02

1900 Words
Lunch Time... Hindi na sana ako bababa ng klase ng sunduin ako ng dalawa sa room. Dahil buraot ako at madadamot sila walang nagbigayan. Nagpapalit lang ako ng chit worth 10 pesos para tipid lang. Nakapagburaot naman ako kay Allison, sa kaklase ko na kaibigan ko din. Bumili ako ng chitchirya at pumunta na sa table. May 30 minutes pa bago matapos ang lunch kaya napagdesisyonan ko na sumama kila Citi sa Library kahit boring. Hindi ko parin makalimutan ang ginawa ni Tony. Alam mo 'yung gustong gusto mo siya'ng patulan pero natatakot ka na may gawin pa siya. Umakyat kami 2nd floor sa main building kasi 'anduon ang library ng biglang napatigil si Syd. Ang landi talaga ng gaga at nakita nanaman si Kuya Aummanuel. Well he's wearing a glasses right now na masyadong nagpapogi sa kanya. His perfect jawline at magandang build ng katawan. All girls will drool over him because of his face, isa na din ako dun dati. Nagalit pa nga ang gaga kasi daw inagaw ko. Pero ngayon balibalita na may jowa na daw ito kaya okay lang kay Syd, sabi niya pa hangga't nakikita niya 'to, walang tigil itong magkakacfush sa kanya. "Hoy!! Kayong dalawa nabaliw nanaman kayo diyan. Hindi naman pogi! Kadiri kayo, hmmph" I was snap by my own thoughts when Citi spoke "Bitter ka? Palibhasa wala ang love of your life na si Ivo" irap ni Sydney at tumingin saglit kay Kuya Aummanuel bago nagwalkout at pumasok sa library. Teka nga? Bakit ba kami nandito? Alam ko kahit matalino 'tong mga 'to, hindi sila pumupuntang library, maliban na lang kung may papaprint 'tong mga 'to or may nakalimutan ipasa. Bago kami pumasok napapuke ng kunwari si Citi ng marinig nito ang pangalan na kinaiinisan niya she hates love! "Disgusting, Yuck" sabi pa nito at pumasok na sa Library Nag-log muna kami sa Library bago hanapi ang Gaga. Ewan ko ba diyan, nagsisipag ata. Nang matapos mag-log nakita ko si Syd may dalang libro, aba hanep! Sinipag siya, ahh. "Ano gagawin mo diyan?" Bungad ko kay Syd ng makalapit ako sa kanya, humiwalay din si Citi sa akin dahil may hahanapin pa daw siya. "Wala, manunuod lang ako" pilosopo niyang tugon "Ay, ganoon ba? Ang lupit naman ng libro at pwede kang manuod" pilosopo kong sagot sa kanya pabalik "Oo nga, e. Mamaya magpipicture pa ako sa libro na 'to" I can that she is annoyed now. "Seryoso, para saan yan?" Tanong ko, ayaw ko na siyang magalit pa lalo, iba pa naman 'to pag nagalit "Kailangan sa Science investigatory project namin, ayan tuloy kailangan pa ng synopsis at hindi daw pwede mag-search sa internet, ipapasa din kasi mamaya, e. Kaya ayan pahirapan" she annoyingly said "Buti pa kami, walang ganyan ganyan. Wawa naman kayo sa teacher niyo" pang-aasar ko dito "Edi Wow" irap nito at tsaka umalis papuntang counter ng library para hiramin ang libro. Sumunod ako sa kanya at nakita ko din si Citi nanduon na at nakapila para manghiram ng libro. Inantay ko sila at lumabas na kami ng library, bumaba kami at naglakad lakad sa school habang lunch pa. Malamang kasabay namin Grade 10 pag lunch kaya kilig na kilig itong isang 'to at nakikita ang crush niyang grade 10. "Puro ka crush, Syd! Hindi naman pogi, tumigil ka nga" irap pa nito Ang bitter talaga nito. Palibhasa lahat ng lalaki ayaw niya. Masyadong mataas ang standard, di na lang sagutin 'yung nangungulit sa kanya "Edi wow" irap ni Syd at biglang hinila ang braso nito tila ba kinikilig "Oy Citi!!!!! Si Ivo, ohh! Patulan mo na kasi! Bakit ayaw mo? Pogi naman tsaka muka naman seseryosohin ka" unti na lang titili siya sa kilig "Tigil-tigilan mo ako, Syd. Kung napopogian ka sayo na 'yan. Love sucks, tol, kaya kung ako sayo study muna, ha" umirap ito sa hangin