Humihingal akong naghihintay sa pagsugod ng tauhan ni Cassandra na kasalukuyang kinakalaban ko. Hindi nga ako nagkamali. Malakas talaga siya. Ilinabas ko na ang mga itinatago kong diskarte sa pakikipaglaban para mapabagsak siya ngunit sadyang malakas din siya at nanghihina na rin ako sa pagod. Alam kong hindi na masyadong malalakas ang mga huling sipa at suntok ko sa kanya. Ganon pa man, alam kong pagod na rin siya. Dumudugo na rin ang kanyang ilong katulad ng sa akin. Dumura siya ng dugo sa harapan ko at naglabas ng ngising demonyo. Muli siyang sumugod sa akin. Pilit kong sinasangga ang mga pamatay niyang tira. Kung magkakaroon ng pagkakataon ay gumaganti rin ako ng mga suntok. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay may nakalusot siyang suntok na tumama sa tiyan ko at nagpayukyok sa

