Oaxaca, Mexico "Mama!" Nakangiti kong nilingon ang magtatatlong gulang na si Lizbeth na patakbong papunta sa kinaroroonan ko. Hindi talaga siya matatahimik kapag hindi niya ako kasama. Sinalubong ko siya ng mahigpit na yakap nang sa wakas ay makalapit siya sa akin. "Hi, baby." Malambing kong hinalikan ang kanyang pisngi. "Love you, Mama!" Lalong lumaki at tumamis ang ngiti ko sa paglalambing niya sa akin. Hinalikan pa niya ako sa magkabilang pisngi. "Papa wants to see you," ngiti niya sa akin. Nagtataka akong tumingin sa kanya. "Is he mad?" tanong ko sa bata. "Nope!" Napabuntong-hininga ako. Pareho talaga ang mag-ama. Halos ayaw nila akong mawalay sa mga paningin nila. Hindi sila mapakali kung wala ako sa tabi nila. Kung wala naman si Bien ay bantay-sarado kami ni Lizbeth sa