at umalis "Ang bitter talaga nun" commento ko "Sinabi mo pa" irap ni Syd "Ivo! Ivo!" Sigaw niyo at tinawag ang sikat na basketbolista na ka grade level namin. "Gago! Pag iyun nagalit, patay ka talaga" saway ko sa kanya "Yaan mo siya" natatawa nitong tugon at binaling ang atensyon muli kay Ivo na papalapit na sa amin Ivo is the famous basketball player and a grade 8 representative namin. Officer siya at makulit. Matangkad, pogi at ang ganda ng build ng katawan. Kakambal niya ang kaibigan ni Sydney kay kilala ko din ito. Sabi nga nila matalino daw siya pero hindi ako naniniwala kasi ML lang alam nito at kabalatugan. "Hanap mo si Citi?" Tanong ni Syd ng makalapit ang damulag "Oo, hindi ko siya makita kanina, akala ko nga kasama niyo. 'asaan ba siya?" Tanong nito "Kanina kasama namin, wait" nilibot ni Syd ang mata niya at hinanap si Citi nakakaalis lang. Nang makita niya "penge muna 10 bago ko sabihin" nilahad ang palad sa kanya Buraot talaga siya!!! "Hoy, gago! Ang ganda ng style mo mamburaot" saway ko sa kanya Bago pa makapagsalita si Syd nilagay na ni Ivo ang pera sa palad nito ang 10 pesos na chit. "Thank You talaga, Ivo. Ayun siya oh!!" Turo niyo kay Citi na nasa banadang CCF at nakaupo sa bench na kahoy na anduon. "Thank You, Syd! Maasahan ka talaga" sambit ni Ivo bago umalis Bago pa ako makapagsalita may sumingit na sa akin... "Hello There, My dear Madi" akbay pa nito sa akin "Umalis ka, Tony! Baka singhalan kita diyan" pagtataboy ang unang ginawa ni Syd "Uhmm..." pagpapangap pa nitong may iniisip "Sige, sabihin mo muna sa akin kung ano oras uwian ni Madi mamaya" may umilaw ata sa utak nito at ganto ang naisip. Sana lang walang masamang balak Ganto ba ang pakiramdam pag pogi ang nakaakbay sayo? Bakit biglang tumalon ang puso ko? Hindi pwede dahil may balak itong masama. No! "Magkatabi lang kayo ng room, bakit 'di mo tignan schedule nila duon sa nakapaskil? Lumayas ka!! Chupe" tinulak pa ni Syd ito pero hindi nagpadala si Tony Oo nga 'no! Bobo lang talaga siya! HAHAHAHAHA "Good Idea!! Sige, para mamaya alam ko na galawan nitong babe ko at makikita ko pa siya" sabay kindat Iww. Kadiri, nakakasuka, Yuck!! Pogi nga bastos naman! Tse! Iwww! Tinanggal ko ang pagka-akbay sa akin at tumabi kay Syd "Ulol ka ba? Alam ko balak mo Tony! Wag kang mag-kakamaling i-bully si Madi kung hindi patay ka talaga sa akin" pagbabanta nito "Chill ka lang, Syd! Magsisimula pa lang ako" tingin nito sa akin at kumindat pa "gotta go, bye" Umalis na 'to at naiwan akong nakatunganga at iniisip ang sunod na plano nito. Bago pa lang mag-angelus umakyat na ako at nagpaalam kay Syd. 15 minutes pa bago mag-angelus kaya pupunta muna akong CR para makapag-tooth brush. Fresh breathe is good kaya! Kinuha ko muna ang hygiene kit ko sa bag kong nasa room at dumiretso sa C.R. Nang makapagtooth-brush ako, lalabas na sana ako ng Female's Bathroom ng may biglangang nagtapon ng tubig sa aking blouse. Basa ang blouse ko at buti na lang hindi nabasa ang palda ko. I look at My blouse before turning my gaze to the person who did this. Nakita ko ang isang demonyong tao na tawa ng tawa! Huminga ako ng malalim bago umalis. Ayaw ko ng patulan at baka makasuhan pa ako or baka may gagawin pa siyang mas malala dito. "Saan ka pupunta? Hindi mo man lang ako babawian?" Tanong ni Tony ng unti unti akong umalis Umirap na lang ako sa hangin at pinagpatuloy ang paglalakad Pasalamat na lang siya at PE namin ngayong araw na 'to at nasaktuhan na kasunod ng Lunch kaya mapapatuyo ko pa ang uniform ko. Pumasok akong room at sinuot muna ang jacket ko. Bawal pa kasi mag-palit ng PE uniform hangga't wala pa si Miss. Umupo ako sa upuan ko at