, bakit tinawag mo kanina si Ivo?" Naiinis na tanong nito. Anong connect ng hindi pagpapa-pansin sayo kay Ivo? Ano 'yun naiinggit siya? Sige, inggit pala siya, e. Edi ligawan niya isa sa mga kaibigan ko at ilibre ako. Ayun may paki na ako sa kanya. "Paki mo din?" Asik ko sa kanya at tinulak ito ng malakas. Duon na ako nagsimulang tumakbo paakyat at pumunta ng room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD