Mabilis na lumipas ang mga araw at ang mga buwan. Hindi na muling nag-open up si Cassandra sa akin pagkatapos ng anim na buwan mula nang mapagtagumpayan niya ang kanyang unang misyon. Wala naman ng naging problema sa apat na misyong magkakasunod niyang tinapos. Masaya si Amanda dahil naging A-list assassin na ang kapatid niya. Nalagyan na rin ng tattoo ang batok ni Casey na siyang simbolo ng aming organisasyon. Ngayon nga ay may isang malaking misyon nang ipina-handle kay Casey na utos mismo ng supreme leader na siya naming pinaghandaan ng ilang linggo. Kailangan naming sugurin ang kuta ng isang bigtime Mexican drug syndicate at kailangang mapatay ni Casey ang leader. Bumiyahe pa kami patungo ng El Paso, Texas para tuntunin ang kuta nila sa lugar na iyon. Tinignan ko si Casey na naghah