tumingin muli sa salamin at nakita ko si Tony nanduon at kinindatan muna ako at tumawa bago naglakad papuntang room nito. "An'yari sayo?" Tanong ni Allisom ng makita ako Allison is my classmate. Friend na rin kung tatawagin. She is nerd. Nerd ang style niya but she's not as smart as the nerdy girls out there. Nakasalamin siya at maikli ang buhok. She is definitely beautiful but a nerd type. "Wala 'to! Si Tony kasi aksidenteng naitapon ang tubig sa akin" pagkukunwari ko Ayaw kong sabihin sa kanya kasi alam ko na sasabihin niya ito kay Syd at Citi. Baka magwala pa silang dalawa. "Ah ganoon ba? Sige sige! Mamaya ibigay mo sa akin 'yan blouse mo pag tapos ka na magbihis ng uniform para mapatuyo natin, sakto naman nakatapat ako malapit sa aircon kaya mapapatuyo 'yan after 2 hours" sabi nito bago umalis Nararamdaman kong may balak pang marami si Tony sa akin. Since kilala siya sa pambubully, hindi iyun titigil hangga't hindi siya nakakasuhan. Iwas ang madaling paraan para dito. Nang-nag PE kami ganuon nga ang ginawa ko. Binigay ko kay Ali ang blouse ko para mapatuyo ito. Kung kanina okay lang sa akin na natapunan ako ngayon namang PE time ang malas. Nakalimutan ko na kasabay pala namin ng oras ang PE ng Section ni Cedric. Ang malas naman!!! Nakita ko nanaman siya, kasama ata ang jowa niya. They are sweet. Naghaharutan habang may ginagawa ang grupo na nagprepresinta "Hoy, Madi" someone snap a finger infront of my face Hindi ko man lang namalayan na umiyak na pala ako. Pinunasan ko ang luha na pumatak mula sa aking mata "Bakit? Ano meron?" I asked confusingly to Allison after whipping my tears "Umiiyak ka ba?" Tanong nito, napansin ata ang pagkapula ng mata ko "Ha? No, No. napuwing lang. So, ano nga meron?" "Uhmm...practice daw mag toss" sabi nito at binigay ang bola Sa grade 8 volleyball ang pinag-aaralan naman kaya may pa-toss. Tumango tango na lang ako at pumewesto. Si Allison ang kasalukuyan kong partner. Well, tandem kami lagi, pag hindi ko kasama sila Syd, siya naman. Before I played, tinanggal ko muna ang feeling na nararamdaman ko sa kaninang nakita ko. Nakalipas ang 1 hour at 30 minutes, pwede ng umakyat sa room ang ibang nakapagtoss na. Bago ako umakyat nahagip nanaman ng mata ko si Cedric na masaya sa piling ng jowa niya. Umiling iling na lang ako at umiyak. Pumatak nanaman ang letseng luhang 'to. Dumiretso ako ng C.R. At duon ko binuhos ang pag-iyak ko. Matapos ang ilang minuto pinagpasyahan ko na mag-ayos na din dito ng buhok at punasan ang mga pawis. Lumabas ako ng C.R at laking gulat ko na anduon si Tony. Iniwasan ko na lang siya at tuluyang lumabas ng harangan nito ang dadaanan ko. "Ano nanaman ba?" Pilit kong hindi mautal, nasa isip ko pa rin ang nakita ko kanina at pilit kong kinokontrol ang pag-iyak ko, na sana wag na itong lumabas. "Umiiyak ka ba?" He asked Napatanga ako sa tanong niya? Umiwas ako ng tingin sa kanya at pinahid nanaman ang mga walang kwenta kong luha. Tumingin muli ako sa kanya "Bakit naman ako iiyak? At tsaka wag muna ngayon, please bukas muna dagdagan ang mga ginawa mo simula kanina. Pagod ako" I said coldly before I went to my classroom Nasa rule kasi sa amin na bawal mag-palit sa C.R ng PE uniform during PE pag hindi ka pa grade 9 at 10. Kaya walang choice kung hindi sa room mag-bihis. Safe naman at hindi makikitaan dahil ang mga boys sa labas ng room nag-papalit pero hindi pa rinsa C.R. dahil pinagbabawalan pa ito. Nang makapagpalit, inayos na namin ang mga gamit namin bago dumating ang last subject teacher ko. Which is Science, my adviser is my science teacher kaya madali na lang ang uwian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD