Matiim akong nakatingin sa larawang nasa loob ng folder. Pablo Ponce. Isang Puerto Rican drug dealer ang bagong target ko. Ayon kay Amanda ay limang buwan pa lang itong leader ng sindikatong Crisscross ngunit masyado raw itong traidor sa mga nakaka-deal nito kaya't nais itong ipapatay ng sindikatong last na naka-deal at trinaydor nito. Balita sa mundo ng sindikato na narito ngayon sa Chicago ang lalaki at may ka-deal kaya sa amin ini-offer ang target at sa akin nga ibinigay ni Amanda ang assignment. Nang makalabas ako sa opisina ni Amanda ay dumiretso ako sa may pool area at umupo sa isang shed. Nagsindi ako ng sigarilyo at sunud-sunod na humithit. Naaalala ko na naman siya. Pareho lang ang paninigarilyo sa pagpatay, Terrence. Sa paninigarilyo, unti-unti mong hinahanap ang kamatayan. Sa

