"Bien, we need to talk." Iyon kaagad ang isinalubong ko kay Bien pagpasok na pagpasok ko sa loob ng opisina niya. Kaya naman mula sa ginagawa niyang pag-aaral sa dokumentong nasa laptop niya ay napatingin siya sa akin. "About what, Maristela?" may pagtataka sa boses niyang tanong. I rolled my eyes dala ng inis ko. "About the new bodyguard you've assigned for me. Ayoko sa kanya. Just have him as yours, dagdag proteksiyon mo na rin. I don't need a bodyguard anyway. You know I can take care of my self, Bien," sunud-sunod kong sabi. Lalo akong nainis nang tila naaaliw pa siya sa mga pinagsasabi ko. "Saan ka ba talaga naiinis, Maristela? Sa pagkaaroon mo ba ng bodyguard o dahil siya ang bodyguard mo?" "Both!" hindi ko napigilang isigaw ang katagang iyon. Natigilan ako pagkatapos. Ito a

