CASSANDRA/MARISTELA Pumasok ako sa loob ng kuwarto. Kitang-kita ko ang magkahalong pananabik at takot sa mga mata ng mga tauhan ni Bien. Inilipat ko tingin ko sa lalaking nakahiga sa isang malapad na mesang katulad ng operating table. Nakatali na ang magkabila niyang mga kamay at paa sa apat na gilid ng kinahihigaan niya. Naupo ako sa naghihintay na upuan para sa akin malapit sa mesa at pagkatapos ay sinenyasan ko ang tauhan para lagyan ng alak ang baso kinuha ko mula rito. Nagsubo rin ako ng sigarilyo. Nanginginig ang kamay ng tauhang nagsindi ng sigarilyo na nasa bibig ko kaya napatitig ako sa kanya. Halos mawalan siya ng dugo sa mukha dahil obvious naman ang takot siya sa akin. Gusto kong matawa. Everybody inside the room smells fear. Ewan ko ba ngunit tuwing pumapasok ako sa kuwarto

